CHAPTER 11

2010 Words

NABIBINGI si Yu sa kabog ng kanyang dibdib. Lalo na nang makapasok sila ng lalaki sa loob ng elevator ay wala nang nagsalita pa sa kanila. Nararamdaman niya ang tensiyon sa pagitan nila. Masyado iyong mainit na napapaso ang kanyang balat. Tumutunog din ang lahat ng warning bells sa kanyang isip at sumisigaw ang lohikal na parte niya upang balaan siya. Naririnig iyon ni Yu at balak talaga niyang sundin. Kaya nga siya nagpaalam na sa lalaki. Pero nang tumayo rin ito at hawakan ang kanyang siko upang alalayan siya ay saglit na nakalimutan niya ang mga babalang iyon. His touch awakened that reckless and rebellious part of her she thought disappeared when she got her precious discman. Kaya bago pa makapag-isip si Yu nang matino ay pinagbigyan na niya ang bahaging gusto pang mapatagal kahit paa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD