KABANATA 2

2547 Words
IKALAWANG KABANATA MAGKAPASOK KO PALANG sa kuwarto ng isang motel ay bumigay na ang mga tuhod ko at nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Bumagsak ako sa dalawang bag na dala ko na naglalaman ng lahat ng importanteng mga gamit ko. Hindi ko makontrol ang paghagulhol ko. Sapu-sapo ko ang aking patag na t’yan habang pinapabayaan kong kainin ang lakas ko ng matinding kalungkutan. Kabiguan, galit, pait at pighati. Hindi ko alam kung alin pa sa mga iyon ang mas nangingibabaw sa puso ko. Isa lang ang nakatitiyak ako sa mga oras na ito at iyon ang panloloko sa akin ni Finn. Hindi si Finn ang una kong naging nobyo. May naging kasintahan din ako bago pa siya dumating sa buhay ko. At hindi lang isang beses akong niloko ngunit sa mga sitwasyon ko dati ay kahit wala pa akong matibay na ebidensiya na niloloko ako ng mga lalaking pinagkatiwalaan ko ay nagkakaroon na ako ng kutob that they were doing something just to prove that they're not the right person for me. Pero si Finn... Lumakas ang iyak ko. My shoulders are shaking. Si Finn ay ni minsan ay hindi ko pinagdudahan. Naniwala ako sa mga ipinakita niya na malinis at tunay ang intensiyon niya sa akin. He wouldn't talk about marriage if he was just fooling around. Ngayong nalaman ko ang totoo’y hindi ko mapagdesisyunan kung isa nga ba akong bulag o tanga. Maybe I am both. I feel worst! Ikakasal na siya. May kasintahan siya. And it absolutely make me his other woman! Parausan as per their maidservant term. At lumabas ngang totoo. Iyon pala ang naging papel ko sa buhay ni Finn. Wala man lang akong kaalam-alam. Sumapit ang hating-gabi. Kung humihinto man ang aking pag-iyak ay matagal na ang sampung minuto. Nakaupo lang ako sa kama sa motel na ito kung saan ako tumuloy pagkagaling ko sa bahay ni Finn at ng fiancee niya. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang eksenang nakita ko kanina sa swimming pool na may kahalikang ibang babae si Finn. Dahil sa nakita ko’y parang nahihirapan na akong alalahanin ang mga panahon na naging masaya si Finn na kasama ako. Ang hirap nang isaalala. Natatabunan ng galit ko. Wala akong lakas. Wala akong gana. Tila ayaw kong kumilos. Ang sakit na ng lalamunan ko dahil sa pag-iyak. Huling iyak ko na matindi ay noong namatay ang Mama ko. Masyadong abala ang isip ko ngunit wala naman akong naiisip sa posibleng kahaharapin ko bukas. Blanko ang isip ko. Napahinto lang sandali ang aking hikbi nang may malaglag na bagay mula sa sling bag ko. Hindi ko matiyak kung nasagi ko ang sling bag sanhi ng pagkakahukog ng pregnancy test. Matagal akong napatitig sa bagay na iyon na may dalawang guhit na pula. Wala sa loob na dinampot ko iyon at hindi ko na nga namamalayan na tuluyan nang tumigil ang paghikbi ko. Habang nakatunghay ako sa hawak kong pregnancy test na may positibong resulta ay tila ba may nanuot sa kalamnan kong kakaibang enerhiya at pakiramdam ko ay nanumbalik ang aking lakas. Napakurap ako at kusang humaplos ang kamay ko sa aking tiyan. This baby... ang anghel na nasa loob ng sinapupunan ko ang nagtustos sa akin ng lakas. Nanginig ang mga labi ko at naiiyak na naman ako pero sa pagkakataon na iyon ay naiiyak ako dahil pakiramdam ko nagkaroon ako ng panibagong buhay matapos walang habas na pinatay ang damdamin ko ng katotohanang aking natuklasan tungkol kay Finn. Nabuhay akong muli habang iniisip ko ang baby na dinadala ko sa aking sinapupunan. I am seven weeks pregnant. Finn’s having a baby with me dahil nagbunga ang una at huling gabing isinuko ko ang aking katawan kay Finn at ang gagong iyon, ang manlolokong hayop na iyon ay siya pang naging ama ng anghel na dinadala ko. Nagliwanag ang isip ko at napaisip ako ng matino na hindi ko puwedeng idamay ang baby ko sa kalungkutan ko ngayon. I am hurting terribly but I would be as cruel as Finn kung sarili ko lang ang iisipin ko. Mas kailangan ako ng baby ko. Inayos ko ang aking sarili at kaagad na bumaba sa reception upang bumili ng kahit na anong makakain. Hindi ko maaaring pabayaan ang katawan ko. Pabalik na ako sa kuwarto ko nang nakatanggap ako ng text message mula kay Finn. Tinanong nito kung nasaan ako and I told him where I am. Siguro naman ay alam na niya ang sitwasyon ko. Kahit na abut-abot ang kagustuhan kong sumbatan at saktan siya ay bibigyan ko pa rin siya ng pagkakataon na magsalita. Makikinig ako. Nagpakagaga nga ako sa kanya at nagpauto, iyon pa bang makikinig lang ako sa kanya ay aatrasan ko pa? Eksaktong pagkatapos kong kumain ay may kumatok sa pinto ng motel room ko. It's already twenty-four minutes after eleven, almost midnight. Kinalma ko ang sarili ko bago humakbang patungo sa pinto. Pinaalalahan ko ang aking sarili ni hindi ko kailangan na maging bayolinte sa kanya unless he's going to provoke me, then I won't hesitate to hurt him and let out all my agony he caused me towards him. I composed myself as I open the door. Ngunit muntik nang masira ang passive expression ko nang hindi lang si Finn ang nabungaran ko sa labas ng pinto. “Hi, darling.” Bungad na bati sa akin ni Finn. Nakangiti ito sa akin at may lambong ng kayamuan ang mga mata nito. Napakurap ako sa kanya. Did he just call me darling while he's holding his fiancée’s hand? Ito ba talaga ang tunay na kulay ng lalaking pinili ng puso ko? “Don’t feel awkward, Miss. Natural nang ganito itong fiance ko—an exceptional flirt.” Finn’s fiancée told me through a casually icy tone. “I am Finn’s soon-to-be wife and don't bother to introduce yourself because I am not interested to know you.” “So do I.” Ganting sabi ko at ginaya ko lang ang uri ng tonolado niya. Tumalim ang titig sa akin ng fiancee ni Finn ngunit inismiran ko lang siya. Maganda siya. Hindi simple ang ganda niya lalo na ang kutis niya. Ang hitsura niya ay puwedeng puhunan kagaya ng mga supermodel sa labas ng bansa. “Get out of the way! We're coming in.” Doon na gumuhit ang gulat sa mukha ko nang may dalawa pa palang babae na kasama ni Finn bukod sa fiancée nito. Ang isa ay si Senyora Alora habang ang isa ay hindi ko kilala. Halos magkakatugma ang mga ekspresiyon sa mga mukha nila. Nasusuya. Tinalikuran ko sila at nauna ako sa loob. Hindi ko sila bisita para pumuwesto ako sa likuran nila. “Abort the baby!” Hindi ko pa man naririnig ang pagpinid ng pinto ay dumagundong na sa bawat sulok ng silid ang dominanteng boses na iyon. “Mom?” It was Finn’s surprised voice. Paglingon ko ay nakatuon na ang tingin ng tatlo sa babaeng tinawag na Mom ni Finn. Naramdaman ko ang nag-uumpisang panginginig ng kalamnan ko. “Iyon lamang ang pakay namin kaya kami naririto. Get rid of the baby as soon as possible! Or even right now, we could send you to an abortionist.” Nag-aalab sa galit ang mga mata ng ina ni Finn na kung nasa ibang sitwasyon lamang kami ay tiyak na pinaulanan ko na ng papuri. But no! These evils don't deserve to hear any compliments nor kind words from me pero hindi ibig sabihin no’n na gagayahin ko na ang mababaho nilang ugali. “Mom, you can't be serious.” Kunot-noong kontra ni Finn sa ina na tila desididong pumatay ng isang anghel na hindi pa gaanong nabubuo sa loob ng sinapupunan ko. Hinahatulan na nila ito ng kamatayan. Mga tao ba sila? Sino sila sa akala nila para magdesisyon para sa amin ng baby ko?! Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. These people are all merciless! “Shut up, son! We planned all these smartly at alam mong wala sa plano natin na bubuntisin mo ang nakakadiring babaeng iyan! Finn, you already offended me but don't make me feel worse, son and go against me. We'll going to abort that whóre’s child!” “Pero, Mommy—” “Why you seem to disagree with me, Finn? Kailanman ay hindi tayo nagkaroon ng problema sa mga plano natin. Tapos na ang obligasyon mo at nagawa mong mahusay ang kailangan mong gawin. Nag-iwan ka lang ng maliit na dumi and that's why we're here, to get rid of that dirt. To get rid of that bastard inside that woman's womb.” Nagtatalo ang mag-ina at wala akong balak na makisali sa diskusyon nila sa harapan ko. Nanghihina ako habang pinakikinggan ang plano nila sa batang nasa sinapupunan ko. Mas masahol pa pala sila kaysa sa inaasahan ko. At plano? Hindi ko sila masundan lalo na ang ina ni Finn. Wala akong ideya sa pinagmumulan ng matinding galit niya sa akin na pati ang anak ko ay idadamay niya. “Tita Fareena, would you hear me out?” Magalang na bumaling ang fiancee ni Finn sa nanggagalaiting babae. The indignant woman keeps throwing deadly glare at me. “I think we don't need to kill the baby, Tita Fareena.” “What?!” Bumakat ang ugat sa leeg ng ina ni Finn at hindi ako naging handa nang lapitan niya ako para haklitin ang aking braso. Napasinghap ako ng malakas. “Bitiwan n’yo ako.” Kalmante ngunit mariin kong sambit. “You are telling me that we should accept my son's bastard from this slút? Nakakarindi ang ideya na iyon, Anais. We couldn't accept a bastard into our family lalo na kung galing sa basurang babaeng ‘to! Basura ang pinagmulan ng babaeng ito kaya hindi ako makakapayag na may mailuwal na basura mula sa babaeng iyan. This b***h’s bloodline must come to a crucial end.” “Ma’am, bitawan n’yo sabi ako.” Nag-ipon ako ng lakas at binawi ko ang braso ko mula sa ina ni Finn. “What the... Whóre!” Mas lalo itong nanggigil dahil sa ginawa ko ngunit matatag kong sinalubong ang kanyang mga mata. I won't give her a chance to see me scared. Lahat sila. Sasampalin na sana ako ng ina ni Finn nang sinalo ni Senyora Alora ang pupulsuhan nito. “Kalma, Fareena, amega.” Sabi rito ni Senyora Alora. I heave a sigh and take a glance at the door. Nasa isip ko na ang lumabas. Pero hindi madali iyon kasi may mga bibitbitin ako. Kailangan ko na lang sigurong paalisin ang mga taong ito. “Alora—” “Baog si Anais, Fareena at matagal nang alam ng anak mo iyon. At sa tinagal-tagal ng pambababae ni Finn ay itong babae lang ang nabuntis niya. Isn't it a good idea that as per Anais suggestion, we'll keep the baby and—” “Tumahimik ka, Alora! Kailan man ay hindi ko hiningi ang opinyon mo.” Pati si Senyora Alora ay sininghalan nito. Bumaling ito ulit sa akin. “If you want to prolong your worthless life, you'd agree to abort that blood inside your womb. It is just trash after all and trash must be in a dump. Sasama ka sa akin.” Hindi ako umimik at blangko lamang akong nakatitig sa nanay ni Finn. Hindi ko man maamin sa sarili pero natatakot ako sa kanya. Takot na takot hindi para sa sarili ko kung ‘di para sa kaligtasan ng anak ko. It's hard to imagine that my baby's going to have an evil for a grandmother. Nakakapanlumo. I've meet some unkind people from my past but no one's crueler than Finn’s mother. “Mommy, I want to keep the baby.” Natahimik ang lahat nang mariing magsalita si Finn. There is a firm finalization in his tone. “Hindi natin ipapa-abort ang ipinagbubuntis ni Paulyn because that baby is going to be Anais’ and I’s child. Iyan ang batang kokompleto sa magiging pamilya namin ni Anais kapag naikasal na kami.” I stifle my scream when Finn announced his decision. Tumiim ang mukha ng ina ni Finn ngunit makalipas ang ilang sandaling matalim na nakatitig ito kay Finn ay nagmartsa na ito palabas ng motel room ko. “Honey, go with your mom. Wait for me in the car. Paulyn and I needs to settle something about some agreement between us.” Wala man lang akong nakitang malisya sa mukha ni Anais. Humalik ito ng malalim sa mga labi ni Finn sanhi upang mag-iwas ako ng tingin atsaka lumabas na ng silid kasama ang ina. Finn left alone with me. “Hayop ka!” Hindi pa man naibubuka ni Finn ang kanyang bibig ay malakas na sampal na ang ibinigay ko sa kanya. “Hayop ka, Finn! Napakawalanghiya mo!” I am screaming my heart out at him. Hindi ako umiyak. Purong galit lang ang nag-uudyok sa akin na sampalin siya. “That’s... hard, darling.” Hinimas ni Finn ang pisngi niyang nasampal ko. He didn't flinch at all kahit na alam kong nasaktan ko siya. Instead, a lustful grin creeps along his lips as he stares at my face, at my lips then down to my body. Mistulang sinisipat niya ang isang masarap na pagkain na ibig niyang lamutakin. Kinikilabutan ako sa kanya. Sa mga titig niya sa katawan ko. Tila siya uhaw na uhaw sa katawan ng babae. Parang ibang Finn ang nasa harapan ko ngayon. Ibang-iba. “Hard but oh so sweet, darling. You really do know how to turn me on, yeah?” Humakbang ito palapit sa akin. Hindi ako umatras. “Didn’t you miss me, Paulyn?” “Sanay ka palang manloko ng babae, Finn. Naging isa’t kalahating tanga ako nang dahil saiyo at hindi ko man lang nagawang pagdudahan ka.” “Are you hurting?” Malumanay niyang tanong. He reaches for my shoulder and gives it a light squeeze. “Are you hurting, baby? Do you want me to make you feel good?” His eyes protruding séx. Hindi ako kumibo at nakatunghay lang din ako sa mga mata niya, misleading his stupid mind. I blink my eyes when I feel his hand going to touch my breast now. “I could make my fiancee wait, Paulyn. Sanay na iyong umintindi sa akin, so I assure you it will be okay if we do a hot quickie here. Anais wouldn't mind. I'd like to stay with you here. We're alone and I'm willing to make your body mine once more, Paulyn. Hindi sasapat sa akin ang isang beses lang na may nangyari sa atin and it was frustrating na wala pa tayo sa matinong huwisyo ng gabing iyon. Wala akong gaanong maa—” “Pútangina mo!” Pinakawalan ko na ang suntok na kanina ko pa pinag-iipunan ng lakas. Napaatras si Finn at sobrang natigagal kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon na damputin ang glass pitcher na kasamang inihatid kanina sa pagkain na in-order ko. I throw a good smack at his head using the pitcher causing Finn to totally pass out. “Hayop ka! Hinding-hindi mo makukuha o mahahawakan man lang ang anak kong, walanghiya ka! Mga walanghiya kayo!” At sa mabilis na galaw ay nagtagumpay akong makaalis sa motel nang ligtas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD