KABANATA 29: Sakim

1296 Words
PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW “Team C, in-charge kayo sa booth, okay?” sabi ng guro sa amin na siya namang ikinatango namin, “Sinu-sino nga ba ang team C?” sinuot niya ang kaniyang salamin sa mata at kinuha ang kaniyang listahan na nakalapag lamang sa kaniyang desk. “Swift, Muso, Villar, at Kim.” Ako iyon, at si Tyler, si Vax at Cheese. Nakaramdam agad ako ng hiya nang malamang magiging ka-team ko si Tyler. Pasikretong napunta sa kaniya ang aking tingin, siubalit ako ay muling tumingin sa guro agad-agad nang makitang nakatingin pala siya sa akin gamit ang kaniyang pamatay na mga mata. Matapos na makipagchikahan kay Maggie tungkol sa mga gang, kung ano nga ba talaga ang gang, kung bakit nagkakagulo ang mga gang, at iba pa, naisipan na naming pumasok ng silid aralan. Apat kaming nauna sa silid; kami ni Maggie at ‘yong dalawa ko pang mgaa kaklase na hindi ko pa kabisado ang mga pangalan. Hanggang sa unti-unti nang napuno ang silid nang magsidatingan ang aming mga kaklase, at sa kinagawian, si Tyler pa rin ang laging huli sa lahat. Pagkapasok niya pa lang ay sa upuan ko kaagad nadapo ang kaniyang tingin, alam ko iyon dahil papasok pa lang siya, sa kaniya na nakatutok ang aking titig. Nabigla si Tyler no’ng makita niya ako, at bilang isang Tyler, hindi niya ipinahalata iyon. Bagkus ay binigyan niya lamang ako ng isang malamig na panlilisik ng mata, saka siya pumwesto sa kaniyang upuan. Hay naku, alam kong nagtataka siya kung bakit ako nandito gayong lumayas na ako sa kanila. Wala na akong pakealam sa kung ano man ang iisipin niya, nakapagdesisyon na ako, hindi ko na susundin ang anumang ipig-uutos ni Tyler. Kung ayaw niyang mapahamak siya, kailangan niyang matutunang makinig sa akin. Pagkapasok pa lang ng guro kanina, ang tungkol sa University’s Anniversary kaagad ang kaniyang itinalakay. Ang anniversary raw ay isang uri ng pagsasaya na taon-taon ginaganap. Bumuo ang guro ng grupo, tig-aapat sa iisang grupo, at bawat grupo ay may kani-kaniyang layunin sa gaganaping pagsasaya. Sa kasamaang palad, kami ni Tyler ang napiling ipagsama... tsk. “Anong booth naman ang naiisip niyong gawin?” tanong sa amin ng guro. Kara-karakang tumingin sa akin si Cheese saka ngumisi, alam ko ang ibig sabihin ng ngisi na iyon. ‘wag niya lang subukang gumawa ng kalokohan, wala akong alam tungkol sa mga booth na iyan. “Ma’am, si Nika po ang magiging Team Leader namin, kaya siya na lang po ang tanungin niyo.” Ang makulit na si Cheese. Sinasabi ko na nga ba, may kalokohan siyang naisip. Agad akong umiling matapos na mabigla sa ginawa ni Cheese, “Wala po akong alam tungkol d’yan, Guro.” Pagtutol ko saka binigyan ng matalim na tingin si Cheese. “Hmm, kailangan niyong pag-uspan ang tungkol sa bagay na iyan. Lahat tayo ay dapat may ambag sa gaganaping anniversary.” Sabi ng guro na siyang sinang-ayunan naming lahat. ** Parang may kuliglig sa gitna naming tatlo... Inatasan kami ng guro na bumuo ng maliit na sirklo kasama ang aming mga kagrupo upang pag-usapan ang tungkol sa aming magiging ambag. Eh, sakto namang lumabas si Cheese upang umihi. Kaya ang nasa loob ng siklo ay ako, si Vax at si Tyler lang. Panay palitan kami ng tingin ni Tyler. Alam ko namang tinitingnan niya ako, hindi ko lang nahuhuli. Wala maski isa sa amin ang gustong magsimula ng pag-uusap. Si Vax ay abala sa pagsusulat ng kung ano sa kaniyang kuwaderno. Wala talagang mangyayari sa aming tatlo kung hindi dadating si Cheese—‘yan ay kung may maiaambag si Cheese. Ang masama ay kung tumahimik lang din siya dahil takot siyang kausapin si Vax at Tyler. Hay naku, ang hirap naman nito. Kailangang may magawa ako. Umusog ako nang kaunti palapit kay Vax saka sumilip sa kaniyang kuwaderno, “Ano ang ‘yong sinusulat?” mausisa kong tanong sa kaniya. “naglilista ako ng mga booth na pagpipilian natin,” sagot niya saka ipinakita sa akin ang lista, “Ikaw, alin d’yan ang gusto mo?” “Hmm,” kunot-noo kong binasa ang mga nakasulat, nahihirapan akong intindihin iyon, “Ano ‘yan? Jail booth? Photo booth?” “Oo, iba’t-ibang klaseng booth ‘yan.” Kusa na lamang siyang napangiti, “May masasaya akong alaala sa bawat booth na nasa listahan, puro kalokohan at nakakakilig na pangyayari,” dagdag niya. “Oh? Talaga ba?” naging interesado ako bigla, “Anong booth ba ang pinakatumatak sa ‘yong alaala?” sasagot na siya nang dumating si Cheese at hinatak ang kaniyang upuan patungo sa aming siklo, “Nakapagdesisyon ka na ba, Nika?” tanong niya sa akin. Sa akin lamang nakatutok ang kaniyang tingin na para bang ako lang ang tanging tao na nakikita niya sa sirklo. Alam ko naman na natatakot siya sa dalawa naming kasama, eh. Umiling ako, “Pero may magandang ideya si Vax, naglista siya, heto.” Tinuro ko ang kuwadernong pinagsulatan ni Vax. Nagpakita ng pekeng ngiti si Cheese, “Ganoon ba?” saglit niyang tiningnan si Vax, pero ibinalik din naman niya kaagad ang kaniyang tingin sa akin, “Ano naman ang magandang ideya na ‘yon?” tanong niya sa akin. “Sige Vax, magkunwento ka,” interesado kong sabi kay Vax na nagsanhi ng ngiti sa kaniyang mapupulang labi. “Ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay ‘yong wedding booth,” para siyang kinikilig sa paraan ng kaniyang pagkukwento. “Nitong huling taon—“ naputol ang kaniyang pananalita nang biglang umepal si Tyler. “wedding booth is boring,” malamig niyang singit na nagpalaho sa ngiti ni Vax, “Horror booth na lang tayo.” “Horror booth?” nanliit ang kanan kong mata. “Hay naku,” bumuntong siya ng hininga, “Ayaw kong magpaliwanag. Ipaliwanag mo nga sa kaniya kung ano ang horror booth, Cheese.” Napanguso na lang ako sa kasamaang kaniyang ipinakita. Kahit kailan talaga, siya ay mananatiling masama pa rin. “Uhm,” huminga nang malalim si Cheese, “Ang booth na iyon ay katatakutan. Ang sinumang pumasok sa loob ay tatakutin natin gamit ang mga kagamitang nakakatakot... kinakailangan din natin ng mga multo para rito.” “multo?” umasim ang aking mukha, “Ang pangit naman ng naiisip mo, Tyler,” lakas loob kong sabi na siyang nagpatawa kay Vax at Cheese, subalit hindi nila ito ipinahalata. “Pangit?” nanliit ang kaniyang mga mata sa akin, “Mukha mo pangit,” malamig niyang banat. Bumuntong ako ng hininga saka inikutan siya ng mata, “Maganda naman ang ideya mo Vax, wedding booth ba iyon? Maaari bang sabihin mo sa akin kung ano ang mangyayari sa booth na iyon?” tanong ko saka ngumisi. Pinitik ni Tyler ang kaniyang dila saka umepal na naman, “Hindi mo pa nga alam kung ano ang booth na iyon, nasabi mo na kaagad na maganda,” bumuga siya ng hininga, “Nasaan ang utak mo? Hindi ko mahanap...” Tiningnan ko siya nang masama, “Nasa loob ng ulo, mangmang ka ba?” iyon ang unang pagkakataon na nakapagmura ako ng aking kapwa. Nakakainis na kasi si Tyler eh. Nanlisik ang mga mata niya nang marinig ang salitang aking ibinato sa kaniya, masakit ba? “Horror booth ang gagawin natin,” matigas na sabi ni Tyler, sa akin lang nakatuon ang nanlilisik niyang titig. “Hindi,” umiling ako, “hindi hamak na mas maganda ang ideya ni Vax kahit na hindi niya pa ito napapaliwanag,” ngumiti ako nang mapang-asar. Sino ngayon ang lion sa aming dalawa? “Sasang-ayon ka sa horror booth,” nahinto si Tyler sa pagsasalita, “O manganganib ang buhay mo.” Pagbabanta niya na nagpalaki sa mga mata ni Cheese.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD