TUMITIG sa labas ng bintana si Matteo pero malayo sa nadaraanan nila ang kanyang isip. Mas kalmado na ang kanyang pakiramdam ngayon, salamat kay Yu. Pero hindi pa rin tuluyang nawawala ang pagwawala ng kanyang mga emosyon sa loob ni Matteo. Naroon pa rin iyon sa loob niya. Sumagi sa isip ni Matteo ang mukha ng kanyang ina. Napakalaki na ng ipinayat ng kanyang ina na si Melai mula nang huli niya itong makita. Mukhang may sakit si Melai na saglit niyang nakalimutan kung ano ang ginawa nito sa kanya noon. Muntik nang tanungin ni Matt ang kanyang ina kung may dinaramdam ba ito. Pero nang magsalita si Melai ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nang tawagin nitong “anak” si Matteo ay lalo lang siyang nakaramdam ng pagrerebelde na ang bagay na nais niya mula sa kanyang ina kaya siya na