IKALANBINTATLONG KABANATA Kahit nabibigla ako sa madaliang atake niya ay sinikap ko pa rin na tugunan ang kanyang halik. Nang medyo nauubusan na ako ng hininga ay maingat na inilapat ko sa matipunong dibdib ni Fire ang mga palad ko at sinubukan siyang itulak pansamantala. Tiniyak ko na hindi ko madidiinan ang mga sugat niya sa katawan. Nalasahan ko kasi ang alak sa bibig niya. Masarap iyon. Gusto ko ang lasa ng alak sa bibig niya. Hindi ko gusto ang alak dati pero kung titikman ko iyon mula sa bibig ni Fire ay puwede na. Hindi ako mag-iinarte siyempre. Idagdag pa ang masidhing paghalik niya sa akin dahilan para mas lalo kong habul-habulin ang bibig niya pero bago pa man kami tangayin sa kung saan ng aming nag-iinit na pakiramdam ay may ibig muna sana akong itanong sa kanya. “F—fire.