bc

Tale of Arunika (Tale Series #7)

book_age18+
206
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
brave
fairy
tragedy
bxg
brilliant
witty
magical world
supernatural
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with @TinyYuki, @FilipinangManunulat, @_chameehh, @IAM_MARCELINE, @LavenderPen, and @Jeimsue15

Si Prinsesa Arunika, ang susunod na reyna ng Behovah, ay natagpuan ang sarili sa tuktok ng kanyang buhay nang siya ay hinamon ng kanyang sariling kapalaran. Hindi niya inaasahan ang hirap ng pagiging isang reyna. Gayunpaman, alang-alang sa kanyang kaharian, hindi niya binitiwan ang kanyang tungkulin at tinanggap niya ang kapalaran na para sa kanya nang buong-buo.

    Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Tyler Swift, isang lihim na gangster at anak ng presidente sa modernong mundo ng mga tao. Doon niya unang naramdaman ang kakaibang paglukso ng kanyang puso. Doon niya rin naramdaman ang presensya ng tunay na pagmamahal. Natagpuan niya ang bagay na makakahadlang sa kanyang paglalakbay patungo sa kaniyang misyon sa mundo ng mga tao.

    Subalit, mortal na tao si Tyler at siya ay isang prinsesa na may dugong maharlika.

    Dalawang magkakaibang mundo ang pagtatagpuin, paano hahawakan ni Prinsesa Arunika ang lahat?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: Ang Pagkamatay ng Hari
"HANAPIN n’yo si Prinsesa Arunika!" Nakakasindak na sigaw ng punong kawal, umalingawngaw ang boses nito sa loob ng palasyo. Abala ang lahat sa paghahanap sa Prinsesa, at abala rin ang Prinsesa sa pagtatago. Pangisi-ngisi pa siya habang sinisilip ang ginagawa ng mga tagapagsilbi sa kaunting butas ng kaniyang pinagtaguang gabinete. Siya'y pinaghahanap dahil nagnakaw na naman siya ng manok sa manukan ng kaharian, dahil nais niyang bumuo ng sarili niyang maliit na manukan, at alagaan ang mga ito na parang mga anak niya. Naiinip na siya sa paulit-ulit na kalakaran ng isang prinsesa, gusto niya ng bago sa kaniyang buhay at ito ang naisip niyang bago, ang bumuo ng maliit na manukan. Sa ngayon ay dalawang manok pa lamang ang kaniyang nalilikom. Alam ni Prinsesa Arunika hindi sasang-ayon ang Ama niyang Hari sa nais niya, at alam niyang pagbabawalan nito ang mga nagtitinda ng manok na pagbentahan siya. Kaya naman, nakabuo siya ng isang plano, ito ay magnakaw na lamang. Papalitan niya rin naman ang mga manok na nanakaw niya kapag nagkaanak na ang mga ito at dumami. Balak niyang palitan ito ng doble at dagdagan pa ng mga prutas upang humawa ang inis no'ng nag-aalaga sa mga manok na nanakaw niya. "Kamahalan! Kayo ay kinakailangan na, pakiusap magpakita na kayo!" pagmamakaawa ng babaeng tagapagsilbi na halatang pagod na sa kakahanap sa kaniya. Tumawa siya nang marahan, tinakpan niya pa ang bibig niya gamit ang sariling palad upang maisigurado na walang tawang lalabas sa kaniyang bibig. Natutuwa siya sa nangyayari ngayon, iniisip niyang naglalaro silang lahat ng tagu-taguan. May pagkaisip-bata siya. Subalit, natigilan ang lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng kampana sa buong Behovah. Ito ay ang kaharian na pinamumunuan ng angkan ni Prinsesa Arunika. Ang tunog ng kampana na iyon ay limang daang taon na nilang hindi naririnig, at hindi maganda ang ipinapahiwatig nito. Namimilog ang kaniyang mga mata habang ang buong katawan ay bigla na lamang nanginig dahil sa kaba. Bakit tumunog ang kampana? Dali-dali siyang lumabas mula sa loob ng gabinete, at kaagad na umakyat ng hagdan patungo sa silid ng kaniyang Amang Hari. Hindi niya pinansin ang mga tagapagsilbi na naghahanap sa kaniya at kung sino man ang gustong humarang sa kaniya. Mas binilisan niya pa lalo ang pagtakbo hanggang sa naabot na nga niya ang silid ng kaniyang Ama. Hindi siya kaagad nakagalaw nang makita ang bumungad sa kaniya. Nakabukas lamang ang pinto ng silid, sa loob ay naroon ang punong kawal, ang manggagamot, at ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Ang mga pisngi nila ay namamasa, ang mga labi nila'y may marka ng labis na kalungkutan. Hindi maaari... "Mahal na Prinsesa, saan ka ba nagtungo?" tanong ng punong kawal sa kaniya no'ng mapansin nito ang kaniyang presensya. Nanghihina siyang humakbang papasok ng silid habang namumuo ang likido sa loob ng kaniyang mga mata, hindi niya pinansin ang tanong ng punong kawal. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod, anumang oras ay maaari siyang tumumba. "A-Anong nangyari s-sa aking Ama?" nangangatal niyang tanong sa lahat ng tao na nasa loob ng silid. Ayaw niyang tingnan ang Ama niya na nakahiga sa higaan, wala siyang lakas ng loob. "Mahal na Prinsesa," pagtawag ng manggagamot sa kaniya. Hinawakan nito ang balikat niya upang maiharap subalit, dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ay naitulak niya ang manggagamot, dahilan upang ito ay maupo sa sahig. "Ano ang nangyari sa aking Ama?!" Inulit niya ang katanungang iyon sa sigaw na paraan. Sa pagkakataong ito ay umagos na ang kaniyang hindi mapigilang luha, nabuo rin ang kaniyang kamao kasabay ng pagngalit ng kaniyang mga ngipin. "Kanina ay naghihingalo na ang mahal na Hari, hinanap ka namin upang masilayan mo ang iyong Ama sa huli niyang sandali. Subalit, ikaw ay hindi namin mahanap." Pagpapaliwanag ng punong kawal. Bigla na lamang nawala ang kaniyang lakas dahil sa kaniyang narinig. Kusang humakbang ang kaniyang mga paa patungo sa kinalalagyan ng kaniyang Ama habang ang kaisipan ay blangko. Doon ay ibinuhos niya ang napakaraming luha, nauwi sa matinding hagulgol. Niyakap niya nang mahigpit ang Ama niyang wala ng buhay. "Gising, Ama! Gumising ka!" Inalog niya ang katawan nito, umaasang nasa mahimbing na tulog lamang ito. "Patawad, Kamahalan. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko." Luhaang lumuhod ang manggagamot sa harapan niya. Ngunit hindi niya ito pinansin, patuloy pa rin siya sa pag-aalog sa katawan ng Ama niyang Hari. "Kamahalan, patawad kung wala akong nagawa!" Lumuha ang punong kawal at lumuhod din sa kaniyang harapan. Umabot sa punto na ang lahat ng mga tao sa loob ng silid ay lumuhod na sa kaniyang harapan, at humingi ng kapatawaran dahil sa pagkawala ng Hari. Ngunit, hindi niya pinansin ang binigkas ng mga labi nila, nakatuon ang kaniyang atensyon sa paggising sa Ama niyang mahimbing na natutulog. "Ama! H'wag mo ako iwan nang ganito! Gumising ka!" Mahigpit niyang niyakap ang Hari. "Ama!" Isang napakalakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan, kalakip no'n ang pagdilim ng kalangitan at pagkakaroon ng mga dumadagundong na kulog. Natakot ang mga mamamayan ng Behovah dahil sa biglaang pagdilim ng kalangitan, malas ang sinisimbolo no'n. Sa mga oras na iyon ay hindi na niya alam ang mga bagay na pumapasok sa kaniyang isipan. Wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid. Tila lumilipad ang kaniyang kaisipan sa kawalan. "Mahal na Prinsesa, huminahon po kayo," kaagad na naalerto ang punong kawal nang makita nito ang nangyari sa kalangitan mula sa bukas na bintana ng silid. Alam nito na kagagawan ito ng Prinsesa. Ngunit hindi siya tumitigil sa paghahagulgol, mas lalo lang lumakas ang kulog at mas lalo lang dumilim ang kalangitan, halos balutin na ng kadiliman ang buong Behovah. Wala siyang marinig, tanging pighati lamang ang tumatakbo sa kaniyang isipan at ang mismo niyang hagulgol ang tangi niyang naririnig. "Mabuhay ang bagong Reyna!" Sigaw ng isang tagapagsilbi sa labas ng silid. Lumuhod ito nang may luha sa pisngi. Ang luha nito ay halatang hindi mula sa kalungkutan o galak, ito ay mula sa takot. Tama, ito'y natatakot dahil sa nangyayari sa kalangitan. "Mabuhay ang bagong Reyna!" Inulit ito ng iba pang tagapagsilbi sa labas ng silid. Inulit-ulit hanggang sa matagumpay itong pumasok sa diwa ng Prinsesa. Siya ay natigil sa paghahagulgol, kumalas sa pagkakayakap sa Ama, at nilibot ang tingin sa paligid. Kaagad naman siyang natauhan pagkatapos no'n, "P-Patawad!" Walang anu-ano'y yumuko siya sa harap nilang lahat. Ang pagyuko ng isang Reyna o Hari ay isang kayamanan para sa kanila. Minsan lamang sa buhay nila ang makasaksi ng ganito. Kaya naman lahat sila, sa oras na iyon, ay agad na lumuhod at yumuko sa harapan niya at nag-alay ng mga dasal. "H'wag n’yong gawin iyan sa aking harapan. Ako ay hindi n’yo pa matatawag na Reyna." ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook