NANG lumabas si Yu ng kanyang silid pagkatapos niyang magbihis ay nakita ni Yu si Matt na nakaupo sa mahabang sofa. Nakatalikod iyon sa pinto ng kanyang silid kaya mukhang hindi napansin ni Matt na nakalabas na si Yu. Akmang tatawagin niya ito nang mapansing may nakasuot sa ulo ni Matt. Napakurap si Yu. Ginagamit ni Matt ang kanyang headphone. Sumikdo ang kanyang puso nang maalalang naiwan niya sa sofa ang discman na ibinigay ni Matt sa kanya noon. Marahang humakbang si Yu palapit kay Matt hanggang makita niyang hawak nito ang discman habang titig na titig ang lalaki roon. Ang hinlalaki ni Matt ay marahang hinahaplos ang ibabaw ng discman na para bang may malalim itong iniisip. Huminga nang malalim si Yu at hinawakan ang balikat ni Matt. Tumingala ito sa kanya at hinubad ang headphone. Ng