KABANATA 21: Panaginip?

1082 Words
PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW Pagdilat ko ng aking mga mata, nasa loob na ako ulit ng aking silid. Bumangon ako at umupo sa kama, inilibot ang aking tingin at agad na nakaramdam ng pangingirot sa aking ulo. “Ugh!” napaungol na lang ako sa sakit. Naaalala ko nang klaro ang nangyari kagabi, naaalala ko ang tungkol sa kampana, tungkol sa kulog, malakas na ulan at ultimo ang aking pagkakadulas. Subalit, paano ako napunta sa aking kama? Tumayo ako at lumabas ng aking silid hawak ang aking noong kumikirot. Saka ko lang natandaan na may pasok pa rin pala kami sa araw na ito. Ngayon ay panglimang araw ko pa lang, “Hays!” napabuntong-hininga na lamang ako. Ayaw kong pumasok. Papasok na sana akong muli pabalik ng silid upang maghanda subalit bigla akong tinawag ni Ningning mula sa aking likuran. “Nika!” sigaw niya na siyang aking ikinalingon. “B-Bakit po?” kagigising ko lang kaya medyo hindi pa maganda ang timbre ng aking boses. “Nauna na si Master sa uniubersidad,” sabi niya sa akin nang naglalakad palapit sa akin, “Nandyan si Manong, magpahatid ka na lang daw. Sabi ni Master, bawal kang umabsent.” Nakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi. “Nauna na siya?” naguguluhan kong tanong, “Bakit naman siya mauuna?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lamang ako sa aking mga mata nang ilang segundo na para ang naaguguluhan din, “Ija, alas otso na, late ka na.” “Po!” napasigaw tuloy ako dahil sa bigla, nalaglag din ang aking panga dahil sa aking narinig. Panong naging alas otso, ang aking katawan ay nagigising ng ala sais... paanong? “Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi? Nagpuyat ka ba?” sunod-sunod niyang tanong saka sinukjlay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. Umiling ako, “Hindi po ako nag—“ subalit natigil ako sa pagsasalita nang sumagi sa aking isip ang tungkol sa nangyari kagabi. “Ningning, kung hindi mo ikakasama, maaari bang itanong kung napansin mo akong lumabas kagabi ng silid?” tanong ko sa kaniya. Agad na nagtugma ang kaniyang mga kilay, “Bakit? Ha? Lumabas ka kamo? Eh, paano mo naman mabubuksan ang pinto, laging lock ‘yan kapag natutulog tayo.” Tinuro niya ang pintyo na nasa aking likuran lamang, “Ako ang may hawak ng susi. May lock yan sa loob,” tawa siya nang mahina, “Espesyal ang ating silid, hindi mo ba alam?” Ang mga bibig ko ay nanatili sa kung ano ito, nang bahagya at unti-unting nakunot ang aking noo. Hindi maaari, alam kong nakalabas ako, alam kong totoo iyon at hindiu basta panaginio lamang. Naramdaman ko rin ang totooong sakit noong mahulog ako sa hagdan. Totoo iyon! Hindi ako nananaginip. Natahimik lamang ako habang iniisip ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy ako sa pagtanong ng mgfa bagay-bagay kay Ningning, baka pati siya ay magtaka na rin. Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito. Humugot ako ng hininga at ngumiti, “ganoon ba? Sige, maghahanda na ako, Ningning.” Sabi ko saka tumalikod. Noong pagpasok ko ng silid, saka pa ako niyakap ng kaba. Kakaiba ang t***k ng aking puso, para bang may mali talaga rito. Umiling na lang ako at bumuntong hininga. Aalamin ko ang totoong nangyariu nang hindi ito ippiunapaalam sa iba. Alam ko, at malakas ang kutob ko na may koneksyon ito sa kaluluwa ni Amang Hari. ** Huli nga ako sa klase, pero nagawa ko pa rin na makahabol. Pagkapasok ko ay binati ko ang guro at humingi ng paumanhin. Bago umupo ay tiningan ko muna si Tyler, hindi siya nakatingin sa akin, wala siyang pakealam sa kaniyang paligid. Kaya umupo na lang ako sa tabi ni Vax. Nginitian niya ako kaya naghiganti rin ako ng ngiti. Kanina pa wala sa ritmo ang pagtibok ng aking puso, labis akong kinakabahan. May hindi tama. Ngunit kailangan ay magkunwari ako na parang ayos lang ang lahat. Sa totoo ay naiisip ko na magandang opotunidad din iyon upang simulan ko na ang aking misyon. Kusang misyon ko na ang lumalapit sa akin. Teka... Habang iniisip ko ang tungkol sa bagay na ito, bigla na lang sumagi sa akin ang, ‘Paano kung alam ng kaluluwa ni Ama na nandito ako? At paano kung siya na mismo ang lumalapit sa akin?’ hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil si ama na mismo ang lumalapit, o dapat kabahan abahan. “Hey, are you fine?” bulong sa akin ni Vax nma siyang gumising sa malalim kong pag-iisip. Umiling ako upang mawaglit sa aking isipan ang mga iniisip ko, saka pumakawala ng ngiti sa kaniya, “Oo naman,” bumulong din ako. Kasalukuyan kasing may tinatalakay ang guro sa oras na ito. “Pansin ko kasi na mukha kang balisa,” pabulong pa rin ang kaniyang pagkasabi rito. Umiling ako, “hindi naman. Inoobserbahan mo ba ako?” tanong saka pumeke ng ngiti. Napaatras ang baba niya nang kaunti, at halata ang pamumula ng kaniyang pisngi, “Napansin ko laang naman.” Kumibit ako ng balikat at nakinig na sa guro, pareho kaming nakinig sa guro. Parang ang bilis lang ng oras dahil pakiramdam ko ilang minuto lang ang lumipas matapos ng aming pag-uusap ay nag-ring na ang bell para sa aming lunch time. No’ng umalis na ang guro ay saka ako tumayo at inayos ang aking bag. Habang nag-aayos ay tiningnan ko si Cheese sa kaniyang upuan, ngunit upuan niya lang ang aking nakita. Tiningnan ko rin si Maggi sa kaniyang upuan, subalit upuan lang din ang aking nakita. Nasaan kaya sila? Hindi ba sila pumasok? “Hinahanap mo ba sina Maggie at Cheese?’” tanong ni Vax mula sa aking likuran. Lumingon ako sa kaniya, “Nakita mo ba sila?” at nagtapon din ng panibagong tanong sa kaniya. “hmm,” natingin siya sa labas, “Pumasok sila kanina. Nandito sila no’ng first subject, pero sa ikalawang subject hindi ko na sila nakita.” Reporta niya sa akin. “ha? Baka kung saan na naman napunta ang dalawang iyon.” Sabi ko sabay nguso. “Nais sana kitang samahan sa paglunch dahil alam kong baguhan ka pa lang, but you know, my girlfriend will kill me.” Wika niya saka natawa. “hmmm?” ito lamang ang lumabas sa aking bibig dahin hindi ko naintindihan ang panghuli niyang sinabi, “Salamat Vax, mahglilibot-libot na lang ako baka sakaling mahanap ko sila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD