“ALAM mo ba kung saan tayo pupunta?” hindi nakatiis na tanong ni Yu sa lalaki nang ilang minuto na silang nagpapaikot-ikot sa area. “At baka gusto mong sabihin sa akin kung ano ang pangalan mo?” tanong uli niya nang maalalang hindi pa nga pala niya alam kung sino ito. Sa halip na sumagot ay sinulyapan lang si Yu ng lalaki. Sumikdo ang puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Bigla siyang kinabahang marinig ang pangalan nito dahil sa likod ng kanyang isip ay naroon pa rin ang hinala ni Yu sa katauhan ng lalaki. Muling inalis ng lalaki ang paningin kay Yu at kumambiyo patungo sa isang restaurant na sigurado siyang katatayo lamang dahil wala iyon noong huli siyang umuwi roon. “I saw this on our way earlier. It seems this is the only decent place to dine in here,” sabi ng lalaki nang