KABANATA 3

2352 Words
IKATLONG KABANATA NANG HINDI ko na matanaw sa aking paglingon ang motel na pinanggalingan ko ay akala ko’y nailayo ko na sa gulo ang sarili ko. Ngunit nagkakamali pala ako. Dire-diretso kong binaybay ang kalsadang hindi pamilyar sa akin. Tila ako naliligaw sa isang lugar na pakiramdam ko’y nakaabang lang ang panganib. Taimtim akong nagdadasal na sana ay may dumaan na taxi sa kinaroroonan ko. Ang nais ko lang ay matiyak na nakalayo na ako sa motel na iyon. My body is shaking from fear. Ngayon lang bumaon sa utak ko ang ginawa ko kay Finn. Fear is surging into every part of me. Natatakot ako sa posibilidad na baka napuruhan ko siya ng babasaging pitsel. Paano kung napatay ko siya? Hindi maaari. Hindi ako masamang tao. Sinubukan ko lang na ipagtanggol ang sarili ko pero, Diyos ko! Hindi ako masamang tao. Sa ideyang iyon ay ibig nang humulagpos ng palahaw ko mula sa aking bibig. Nanghihilakbot ang pakiramdam ko lalo pa’t alam kong wala akong sino man na maaaring takbuhan dito. Matagal na akong mag-isa sa buhay pero ngayon ko lang naramdaman na naawa ako ng ganito sa sarili ko. Naramdaman ko ang mainit na likido na nag-uumpisang lumandas sa pisngi ko ngunit hindi ako tumigil sa paglalakad. Mas bumibilis ang kilos ng mga paa ko na tila ba may humahabol sa aking mapanganib na hayop. At nagbalik sa alaala ko ang pinagsasabi sa akin ng mga taong iyon kanina sa motel. Lalo na ang ina ni Finn. Mas kailangan kong matakot sa kanila kaysa sa isang mabangis na hayop sapagkat masahol pa sila sa mga iyon. Gusto ko nang sumigaw sa kalsada na iyon at magpapadyak dahil wala man lang akong matanaw na dumaraan na sasakyan. Nag-uumpisa nang manakit ang mga braso ko dahil sa dala-dala kong dalawang duffle bag ngunit mas nangingibabaw ang takot ko sa lugar na binabagtas ko sa kalagitnaan ng gabi. Wala akong alam sa lugar na ito! At hindi nakakatulong iyong mga kuwento dati ng mga kakilala ko tungkol sa mga hindi maganda na karanasan nila sa Maynila. Sumibol ang malubhang desperasyon sa dibdib ko at ibinandera ko ang kamay ko sa unang sasakyan na dadaan. Ang pangatlong sasakyan na pinarahan ko ang siya lamang huminto. Isang lalaki ang naroon sa driver seat ang sumilip. He's a middle aged man. A bald man. Humakbang ako sa bintana ng sasakyan nitong nakababa. “Pasensiya na ho kayo pero nagmamakaawa po ako na kung maaari—” “Limang daan. That's a generous offer for dahil hindi kita gagalawin. I only want you to give me a mind-blowing head, lady.” Pinanlakihan ako ng mga mata. “H—ho?” “I-b*****b mo ako, iyon lang. Tsutsūpain mo lang ako at saiyo na ang limang daan.” Mas malinaw na salaysay nito. “Sakay na. Dalian mo!” Nagmura pa ito dahil napakurap-kurap pa ako. Napasinghap ako nang bitawan ng lalaki ang manibela ng sasakyan nito at nagmamadaling inilabas ang kanyang ari. “Tangina mo! Sakay na sabi!” “Hindi... Ayoko...” Nahihintakutan akong napaatras sa sasakyan ng lalaking napagkamalan akong isang bayaran na babae. “Hoy, ano ba?! Púnyeta ka! Ang arti-arti mo! Sasakay ka ba o.... Pūtangina!” Dahil sa sitwasyon ay nawala na sa isip ko ang nararamdaman na pagod at p*******t ng balikat. Hindi ko na naisip na may kabigatan ang dalawang duffle bag na bitbit ko habang tangay-tangay ko iyon sa pagtakbo. Wala na sa isip ko kung gaano na kalayo ang natakbo ko. Hindi pa ako puwedeng huminto dahil malayo pa ako sa lugar na ligtas ako. Well, I'm such a fool to think that I still have a safe place for me to go. Wala pa nga palang lugar na pupuwede akong makaramdam ng safety. Bata pa lang ako ay iyon na ang isa sa mga bilin ng Mama ko na hanggang ngayon ay pinakatatandaan ko. May ilang kalsada akong nilikuan hanggang sa nakarating ako sa daan na may lumang rotonda na tila ano mang oras ay babagsak na. Kinilabutan ako dahil patay-sindi pa ang post light doon. May sangandaan akong natatanaw kaya napatigil ako. Hindi ako makapagpasya kung alin doon ang babaybayin ko. Sa kinatatayuan ko pa lang ay mas lalo kong nahihinuha na walang dadaan na sasakyan dito. Wala na akong panahon upang pag-aralan kung paano kumuha ng taxi sa pamamagitan ng internet. Kung hindi bus station ay police station na lang ang hahanapin ko. Hinigpitan ko ang kapit sa handle ng duffle bag ko at hahakbang na sana ako nang may narinig akong paparating na sasakyan. Dagli akong lumingon para lamang masilaw sa ilaw na nagmumula sa sasakyan na nasa likuran ko. Sasakyan na tinutumbok ang kinatatayuan ko! Parang tinangay ng hangin ang aking huwisyo at imbes na tumakbo ako upang iwasan iyon ay nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay magkasabay na tumigil ang pintig ng puso ko at aking paghinga habang nasisilaw ako sa kotseng bubunggo sa akin. Gumiwang ang sasakyan nang nasa dalawang metro na lamang ang layo sa akin ngunit nadagil pa rin ang kaliwang bahagi ng katawan ko ng sasakyan. Naramdaman ko pa ang lamig ng kalsada at nakarating pa sa pandinig ko ang eksaheradang tili ng isang babae mula sa bumunggo sa aking sasakyan bago ako nawalan ng malay. INGAY MULA SA bosina ng mga jeep ang gumising sa akin. Bumangon ako sa papag na kinahihigaan ko nang makitang may usok sa bahay na kinaroroonan ko. “Miss, gising ka na pala.” Bungad sa akin ng ginang na may panlalaking gupit. Naroon ito kung nasaan ang kalan na may dalawang malalaking kaldero. Disoriented kong iginala sa paligid ang mga mata ko. Wala ako sa isang bahay kundi nasa isang kainan ako. “Lagring... Lagring, iwan mo na muna iyang hinihiwa mo riyan. Gising na iyong babaeng dinala mo rito kaninang madaling araw.” Napatingin ako sa maliit na pinto kung saan lumabas ang isang maliit na lalaki. Isang unanong mamá na mahaba ang buhok at tuwid na tuwid. “Miss, mag-almusal ka na.” Tipid akong nginitian nito atsaka ako inayang kumain. Isang tingin ko palang sa dalawa ay nararamdaman ko nang hindi sila masasamang tao. “M—magandang umaga ho sa inyo.” Nahuli kong natigilan ang dalawa nang lumatay ang kirot sa mukha ko nang sinubukan kong tumayo. Sobrang sakit ng balakang ko. “Miss, napaano ka kagabi?” Tanong sa akin ng ginang. “Nakahandusay ka lang diyan sa tapat nitong gotohan namin nang matagpuan ka nitong kapatid ko’ng si Lagring. Nilapatan ko na ng pangunang lunas ang sugat at malaking pasa mo sa tagiliran.” Nanginig ang mga labi ko hindi ko pa man nasasagot ang tanong ng ginang. “M—may bumundol ho sa aking sasakyan kagabi.” “Anak ng gotong panis! Tapos tinakbuhan ka lang? Hayup na iyon!” Pagalit na saad ng ginang. “Hoy, Lagring. Maiwan ka nga muna rito at sasamahan ko sa barangay hall itong babae. Kailangan na matunton nito ang umagrabyado rito, ano!” “Huwag na ho. ‘Wag ho.” Pigil ko sa nagmamakaawang tinig. Hindi ko masabi sa mga taong ito na nagmamalasakit sa akin na hindi na kailangan na hanapin ang taong nagtangka akong sagasaan dahil kilala ko kung sinu-sino sila. Hindi na namilit ang magkapatid na tumulong sa akin. Pinakain nila ako. Pinakitaan ng maayos na pagtrato. Pinilit kong kumain ng husto nang sa ganoon ay manumbalik ang lakas ko. Kailangan kong maghanap ng klinika na maaaring kong ipasuri ang ipinagbubuntis ko. Natatakot akong baka apektado ang baby ko sa nangyari sa akin kagabi. Nanggilid ang luha sa mga mata ko nang yakapin ko ang tiyan ko. Nahihiya akong iparinig ang hikbi ko. Nag-abot ako ng dalawang libo sa magkapatid na mariing tinanggihan ng mga ito. Magalang akong nagpaalam ngunit bago pa ako makatayong muli ay tila nagambala ang lugar na iyon sa pagdating ng mga pulis at may kasama pang mga civilian. Sinusuyod ng mga ito ang bawat kainan at tindahan sa kalye na ito. Si Kuya Lagring ang nag-usisa sa labas ngunit wala pang limang minuto ay tumakbo ito pabalik sa loob ng gotohan. “Ikaw ang hinahanap ng mga armadong iyon, Miss. Hindi ka ligtas dito.” Dinaga ang dibdib ko at alam kong bumalatay sa mga mata ko ang labis na takot. “Rosal, harangin mo ang mga pulis. Alam mo na ang gagawin mo. Malakas ang kutob ko na may masama silang intensiyon dito sa babae.” Ganoon din ang aking kutob. Na nagsisimula nang ipahalughog nina Finn ang Maynila upang mahanap ako and God knows what exactly evilness they're planning to do with me. Maaaring ipapatay nila ako. May exit ang gotohan nina Kuya Lagring at napakahabang eskinita ang binaybay namin na sobrang masikip bago makarating sa isang paradahan ng tricycle. Narinig ko si Kuya Lagring na mahigpit na nakiusap sa mga tricycle driver na nakakita sa akin na walang sasabihin ang mga ito kapag may nagtanong. Alam ko ang ginagawa ni Kuya Lagring. Pinuprotektahan niya ako. Pinuprotektahan niya ang isang estranghera na katulad ko. Ito ang isang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi ko kwinistiyon ang kapalaran ko dahil alam kong hindi lahat ng tao ay masasama ang dulot sa akin. Mangiyak-ngiyak akong lumingon kay Kuya Lagring habang papalayo ang taxi na kinuha nito para sa akin. Nangako ako sa aking sarili na balang-araw ay masusuklian ko itong pagmamalasakit sa akin ni Kuya Lagring at ng kapatid nito. Nakarating ako sa bus station at hindi ako hiningan ng pamasahe ng taxi driver na naghatid sa akin dahil matalik itong kaibigan ni Kuya Lagring. Hindi ako maaaring bumalik sa probinsya kung saan ako tumira dahil masusundan ako roon ni Finn. Habang nasa taxi ako ay isang lugar ang pumasok sa aking alaala. Hindi ako kumuha ng tulog sa anim na oras na biyahe ng bus. Alas dos ako nakarating sa payak na bayan ng Silvino at mula sa bayan ay mahigit isang oras pa bago ako nakarating sa harapan ng bahay kanlungan. May mainit na humaplos sa puso ko nang matanaw ang deep well na may maliit na cottage na nagsisilbi nitong silungan na malapit sa malaking puno ng katmon. Nasa kaliwang bahagi iyon ng dalawang palapag na bahay kanlungan. Nakabukas ang gate ng bahay kanlungan kaya natanaw ko kaagad iyon. Nanikip ang dibdib ko sa mga alaalang nag-uunahang nanumbalik sa isip ko. Lumipat ang tingin ko sa foyer ng lumang bahay kanlungan nang may lumabas doon na tatlo katao. Pamilyar sa akin ang isa. Malaki man ang itinanda ng pisikal nitong anyo ay hindi pa rin ako magkakamali na mapagsino ito. Nauuna ang isang matandang lalaki na may dalang gladstone bag kaysa sa dalawang matandang madre. Lumamlam ang aking mga mata nang mapabaling sa akin si mother superior Petrina. Hinintay nitong makaalis ang sasakyan ng doktor na inihatid nito sa labas bago ako nilapitan. “NAGDADALANG-TAO PO AKO, Mother superior. Hinahabol po ako ng ama ng baby ko at ng nanay ng nakabuntis sa akin. Gusto nilang ipagkait sa akin ang sarili kong anak hindi ko pa man siya nagagawang isilang.” Nahahabag akong tiningnan ni Mother superior Petrina. Nasa opisina niya ako at kaming dalawa lamang dito. Hindi ko pa nasasabi kay Mother superior kung sino ako. “May mga tao talagang inilagay ng kapalaran sa isang peligrosong mundo. Iyon ang sinasabi ng mga pinagmalupitan na babae na tumatakbo sa shelter na ito ngunit katulad ng sabi ko sa kanila’y hindi ang mundo ang likas na peligroso ngunit yaong mga tao na kulang sa pananalig sa nasa Itaas. Kagaya rin ng sitwasyon mo ang pinanggalingan ng karamihan ng mga kababaihan na naririto ngayon sa shelter na ito. At katulad nila’y hangad din namin na maging isang ligtas itong bahay kanlungan para saiyo at sa magiging anak mo, hija.” “K—kaya ko tinunton ang shelter na ito, Mother superior.” Tumitig ako sa mga mata ni Mother superior. “Alam ko kasi sa puso ko na ito ang lugar kung saan ko mararamdaman ang kaligtasan at kapayapaan ng isip.” I paused and breathed nervously. “Alam ko ho iyon dahil dito po—” Sasabihin ko na sana kay Mother superior Petrina kung sino ako at kung sino ang Nanay ko nang may dumating sa opisina niya na humahangos na madre na sa tingin ko’y wala pa sa edad na kuwarenta. “Mother Petrina... Mother Petrina, nagising na po iyong ating pasiyente ngunit mataas po ang lagnat at naghi-hysterical.” Natatarantang lumabas ng opisina si Mother superior kasunod ng madreng dumating kanina. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin kung bakit ako sumunod din sa kanila. I am holding my flat tummy as I walked behind the nuns through the corridor. Sa labas ng isang silid ay may nag-uumpukan na mga babaeng magkakaiba ang edad. Nahawi sila nang makitang paparating si Mother superior. Nakasunod pa rin ako sa likuran ni Mother Petrina. Mother Petrina tries to talk to the man who keeps screaming in pain. Nahigit ko ang aking hininga nang makitang nagmamantsa na sa mga bandage nito sa katawan at balikat ang pulang likido. Walang baro ang lalaki at nagsisilbi nitong damit ang bandage na nakapalibot sa malaki at matipuno nitong katawan. Maraming pasa at sugat-sugat sa katawan nito. Limang madre na ang nagtangkang pakalmahin ang wala sa sariling lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tila itutulak na ng lalaki si Mother Petrina kaya kusang humakbang ang aking mga paa sa mabilis na paraan upang pigilan ang palapulsuhan ng lalaki nang sa ganoon ay hindi nito maiwaksi ang matandang si Mother superior. The man unanticipatedly looked at my hand gripping his wrist then his eyes went up to my face. Biglang nabalot ng katahimikan ang kanina lang na nabubulabog ng sigaw nitong lalaki sa silid na ito nang maghugpong ang aming mga mata. Na maging ako’y nagulat din sa biglang pananahimik nito. Ngunit ilang segundo lamang na dumaan ang katahimikan na iyon dahil nabulabog ulit kami sa sigaw ng isang madre. “Dugo! Hija, d—dinudugo ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD