KABANATA 7

1906 Words
IKAPITONG KABANATA “NASISIRAAN KA na nga ng bait! Kalokohan ‘yang sinasabi mo.” Mahinang alma ko kahit na kampante naman akong walang makakarinig sa usapan namin dahil malayu-layo ang kusina sa mga silid ng mga kasama namin sa bahay kanlungan na ito. Hininaan ko pa rin talaga ang boses ko kahit na ang totoo ay nagtatangka na talaga akong sumigaw. “Kanina ka pa hawak ng hawak sa ‘kin. Hinaharass mo na ‘ko.” Bintang ko pa sa kanya. Nang sabihin ko iyon ay dali-dali niya akong binitawan at umatras. “I am not harassing you.” Mariing pagsalungat niya na nakakunot ang noo at may talim sa titig niya sa akin. Parang sinasabi niya na hindi siya iyong tipo ng lalaki na maglalaan ng effort para makuha ang atensiyon ng isang babae. At nainsulto ako ro’n! Eksaherada akong nagbuga ng hangin at pinaningkitan siya ng mata. Humabol talaga siya sa akin dito nang hindi nag-abalang magsuot ng damit pang-itaas. Hindi naman ganoon kalaswa ang ayos niya dahil nga’y marami pa ring bendahe ang katawan niya dahil sa kanyang mga pinsala. Kapag nakikita ko iyong mga pinsala niya ay hindi ko maiwasan isipin na baka masama siyang tao kaya may mga indibidwal din na gusto siyang ipahamak. Tama lang na idistansiya ko ang sarili ko sa lalaking ito. Oras na may makakita sa amin ay tiyak na pag-iisipan kami ng masama. At baka ako ang masiraan ng bait kung ipapaliwanag ko ang tagpo kung saan kasama ko rito sa malamlam na parte ng bahay kanlungan ang lalaking ito dis oras ng gabi. “Ano’ng tawag mo sa ginagawa mo?” Ipinapakita ko talaga sa kanya ang discomfort ko sa tuwing malapit siya sa akin. He is chasing me and later on makakaladkad ako sa eskandalo. Hindi matanggap ng isip ko na pag-iisipan ako ng mga kasamahan kong babae rito na madumi akong babae. Kailangan kong mag-ingat para na rin sa kapakanan ko. Hindi talaga magandang tingnan na napapalapit ako sa lalaking ito. Kung si Carlotta ay baka puwede pa dahil feeling close naman iyon kay Fire pero ako? Ang inappropriate ng ideyang iyon. “I feel uncomfortable in that room because of what you've said. Makakatulog lang ako ngayong gabi kung may kasama ako. It's either you allow me to sleep in your room or you'll stay in mine.” Hala! Decisioner pala ang guwapong nilalang na ‘to. Gusto kong isipin na nagbibiro siya pero ang seryoso ng mukha niya. Nakatiim pa ang aristokratikong panga niya na isa sa mga detalye ng kanyang mukha na aksento sa pagiging masculine niya. Kaya nakakatawang isipin na takot siya sa multo. “Ano ka, bata? Ang tanda mo na, Sir pero natatakot ka pa sa multo.” Pinigil ko ang mapahagikhik. “I’m not scared, damn it! I said I just don't feel comfortable in that room anymore. This whole house seems creepy. That was what I actually feel since that day I woke up in this place.” Nahuli ko ang pag-irap niya matapos sabihin iyon at sa likod ng isip ko ay agree ako sa sinabi niya. Creepy nga talaga ang bahay kanlungan na ito. Napailing ako at nagpasya na itigil na ang paksa na may kinalaman sa multo although may iilang paranormal na karanasan na rin ako sa bahay kanlungan na ito noong bata pa ako na hanggang sa edad ko ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan. Nakatayo na kasi ang bahay na ito noong sakupin ng mga hapon ang Pilipinas. Kuwento sa akin noon ni Mother Petrina na ang orihinal na may-ari ng bahay na ito ay ang pamilya ng mga Buena-Agua— isang buena familia. Ang mga anak na babae ay seksuwal na inabuso at ginawang comfort women ng mga mananakop na hapon. Dito sa mismong bahay na ito naganap ang lahat ng karahasan sa pamilya Buena-Agua sa kamay ng mga hapon. Kaya sari-saring karanasan at kuwento ang napapaukol sa bahay kanlungan na ito. Mga horror stories. Pero balewala na sa akin iyon. Nasanay na ako sa mga nakakakilabot na bagay-bagay sa paligid noong maliit pa lamang ako. Ang mahalaga kasi sa amin noon ni Mama ay pahalagahan at mahalin ang bahay na ito na siyang nagsisilbi naming tahanan. Ganoon din ngayon. “Okay. Ang totoo ay binibiro lang kita kanina. Walang katotohanan na may mga multo-multo rito kaya tantanan mo na ako at bumalik ka na sa kuwarto mo.” Iniwan ko siya at nagmamadali na akong pumasok sa kusina. Naghanap ako ng powder milk o fresh milk na maaari kong inumin para nga’y makatulong para makatulog naman ako. Subalit nadismaya ako nang wapa akong mahanap sa pantry. Kung may stock man na narito ay mga kape lang. Black coffee pa. “What’s wrong?” Puna ng lalaki sa akin. Hindi na nga ako nagulat na sumunod pa rin siya sa akin hanggang dito sa kusina. Napagtanto ko na may kakulitan pala ang lalaki. Wala lang sa hitsura niya. Kasi first impression ko talaga sa kanya ay suplado siya. Siyempre iyon ang una kong naipagpalagay sa angkin ba naman niyang kaguwapuhan na mala–hollywood star, naisip ko talaga na siya iyong tipo ng lalaki na hindi mamamansin. Pero mukhang nagkakamali ako dahil kahit na bossy ang ilan sa mga birada niya ay nararamdaman ko namang harmless siya. Siguro. “Gatas. Iinom sana ako kasi ayaw akong dalawin ng antok pero wala namang stock. Wala kaming milk ng baby ko.” Hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko. Muntik pang pumiyok ang boses ko. Bumigat din ang dibdib ko dahil nga ay wala akong makukuhang gatas para sa amin ni baby. Kumurap ako. Naiiyak ako na ewan at hirap akong pigilan ang emosyon ko. “Move. Let me check it myself.” Naramdaman kong lumapit sa tabi ko si Fire. Umusog ako ng kaunti at hinayaan siyang maghanap sa pantry ng pakay ko. Nasa sahig lang ang paningin ko. May ilang butil na ng luha ang lumalandas sa pisngi ko. Nandito na naman iyong pakiramdam na awang-awa ako sa kalagayan ko. Naaawa ako sa anak ko. Baka ‘kako gusto rin niya ng Bear Brand pero wala akong maibigay. Nang humikbi ako ay narinig ko siyang nagmura ng maigting kaya naman ay inangat ko ang aking mukha para siya ay tingnan. I almost blink when I notice the fire across his eyes. Mukha siyang galit na galit kaya nagtaka ako. “B—bakit... Galit ka ba?” “Hell I am!” Matigas niyang anas. Parang ibig niyang umasik. “I am mad because I can't find any milk in this house.” Nagdabog ka kaya umatras ang luha ko kasabay din ng pag-atras ng paa ko. Suminghot ako. “Huwag kang magdabog at baka may magising. Normal na ang ganito na madalas may shortage sa grocery stocks. Dumadating kasi sa punto na dumadami ang tinatanggap sa bahay kanlungan tapos kaunti ang dumarating na donations.” Paliwanagan ko base sa pagkakaalam ko noong bata pa ako. Si Mama kasi noon ang head sa kusina kaya madalas ay siya rin ang nakatuka sa pagba-budget ng mga groceries. Parang hindi niya narinig ang sinabi ko at muling naghanap sa loob ng pantry. Frustrated ang bawat kilos niya. Napangiwi ako dahil may nalalaglag nang de lata dahil sa walang ingat niyang kilos. “Itigil mo na nga ‘yan. Ayaw ko na ng gatas at babalik na ako sa kuwarto ko. Maiwan na kita.” “Damn! Really?” He grunts. Mas lalong sumama ang timpla niya. Tipong ilang segundo na lang ay bubuga na siya ng buhawi. “Nagbago na ang isip ko. Sige na. G—good night na lang sa’yo.” Pumihit na ako para makalabas ng kusina nang pinanlakihan ako ng mata dahil may narinig akong magagaan na yabag sinyales na may parating. “Hesus ko! May parating.” Mabilis na Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Nataranta ako. Palinga-linga ako sa kabuuan ng kusina na para bang inatake ako ng diarrhea. “Yeah. Seems there is. Then, what's the problem?” Sita sa akin ng nagsusungit kong kasama rito sa pantry. “Tahimik!” Suway ko sa kanya at dala ng pagkataranta ko’y nahila ko rin ajg lalaki sa nakita kong puwede kong pagtaguan dito sa likod ng lumang aparador. Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko samantalang ang isa’y nakahawak sa kamay ng lalaki. Nag-dock ako at hinigit ko siya sabay turo ko sa pinto na ang taas ay hanggang baywang ko lang. Kilala ko ang pintuan na iyon kaya doon ako gumapang papasok. “What the fúck are you going to do there?” Rinig kong reklamo ni Fire. “May tao ba riyan? Sino ang nariyan?” Boses ni Sister Eve iyon. Siya pala ang pumunta rito sa kusina at mukhang narinig niya ang boses ni Fire. I am horrified even more. Hinigit ko siya papasok sa mababang pinto. Kasya naman siya sa pinto kahit na ang laki at tangkad niyang tao. Ni-lock ko ang pinto ng dahan-dahan, tiniyak na hindi gagawa ng ingay ang bawat kilos ko kundi ay lagot ako! Sobrang dilim dito pero kabisado ko ang underground kung saan patungo ang pinto na ito. Wine cellar ito noong unang panahon. Ngunit hindi ko na tiyak kung ganoon pa rin ba ang ayos ng cellar. “Tanginang dilim ‘to. You better fúcking hold me! Baka mamaya may biglang humablot sa ‘tin dito.” “Tahimik sabi! Ano ba?” Takot kong suway kay Fire nang muli siyang magreklamo. Para akong kriminal na nakatakdang mahuli sa akto. Pinagpapawisan ako. Kinapa ko siya para hawakan nang sa ganoon ay manahimik ang letseng lalaking ‘to. “May hagdan dito. Huwag kang maglumikot at baka malaglag tayo.” Bulong ko. Naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Labis na kaba itong nararamdaman ko sa mga sandaling ito at bumibilis na ang paghinga ko. Kaya naman ay pinisil ko pa ang hawak kong— “Babe, that's my cóck. Don't squeeze it brutally.” Parang mas gugustuhin ko na lang na mahuli kaming magkasama ni Sister Eve kanina kaysa sa makalabas kami rito at wala na akong mukhang ihaharap sa lalaki dahil lang sa pagkalalàki pala niya ang nadakma ko. “Cóck? Cóck?” Sinubukan kong magsalita subalit tila mamamatay ang boses ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mas lalo pa akong nasindak. “Yes, baby. It is my cóck you are squeezing. It's getting terribly hard in your hand. You feel it?” “H—hindi—” “Sino ang nariyan? Carlotta, ikaw na naman ba ‘yan? Magpupuslit ka na naman siguro ng mga pagkain, ano? Carlotta!” Istriktong sabi ni Sister Eve sa labas pero tila ayaw ko nang pansinin si Sister Eve kung mahuhuli man niya kami. “H—hindi ko sinasadya—” “Carlotta! Lumabas ka nga riyan!” “Hush, baby.” Nanigas ako nang lumapat sa dalawang gilid ng mukha ko ang mga kamay ni Fire at ang hininga niya ay nalanghap ko. Para akong nalasing doon. “L—lalabas na ako—” Wala na ako sa katinuan ng mga sandaling ito at nasa isip ko na lamang ay tumakbo palabas sa pinagkukublihan namin. Ngunit bago pa man ako makakilos ay may mainit na bagay ang lumukob sa bibig ko. Parang tumigil sa pagpintig ang puso ko nang mapagtanto kong ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD