KABABATA 22: Parusa

931 Words
PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW Habang ako ay naglalakad mag-isa, palabas ng aming silid-aralan, bigla na lang may kung sinong humarang sakin. Hindi ko kaagad napansin ang kaniyang paglapit daahil nakatingin ako sa ibaba. No’ng ako ay matingala, nagulat ako nang makita ko si Maggie, “Oh, Maggie, nandito ka na pala.” Sabi ko sa biglang tono. “Sumama ka sa akin,” bigkas niya sa walang lakas na tinig. “Saan?” tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ang aking mga mata, “Basta, halika na.” at agad na lamang niya akong hinatak patungo sa hindi ko alam. Sinundan ko lamang ang kaniyang naging yapak, at sa pagkakataon na iyon, muli ko na namang naramdaman na may mali. Bakit biglang gano’n ang bungad niya sa akin? “Nika, humanda ka, ihanda mo ang sarili mo. Kung mayroong hindi tama rito, gamitin mo na kaagad ang kapanyarihan mo,” sabi ko sa aking sarili habang patuloy kaming naglalakad ni Maggie. Hanggang sa lumabas na kami ng unibersidad. Nais ko sana siyang tanungin kung saan tallaga kami tutungo, subalit h’wag na lang, mukhang wala sa mood si Maggie upang sagutin ang aking mga katanungan. Ano ba kasi ang nangyayari? “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong niya sa akin nang matapat kami sa isang dilaw na gate. “ha? Sinabi ang alin?” buong pagtataka kong itinanong nang nakakunot ang aking noo. Humugot siya ng hininga at ibinuga ito, hindi niya ako sinagot. Sabi ko nga, ‘di ba? Wala siya sa mood para sagutin ang mga katanungan ko. Maya-maya pa’y bumukas na ang gate, sa pagkakataong ito ay kumalas na si Maggie sa pagkakahawak sa aking kamay, “Sundan mo ako,” malamig niyang utos na siya namang aking sinunod. Ang lugar na ito ay may pagkahawig sa basement na pinuntahan namin ni Manong, subalit magkaibang lugar silang dalawa. May mga nadaanan kaming mga lalake sa gilid na nagyoyosi, ang ilan ay wala pang saplot sa pang-itaas na bahagi ng kanilang katawan. Naku, bakit naman napupunta sa ganitong lugar si Maggie? Tahimik ko lang na sinundan si Maggie kahit na madami akong gustongg itanong. Pumasok si Maggie sa lumang parang bahay kaya pumasok din ako. At doon tumambad sa akin ang napakaraming lalake na madudumi ang hitsura. Nagiba tuloy ang aking mukha habang tinitingnan sila. Ano bang nangyayari kay Maggie? “Nandito na siya,” malamig na sabi ni Maggie sa kung sino. Matapos na sabihin ito ay kusa na lang tumabi ang mga kalalakihan, nagtungo sa gilid upang bigyan ako ng daan. Naroon pa rin ang pandidiri at pagtataka na tingin ko sa kanila. Mukha silang mabaho pero wala naman akong naaamoy na mabaho. Samu’t-saring pabango ang naaamoy ko, mga prutas yata. Amoy matamis kasi. Dahil sa pagbigay nila ng daan sa akin, naging klaro sa aking paningin ang mga tao na nasa harapan... “Tyler?” buong pagtataka kong tanong nang makita siya na nakaupo sa isang sira-sirang silya. “a-anong—“ natigil ako sa pagsasalita nang makita ang tatlong babae na nakagapos sa kaniyang gilid. At sa gilid naman ng tatlong babae, naroon si Cheese na nakakrus ang braso, bagay na parati niyang ginagawa. “Dumating na pala ang taga-hatol niyo,” natatawang bigkas ni Tyler nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Halika nga, Nika.” Kunot-noong tinitigan ko ang tatlong babae na nakagap[os, doon ko lang napagtanto na sila pala ‘yong mga babae na nanakit sa akin kapon. Hindi ko kaagad sila nakilala dahil puno ng kulay itim at pula ang kanilang mukha, hinndi naman dugo ang kulay pula na nakikita ko sa kanilang mukha... parang, pintura? Anong nangyari sa mga mukha nila? At teka, ano ang kalokohang ito? “Tyler, ano ‘to?” buong taka kong tanong sa kaniya. “Ituro mo sa akin kung sino ‘yong nanampal sa ‘yo kahapon.” Seryoso niyang tanong nang bigyan niya ng sulyap ang tatlong babaeng nakagapos. Bakit? Kunot-noo kong tiningnan si Cheese, “Ano ito?” tanong ko sa kaniya. Umiling siya at napaikot ng mata, “Wala akong kinalaman dito, ikaw ang dapat na magpaliwanag. Hindi mo man lang sinabi sa amin na may koneksyon pala kayo ni Tyler,” suplada niyang sabi. “Dinala kami rito ng mga tauhan ni Tyler, at pinilit nila kami na sabihin kung sino ‘yong tatlong nanakit sa ‘yo kahapon,” mahinahong pagpapaliwanag ni Maggie na ngayon ay nasa aking likuran. “Hays, ang dami niyong eksena.” Umepal si Tyler, “Dali na, ituro mo kung sino ang nanampal sa ‘ Yo.” “Hindi,” buong-tapang kong tinitigan si Tyler sa kaniyang mga mata, “Tyler pakawalan mo na sila.” “Inuutusan mo ba ako?” biglang nanlisik ang kaniyang mga mata sa akin. “Ayaw ko ng gulo, ayaw kong maghiganti, at ayaw kong manakit.” Sabi ko sakanya saka binigyan ng tingin ang tatlong babae sa gilid. Basang-basa ang kanilang mukha dahil sa mismo nilang luha. “Wala akong pakealam kung ayaw mo,” marahan siyang naglakad patungo sa akin at umikot ng pasirklo sa akin, “Tell me o lahat sila parurusahan ko.” “Bakit mo ba ginagawa ‘to?” tanong ko sa mahinang tono, nais ko na siya lamang ang makarinig ng aking sasabihin, “Hindi naman ikaw ‘yong naapi, ah!” nagsisimula na akong mangigil. “Ahh,” pilyo siyang tumango, “So ayaw mong sabihin,” aniya saka tumingin siya sa lalakeng malapit sa amin, “Latiguhin niyo silang tatlo!” “H’wag!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD