IGINALA ni Yu ang paningin sa loob ng katamtamang laking condominium unit sa building na malapit sa Diamond Records. Isang linggo na mula nang umalis siya ng hotel at tumuloy pansamantala sa bahay nina Rick at Cham. Kinaumagahan lang kasi nang araw na dumating sila sa Pilipinas ay nag-check out na si Carli para umuwi sa bahay ni Cade sa bayan ng mga ito. Dumating sa hotel si Cham nang umagang iyon at niyaya si Yu na manatili kahit sandali lang sa bahay nito at ni Rick. Noong una ay tumanggi si Yu pero pinilit siya ni Cham. Alam daw nito na hindi siya magiging kumportableng mag-isa sa hotel at tama ang kaibigan niya. Lalo na pagkatapos ng ginawa niya nang gabing iyon. Naramdaman ni Yu ang pag-init ng kanyang pakiramdam nang maalala iyon. “Nagustuhan mo ba?” tanong ni Cham na nakatayo sa