Naramdaman ni Yu magrereklamo si Matt pero tiningala niya ang lalaki at pinisil ang braso. “Let’s go. Kailangan nating lumayo rito.” Nang kumunot lang ang noo ni Matt at tila magmamatigas pa ay huminga siya nang malalim. “Please.” Sumulyap si Yu sa direksiyon ng mga taong ngayon ay papalapit na sa kanila. Sinundan ni Matt ang tinitingnan niya. “Sumunod kayo sa akin,” garalgal ang tinig na sabi ni Aling Melai at nagsimulang naglakad. Ngumiti muna si Yu sa mga tao at bahagyang kumaway bago hinatak si Matt. Mabuti na lang nagpahatak ito sa kanya. “You’re popular?” tanong ni Matt. Sinulyapan ni Yu si Matt at ngumiti nang matipid. “Yes. Celebrity popular.” Ngumiti nang matipid si Matt ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi umabot sa mga mata nito. Inalis ni Matt ang tingin kay Yu at tumitig