KABANATA 8

2174 Words
IKAWALONG KABANATA GUSTUHIN KO mang magkulong sa silid ko ay hindi maaari. Alam ng lahat ng mga kasama ko sa bahay kanlungan na maselan ang pagbubuntis ko pero hindi naman aabot sa punto na hindi ko na kailangan na kumilos. At-risk ang pregnancy ko pero payo ng doktor na tumingin sa akin ay kailangan ko rin na mag-ehersisyo. Naging at-risk lang naman iyong sitwasyon ko gawa nga ng stress na dulot sa akin ni Finn ngunit nitong mga nagdaang araw ay pinag-aaralan ko nang huwag siyang isipin. Pinapakinggan ko ang payo ni Bernadette sa akin. At kapag naiisip ko na naman si Finn at ang takot ko sa kanila ng nanay niya ay pinupuntahan ko lang si Bernadette para may makausap ako. Thankful ako na si Bernadette ang una kong naging kaibigan dito sa bahay kanlungan. Pala-kuwento si Bernadette kaya naman kapag kasama ko siya ay nadi-distract ang isip ko mula sa mga bagay na nagpapaligalig sa utak ko. Pabalik si Bernadette sa kamalig kung nasaan ako nakaupo. Nagtutupi ako ng mga damit na kinukuha naman ni Bernadette sa sampayan. Nakakahinga ako ng maluwag dahil mula nang lumabas ako sa silid ko ay hindi ko pa namamataan si Fire. Sana hindi magkrus ang landas namin kahit batid kong imposible naman iyon dahil sa iisang bahay lang naman kami nakikituloy. “Nasa’n ka kagabi? Mga bandang mag-a-alas onse?” Mahinang tanong ni Bernadette. Napatigil ako sa ginagawa. Tinangka kong magbingi-bingihan para iwasan ang tanong ni Bernadette pero kinalabit pa talaga niya ako para usisain ako. “Sumilip ako sa kuwarto mo kagabi at wala ka ro’n. Saan ka nagpunta?” “Ha? Ah nasa k–kusina ako. Naghanap ako ng gatas.” Iyon naman talaga ang totoo pero sinipa ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko nagsisinungaling ako. Gatas talaga ang dahilan kaya ako lumabas kagabi subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad ako sa loob ng napakadilim na lugar kasama si Fire. Si Fire na aksidente kong nakapaan ng pribadong parte at ang mas ikinabaliw ko pa kagabi ay nang siilin niya ng halik ang aking labi nang sa ganoon ay hindi kami mahuli ni Sister Eve. Hinalikan ako! Hinalikan ako ng walanghiyang lalaking ‘yun dahilan para tuluyan akong mapuyat kagabi. Iyon na talaga ang pinakanakakahiyang karanasan ko sa buhay. Hindi lang ‘yun simpleng halik dahil halos mapugto ang hininga ko bago niya pakawalan ang mga labi ko. Tanda ko pang nanubok ang dila niya na pumasok sa loob ng aking bibig pero hindi iyon natuloy dahil nadiinan ko ang sugat niya. “Pumunta rin ako sa kusina pero si Sister Eve lang ang nakasalubong ko. Wala ka naman do’n.” Parang magulang na nang-iintriga si Bernadette. Ayaw kong mapatingin sa kanya. Malalaman at malalaman niyang may inililihim ako dahil ako ‘yung uri ng tao na nababalisa at hindi mapakali kapag nagsisinungaling. Madali akong mabubuko. Nauutal din ako kapag nagsasalita kagaya ngayon. “Sabihin mo. Saan ka talaga nagpunta kagabi, Paulyn?” Luminga ako sa paligid para masiguro na walang makakarinig sa aaminin ko kay Bernadette. “Nasa kusina talaga ako, Bernadette pero nagtago ako sa secret door nang marinig kong parating si Sister Eve.” “Ha? Nagtago ka dahil? Kumukupit ka rin ng pagkain katulad ni Carlotta? Wala sa mukha mo na gagawin mo ‘yun, Paulyn. Atsaka alam mong maba-badshot ka sa mga madre kapag lumabag ka sa patakaran ng shelter.” Lumunok ako. Kabado ako at hindi ko na maayos ang pagtutupi ng damit. “N–nagtago ako dahil natakot akong mahuli kami ni Sister Eve na magkasama.” “Kami? May kasama ka kagabi? Ano? Sino?” “Si. . .si Fire.” Nakita ko ang gulat sa ekspresiyon ni Bernadette sa pag-amin ko. Mahabang sandali siyang nakatitig lang sa akin at hindi kumukurap. Tila hirap siyang i-absorb ang narinig mula sa akin. Hanggang sa tumabi si Bernadette sa akin. “May something sa inyo? Paano. . .paano nag-umpisa ‘yung something ninyong dalawa e mukhang ako lang naman ang kinakausap mo sa shelter na ‘to? Magkuwento ka, bilis.” “Bernadette, wala. Walang something. Kilabutan ka nga.” Marahan kong binangga ang braso niya gamit ang braso ko para itigil ang exaggerated niyang reaksiyon at assumptions. Para matigil siya sa panghuhula at pag-o-overthink ay ikinuwento ko na sa kanya ang buod ng nangyari kagabi. Oo, kasama na roon ang paghalik ni Fire sa akin. Ngunit iyong parte na nahawakan ko ang kanyang matigas na pagkalalàki ay sinadya kong ilihim na at kahit yata mamatay ako ay wala akong pagsasabihan tungkol do’n. “Paulyn, baka type ka nga niya. Ang suwerte-suwerte mo. Pero hindi na nakapagtataka iyon sa ganda mo ba namang ‘yan. Hindi ka ngarag kahit stress na stress ka. Ako nu’ng buntis ako, mukha akong nalambat na sea lion na may insomnia. Tapos ang bait-bait mo pa tapos ang lambing mong magsalita. Baka lihim ka rin niyang minamatyagan kaya nakursunadahan ka niya, malay mo. Kung ako ikaw ay hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ‘yung proposal n’ya.” Tumulis ang nguso ko. I mentally disagree with her. Mula nang niloko ako ni Finn ay mahihirapan na akong tingnan ang sarili ko kung may special ba sa akin para gustuhin at seryosohin ako ng isang lalaki. Posibleng nagmamalasakit lang sa akin si Fire kaya niya nasabing tutulungan niya ako kapalit ng pagiging fake bride niya. “Bakit hindi mo siya kilalanin? Um-oo ka kapag inaya ka niyang mag-date. Kapag nakita mong okay siya at hindi red flag, patulan mo. Sinasabi ko talaga saiyo, Paulyn na magiging isa ka sa pinakasuwerteng babae sa bansa kapag nagkataon na makatuluyan mo si Sir Fire. Maayos ang magiging buhay ninyong mag-ina sa kanya. Mamumuhay reyna ka pa.” “Ha? Reyna? Bakit naman?” Kinunutan ko ng noo si Bernadette. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung magsalita siya tungkol kay Fire. Para bang sinasabi niya na makakabili na ako ng mansion at eroplano kapag maging asawa ko si Fire. Naisip ko na lang na baka hindi sa pinansyal na aspeto ang ibig sabihin ni Bernadette. Baka ang ibig niyang sabihin ay mamumuhay reyna ako dahil sa pag-aalaga pero hindi naman niya gaanong kilala ang lalaking iyon para sabihin niya iyon. May maliit na negosyo nga si Fire ayon sa sinabi niya sa akin pero malay ko ba kung totoo ‘yun. Sa sumunod na araw ay may bumisita sa shelter na dalawang psychologist at isang doktor. Ngayon ang araw para sa event sa shelter na tinatawag na ‘A Day For Healing and Hope’. May kasama ang mga doktor na indibidwal na katulad namin ay nakisilong din sa isang transition house for abused and homeless women. Nagkaroon ng halos dalawang oras na programa at ibinahagi sa amin ng panauhin ang kanyang karanasan at kung paano siya nakabangon. She inspires everyone of us. Iyon nga ang layunin ng programa. Mula sa receiving area ng shelter ay naglakad na ako patungo sa isang silid kung saan naroon ang doktor. Some of the abused residents in this shelter need a thorough consultation bukod sa counseling ng psychologist. Napansin ko kaagad ang katahimikan sa silid nang kumatok ako sa pinto. Akala ko nga ay may pila pa ngunit wala namang tao rito sa pasilyo. Kung may mga tao man, karamihan ay naroon sa labas at mukhang may hinihintay. “Come on in.” Malalim na boses ng lalaki mula sa loob. Hindi pangmatanda ang boses kagaya ng doktor na unang sumuri sa akin noong dinugo ako. Tumikhim ako bago ko pinihit ang seradura ng pinto. “Magandang araw po—” Napahinto ako sa pagbati sa doktor na naka-de kuwatrong nakaupo sa pang-isahang wooden sofa chair nang mabilis na lumipat ang mga mata ko sa isa pang lalaking narito sa loob ng silid. Ang kanyang mga mata ay kagyat ding bumaling sa akin. Hindi tulad ko ay walang bakas ng pagkasorpresa sa kanyang ekspresiyon. Tila ba ini-expect talaga niya ang pagdating ko. “Magandang araw din saiyo, Miss Medina. Please come in and you can take the seat beside Fire.” Sabi sa akin ng doktor. Muntik ko pang hindi maintindihan ang simpleng instruksyon niya dahil ang halos buong atensiyon ko ay na kay Fire lang. I feel my chest tightened as I catch Fire’s intense stare right through me. Kanina lang ay maayos ang andar ng sistema ngunit ngayong nakita ko na siya ay para na namang hahagupitin ng delubyo ang dibdib ko sa kabang hatid ng presensiya niya sa akin. “Miss, you can have a seat now please. Baka mangalay ang mga paa mo kakatayo riyan. Mag-alala pa ang isa rito.” Para akong nahimasmasan at kumurap ako. I stretch a smile nang sa ganoon ay hindi maisip ng doktor na nag-space out ako saglit dahil lang bumungad sa akin ang mukha ni Fire. And I swear to God! Namamagnet ng mga labi niya ang mga mata ko. Epekto ito sa paghalik niya sa akin kagabi. “S–sa labas na lang po muna ako siguro, Doc. Papasok na lang po ako kapag tapos na ang consultation ninyo sa k—kanya.” “No, Miss Medina. Fire and I are just actually talking about nonsense. He doesn't need medical assistance anymore. He looks so much alive and inspired.” Pabirong sabi ng Doktor that gained a scoff from Fire. Sa palagay ko ay magkakilala ang dalawa. “Hinihintay ka talaga n’ya— I mean, I am actually expecting you to be here so I could check on your mental health. Call me Eliaz, Miss Medina. You can drop the Doc because, well, because maybe sooner or later ay baka maging kumpare mo rin ako.” He shrugs. “I’m kidding.” Mukhang hindi! Isa sa hindi ko maitatanggi ay ang angkin kagandahang lalaki ng Doktor na nasa harapan ko ngayon. Kung hindi pa siya nagsalita ng Tagalog ay aakalain kong banyaga siya dahil sa ibang kulay ng kanyang mga mata at sa facial features niya. “Sige ho, Doc.” Tahimik ang lakad ko nang umabante ako para umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ng couch kung saan nakaupo si Fire. “Doc, puwede naman po siguro na siya na lang ang lumabas habang chini-check up n’yo ‘ko.” “Hah! Won’t happen. Hindi ka maaaring maiwan sa silid na ito na si Eliaz lang ang kasama.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa agarang pagkontra ni Fire sa tabi ko. At muntik pa akong mapaigtad nang biglang humawak sa likod ko ang isang palad niya. Tahimik na natawa ang Doktor sa reaksiyon ko yata. “Nanghahawak ka na naman!” Walang alinlangan kong sita kay Fire. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. He is smirking at me na para bang ikinagagalak niya pa ang ginawa sa akin at ang reaksiyon ko. He is always that intimidating person I've ever known. Ang bilis-bilis ng kamay niya. “Why complaining, darling? Nanghawak ka rin kagabi pero hindi naman ako nagreklamo.” May lihim na kapilyuhan sa mga mata niya nang ihayag niya iyon. “Your hold was too tight I almost exploded yet you didn't hear me complaining, did I?” He doesn't seem to stop taunting the hell out of me! Or is he flirting with me? “Tumigil ka!” I swear, ramdam na ramdam ko ang init na kumakalat sa mukha ko sa mga sandaling ito. Nagtagis ang bagang ko at kusa nang gumalaw ang kamay ko para kurutin ang tagiliran niya. “Itikom mo ‘yang bibig mo! Nakakahiya sa Doktor. Nakakahiya ka!” Mariing bulong ko. Kung wala lang siguro ang Doktor sa harapan namin ay tiyak na nabulyawan ko na ang lalaking ito. Wala man lang delicadeza ang bibig ng taong ‘to! “Don’t mind him, baby. He can wait.” Tila balewalang aniya. Sandali siyang bumaling sa Doktor and he seems to deliver an important instructions to him through eye contact hanggang sa mahinang natawa ang Doktor at napailing. Nang magtama ang tingin namin ng Doktor ay ngumiti siya sa akin. “Maiwan ko pala muna kayo rito, Miss Medina. I need to make a call to my sister. She's an Obstetrician and she will be the one to check up on you. Please excuse me for awhile.” Tumayo na ito at tinapik pa sa balikat si Fire bago lumabas sa pintong pinasukan ko. Natulala ako sa bilis ng pangyayari. Ilang segundo matapos marinig ko ang ingay ng pagpinid ng pinto ay siya namang pag-atake ng labi ni Fire sa leeg ko. Nahigit ko ang aking hininga nang mabilis niyang napasadahan ng kanyang dila ang gilid ng leeg ko dahilan para manigas ako sa tila malamig na likido na lumatay sa gulugod ko. “Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? I stayed wild awake all night because I still feel your delicate lips on me, Paulyn. It's like a drug and fúcking intoxicating. P’wede bang patikim ulit ng labi mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD