KABANATA 23: Gunting

1145 Words
ARUNIKA’S POINTOF VIEW “H’wag!” napasigaw ako nang lumapit ang isa sa mga lalake sa tatlong babae, “Hayaan mo na siula, Tyler.” Ngumisi lamang siya at nagoakita ng bali na ngiti, “Hayaan? No. wala ‘yan sa bokabularyo ko.” Sabi siya sa lumapit nang marahan kay Cheese, “Maraming salamat sa pagsabi niyo,” pasasalamat niya rito. At pagkatapos ay hinarap naman niya ang tatlong babae, “Ang papangit niyo!” sabay mura sa mga ito. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa ni Tyler at inaabangan ang susunod niyang gagawin nang bigla na lang akong kinuhit ni Maggie sa aking tagiliran. “Kaano-ano mo si Tyler?” tanong niya sa akin. Tiningna ko siya, “Wala,” sagot ko sa mahinang tono. Saka muling ibinaling ang aking tingin sa kung ano ang ginagawa ni Tyler. “Kilala niyo naman ako, hindi ba?” tanong ni Tyler sa tatlo, “Now you should know, kapag ginalaw niyo pang muli si Nika, you will be dead. Okay? She is my pet.” Bigkas ni Tyler saka binigyan niya ako ng ngisi nang sabihin niya ang huli niyang salita. “No one messes with my pet. You got it?” Lumapit ang isa sa mga lalakeng walang damit at tinanggal nito ang mga lubid sa bibig ng mga babaeng iyon. Doon ay nagsilabasan ang kanilang mga hagulgol at samut-saring paghingi ng tawad. “We are s-sorry, Tyler!” “p-Please let us go...” “hindi na mauulit.” Bumuntong ng hininga si Tyler saka hinawakan ang kaniyang beywang, “hindi kayo sakin dapart humingi ng tawad. And, nga pala,” napahalakhak na lamang siya, “Hindi na mababawi ng sorry niyo ang parusang ipapatong sa inyo,” dagdag niya sa mapang-asar n atono na nagsanhi ng paglakas ng hagulgol ng mga babae. “Hindi mo man lang sinabi sa amin na magkakilala pala kayo ni Tyler,” bulong ni Maggie na ngayon ay nasa tabvi ko na at nanonood din ng eksena, “Todo warning pa kami sa ‘yo about sa kaniya. Siya naman pala ang magiging tagaprotekta mo.” “Hindi ko siya tagaprotekta, Maggie,” bumulong ako pabalik, “Alam kong may dahilan siya kung bakit niya ito ginagawa... at hindi dahil pinoprotektahan niya ako.” Sa talinong taglay ni Tyler, alam kong may panibagong plano na naman siyang binabalak. “Tsk! Kinaiinggitan kita,” huling bulong iya sa akin, hindi na ako bumulong pabalik. “Nika, ano ba ang dapat na gawin sa kanila?” tanong ni Tyler. Napabuntong lamang bako ng hininga, “Pakawalan mo na sila.” Sabi ko. Natawa na naman siya sa aking sinabi, “Masyado kang mabait, hindi uubra ang mga mababait sa akin!” hinawakan niya ang kaniyang tiyan nang tumawa siyang muli nang napakalakas saka biglang nahinto at naging seryoso ang mukha, “Ikaw Cheese, ano ang dapat gawin sa kanila?” “Ha?” agad na nakaramdam ng hiya si Cheese dahilan upang matingin siya sa amin ni Maggie. Halatang hindi niya inaasahan na siya ang tatanungin ni Tyler, “Dapat... dapat lagyan ng pilat ang kanilang mga mukha.” Matapang niyang sagot sa tanong ni Tyler saka bahagyang inalsa ang kaniyang baba. Nakunot ang aking noo sa kasamaang ipinakita ni Cheese, bakit naman niya gagawin iyon? Hindi naman siya ang naagrabyado, ako naman. Tinitigan ko nang maigi si Cheese suot ang aking kunot na noo subalit nakiwas ang kaniyang tingin sa akin. “Pilat ba kamo?” napangisi na naman ang demonyo na si Tyler, “Eh ikaw Maggie, ano nga ba ang dapat gawin sa kanila?” ngayon ay nabaling naman ang kaniyang tingin kay Maggie. Pansin kong nakaramdam mng pagkabigla si Maggie no’ng tawagin ni Tyler ang kaniyang pangalan. Inaasahan kong kakampihan niya ako at magpapakita rin ng kabutihan, subalit nagkamali ako. ”K-Kalbuhin,” tila nag-aanlinlangan pa siya noong sabihin niya ito. “Tama iyan, dapat silang kalbuhin,” napahawak si Tyler sa kaniyang baba, “Mas maganda kung masasaksihan ni Nika kung paano ito gagawin sa kanila.” Sabi niya sa mapang-asar na tono. “Nakikiusap kami!” “Hindi na kami uulit!” Nabalot ng malalakas na hagulgol ang buong paligid, talagang napakalakas ng hagulgol nila. Nakakaawa. “Tama na, Tyler.” Pagpigil ko sa lahat. At saktong nadapo ang aking tingin sa gunting na nakapatong sa maliit na lamesita malapit sa kinatatayuan ni Cheese. Kumaripas ako ng takbo patungo doon at agad na hinablota ang gunting, “Sige, ipagpatuloy mo ang ‘yong kasamaan,” dinikit ko ang matalim na gunting sa aking pisngi, “Hindi ako magdadalawang isip na lagyan ng pilat ang sarili kong mukha!” pagbabanta ko sa kaniya na siyang nagpalaho sa ngiti niya sa labi. Alam ko namang kakailanganin niya ang pisngi na ito upang maisagawa ang misyon niya kay Vax, at upang matagumpay kong malandi si Vax para sa hindi ko alam na pakay niya. Alam kong hindi niya hahayaang sugatan ko ang mukhang ‘to. Kailangan niya ako, kailangan niya ang mukhang ‘to. Kung matalino siyang tao, matalino rin akong Prinsesa. “Nika!’ parehong nasigaw sina Maggie at Cheese, pinipigilan ako sa aking ggawin. “Sa tingin mo ba matatakot ako?” muling napangisi si Tyler, “Wala akong pakeealam sa ‘yo, Nika. Wala akong pakealam sa mukha mo.” “Ah talaga?” sa pagkakataong ito ay ako naman ang napangisi, “Sige,” mabait kong sabi saka marahan na nilagyan ng sugat ang aking pisngi gamit ang gunting na iyon. Mahapdi. Masakit. Pero dahil maliit lang ito, nakayanan ko itong tiisin. Nang gawin ko iyon ay sabay-sabay silang napasinghap, “No!” sabay-sabay na sigaw ni Maggie at Cheese. “TAMA NA!” napasigaw si Tyler at kita ko ang pamumuo ng kaniyang magkabilang kamao at ang paglitaw ng ugat sa kaniyang leeg. Wala palang pakealam ah. Hindi ako bobo, Tyler. Alam kong kailangan mo ang mukhang ito. “Palayasin niyo na ang tatlong hinayupak na ‘yan!” galit na utos ni Tyler sa mga lalake na siya namang agarang sinunod nila. “Sabihin niyo sa iba niyo pang kasama, try to mess with her and I will kill you!” nag-iwan siya ng mensahe sa tatlo bago sila tuluyang nailabas. Kara-karaka naman akong nilapitan nina Cheese at Maggie, “Nika, why did you do thta?” nag-aalalang tanong ni Maggie. “Magkakapilat ka niyan,” sabi naman ni Cheese. “Pabayaan niyo na ako, maayos lang ako.” Malamig kong sagotr sa mga pag-aalala nila. Hindi ako natutuwa sa kanilang ipinakita kanina. “Kayong dalawa,” masamang binigay ni Tyler ang kaniyang tingin kila Maggie at Cheese, “Ayaw kong may ibang makaalam ng tungkol dito. Nobody should know na magkakilala kami ni Nika, umayos kayo at baka kayo ang unahin ko.” Dumura siya sa gilid bago lumisan nang padabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD