IKALABINGAPAT NA KABANATA Fire never slept beside me. Iyon ang ikinakasama ng aking loob dahil sa mahigit isang linggo ko rito sa malaking bahay na ‘to, ni minsan ay hindi ako nagising sa umaga na nasa tabi ko si Fire. Ang akala ko talaga ay iisa lang ang magiging k’warto namin. Nag-assume ako kasi siyempre ikakasal ako sa kanya at may nangyari naman na sa amin pero bakit gano’n? Bakit magkaiba ang silid namin? Papasok lang siya sa tinutulugan kong silid kapag gusto niya akong makasiping. Sinabi na lang sana ni Fire sa akin ng diretso na parausan lang ang magiging papel ko sa buhay niya. Nakakasama lang talaga ng loob na parang walang disenteng pag-uusap ang namamagitan sa amin. Nakakalito na rin kasi. Kasi ang sabi niya ay kailangan niya ng fake bride para hindi siya itakwil ng pam