PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
Habang kinukwento ni Tyler sa kaniyang mga tauhan ang tungkol sa mga taong posibleng nasa likjod ng pangyayari, napagtanto ko na lang na marami pa lang may galit sa kaniya. May nabanggit siya na may isang gang daw nais siyang patumbahin. Ano naman kaya ang makukuha no’n kapag napatumba niya si Tyler?
Matapos ang mahabang usapan, naisipan pa rin ni Tyler na umuwi kahit masyado nang madilim sa labas. Lahat ng mga lalake ay tutol doon, maging ako ay tutol din subalit wala akong magawa kundi manood.
**
“Nika!” lumingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin, si Maggie lang pala.
“Oh, bakit Maggie?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit ang aga mo ngayon sa school?” hinihingal niyang tanong. Kumaripas kasi siya ng takbo patungo sa akin, ayan, hingal tuloy.
“Wala lang,” sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad na siya namang sinabayan njya.
Oo nga pala, naisipan ko pa ring pumasok sa paaralan sa pamamagitan ng paglabas-masok sa mismonfg mansyon ni Tyler. Kagabi noong umuwi siya ay hindi niya namalayan na nadoon din ako sa loob ng kotse, naunahan ko pa siya. (Dinig kong kotse ni Bogard ang kaniyang gagamitin, paglabas ko eh, wala naman akong nakitang ibang kotse kundi iyon laamang kaya nauna na akong pumasok). Naghanap ako ng matutulugan sa mansion, maarami at malaki ang espasyo ng mansyon kaya hindi ako nahirapang maghanap ng dakong matutulugan. Pagkagising ko nama’y maingat kong pinasok ang aming silid upang kumuha ng uniporme at kagamitan... naligo rin ako sa loobng banyo, mabuti na lang walang sinong pumasok.
Paano ako napunta ng paaralan nang ganito ka-aga nang hindi umaasa kay Tyler? Hmm, sumabay lang naman ako sa private bus ng paaralan na para lamang sa mga estudyante nito. Kaunti lang ang mga estudyante kanina dahila masyado pang maaga. Matyaga ko lang itong hinintay sa daan kanina, sa awa ng panahon, dumaan naman ang bus.
“Kamusta ka na?” tanong niya sa akin.
“Maayos naman ako,” sagot ko naman sabay dampi sa may sugat na parte ng aking pisngi. Maliit lang ang sugat kaya hindi na nito kakailanganin ng bandahe.
“Siguradong hindi ka na guguluhin ng mga impakta na iyon,” nagiba ang kaniyang mukha nang magkasalubong ang kaniyang kilay.
“Sana nga ay wala nang gulo,” siguro nga ay masyado pang maaga upang mapunta ng paaralan, kaunti pa lang kasi ang mga estudyanteng nakikita ko rito sa loob. Nakakatuwa naman si Maggie at naisipan niyang agahan ang kaniyang pagpunta, may kasama na tuloy ako.
“Maswerte ka’t may Tyler ka.”
“Maari bang h’’wag na nating isali si Tyler sa usapan na ito?”
“Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas mo upang kainisan siya,” natawa siya, “Lahat kasi kami natatakot sa kaniya.”
“Lahat kayo?” nahinto ako sa paglalakad, “Eh, bakit may mga taong gusytong kalabanin si Tyler gayong lahat naman pala kayo ay takot sa kaniya?”
Huminto rin si Maggie sa paglalakad at humarap sa akin, “May ibang gang na talagang kaaway nila. Gano’n ang buhay gangster, puro away at gulo.” Umasim ang kaniyang mukha, “Ewan ko ba sa kanila, saa tingin nila ay cool sila sa pagiging gangster nila, puro gulo laang naman ang napapala nila.”
“Bakit ganoon?” kuryos kong tanong, “Bakit magkaaway ang magkaibang gang?”
Kumibit siya ng balikat saka humaba ang pang-ibaba niyang nguso, ”They are territorial.”
“Hmm?” nanliit ang kanang mata ko, “Maari bang paakipaliwanag sa ating wika?” siguro naman naintindihan niya kaagad ang ibig kong sabihin, hirap ako sa salitang English.
“Ay!” napakagat siya ng labi, “Ang ibig kong sabihin, ang mga gang dito ay parang Lion, they are territorial. Ang unibersidad na ito ay teritoryal ng gang ni Tyler, kumbaga, siya ang hari rito...”
“Hari?”
“Oo, and sinusuportahan din ito ng ating mismong unibersidad,” napasimangot siya, “Kaso nga lang, may ibang gang na nais mapunta ang teritoryal na ito sa kanilang mga kamay... wala namang ibang paraan kundi patumbahin ang gang ni Tyler.” hinawakan niya ang kaniyang baba na para bang nag-iisip.
“Nakakalungkot naman, talaga palang may mga tao na handang gumawa ng masama para sa kanilangb pansariling kaligayahan.”
Suminghap siya nang maisp na niya ang kaniyang nais na isipin, “Ah, alam mo ba? Marami nang nagtangkang patumbahin ang gang ni Tyler, per ni isa ay wala pang nagwawagi,” tumango siya nang nakangiti, “Kaya si Tyler pa rin ang hari rito.”
“Dapat ba akong kabahan dahil alam kong anumang oras ay maaaring manganib si Tyler? O dapat matuwa dahil kahit anong panganib ay kaya niya itong lampasan?
“Hay ano ka ba, Nika? Hindi ka dapat mag-alala kay Tyler, isa siyang Lion, kaya niya ang sarili niya,” ngumiti siya, “Kaya ikaw, magpasalamat ka na dahil sa kamay ng lion na iyon, siguradong ligtas ka.”