PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
“Nika?” nanginginig ang kaniyang tinig nang banggitin niya ang aking pangalan matapos kong mailigtas ang kaniyang buhay. Paano niya nakita ang kabuohan ko gayong may mahika ang aking sarili? Nakikita niya ba ako?
Kumaripas na lamang ako ng takbo palayo sa kaniya, bahala na siya sa buhay niya. Ang mahalaga ang ligtas na siya ngayon. Kung magtatagal pa ako, baka mamaya malaman niya pang hini ako normal na tao.
Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa maramdaman kong napapagod na ako, kailangan ko nang magpahinga. Saktong my nakita akong malaking tarangkahan na nababalot ng dilim, wala man lang kailaw-ilaw ang tabi nito. Mabuti nma lang may dumaan na kotse at nabigyan ako ng kaunting liwanag.
May kaunting bukas ang tarangkahan kaya nagawa kong makapasok rito. Saan kaya ako pwedeng magpalipas ng gabi? Tanong ko nang bigyan ko ng tingin ang paligid.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako paloob nang bigalang may tumahol sa akin, hayop na may makakapal na tahol. Ano iyon?
Kahit na alam kong hindi ako nakikita, nagtago pa rin ako sa kung saan ako maaring magtago, natakot ako sa tahol na iyon eh. Alam kong may iba’t-ibang hayop ang mundo ng mga tao, subalit wala pa akong nalalapitan o nahawakan na hayop. Hindi ko alam kung palakaibigan ba sila o mabangis na dapat iwasan.
“May tao ba, pre?”
Napatakip na laman ako ng aking bibig nang may biglang lumitaw na dalawang lalake. Masyadong madilim upang maaninagan kon ang kanilang mga mukha, kaya tanging katawan laman nila ang klaro sa akin.
“Hindi ko alam, bigla na lang nag-iingay ang hayop natin.”
“i-check mo nga, hindi naman mag-iingay iyan kung wala lang.”
Lagot. Mas tinago ko ang aking sarili sa kung nasaan ako ngayon. Teka, ano nga ba itong tinataguan ko? Binigyan ko ng lingon ang paligid at napagtanto na parte pa rin pala ito ng tarangkahan. Parang isang lumang mesa na nakadikit sa tarangkahan, hindi ko alam. Msyadong madilim upang makatiyak ako sa mga nakikita ko.
“Pre tingnan mo nga ‘yong bandang gate, parang d’yan kasi nakatingin ang mga aso eh.”
“Sige.” At naglakad patungo sa aking kinatataguan ang isa sa mga lalake.
Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib, pero teka, bakit ba ako natatakot gayong alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nakikita?
“Baka may pusa.”
Kumuha ang lalake ng walis at mukhang mamamalo siya sa kaniyang porma. Naku, baka mapalo niya ako. Oo hindi ako nakikita pero nandito p[a rin ako. Kahit na hinidi niya ako nakikita, maaari niya pa rin akong mahawakan.
Kara-karaka akong umalis sa dakong iyon at pinagmasdan siya kung paano niya itumba ang lumang mesa na iyon, “Wala naman, pre eh.” Wika niya matapos iyon gawin.
Ang mga asong hayop ay patuloy pa rin sa pagtatahol, nang madapo ang aking tingin sa kung nasaan sila,. Kita kong may kadena sa leeg nila. Ibig sabihin ay hindi naman pala ako dapat na matakot, hindi nila ako mahahabol.
Gano’n pa man, nakakapagtaka pa rin na nakikita ako ng mga hayop na ito.
Nagpatuloy pa rin sa paghahanap ang dalawang lalake na ito, kung ano nga ba ang tinatahulan ng kanilang alagang aso. Hanggang sa huli ay sumuko na sila at pinabayaan na lamang na tumahol ang mga ito.
Hay sa wakas, makakapasok na rin ako sa loob at makakahanap ng spot kung saan ako magpapalipas ng gabi. Ito ang mahirap kapag walang matutuluyan eh, pero mabuti na lang marunong akong magmahika. Nagagawa kong pumasok sa mga bahay-bahay nang hindi napapansin ng mgaa tao—napapansin nga lang ng mga hayop.
Pagkapasok ng dalawang iyon ay agad na rin akong sumunod. Subalit ako ay natigila nang biglang, “Teka, ito ‘yong basement ni Tyler, ah?” naopatingala ako sa lumang bubong ng lumang bahay n apinasukan ng mga lalake. Doon ko lang napagtanto na ako pala ay nasa basement ni Tyler.
Paano nangyari ito?! Paanong hindi ko man lang napansin?!
Kaya pala simula pa lang sa paglalakad ko ay parang pamiolyar na sa akin ang lugar. Eh kasi naman pala, patungo pala ako sa basement ni Tyler! Akalain mo ‘yon, dalawang bese kaming magkakatagpo.
Ay este, hindi pala siya ang aking katagpo ngayon, ang kaniyang basement lang pala.
Kumibit na lamang ako ng balikat at pumasok sa loob. Napakakalat ng lugar, kung saan-saan nakasabit ang mga retaaso at damit. Mga tsinelas aat upos ng sigarilyo ay nagkalat lang sa sahig. Naku, makakayanan ko kayang pumikit ng mga mata sa lugar na tulad nito?
Pailing-iling ako habang malayang naglilibot sa paligid. May mga lalakeng rumoronda kaya panay iwas ako sa kanila, baka mamaya magkabangga pa kami. Hmm, saan kaya magandang matulog sa dakong ito?
“T*ngina, pre! Tulungan niyo ako!” nagulanta ako nang biglang may sumigaw sa labas ng tila-bahay na ito.
Lahat ng mga lalake na nasa loob ay naggsitakbuhan patungo sa labas, tila natataranta. Ako namang kuruos ay mausisa ring lumabas upang malaman kung ako ang kaguluhan iyon.
“Master, saan ka ba galing?”
“Anong nangyari sa ‘yo?”
“D*nm he is mentally dead!”
Hindi ko na maintindihan ang iba pa nilang pinagsasabi. Itinuon ko ang aking tingin sa kung saan ang ugat ng kaguluhan, hindi ko ito masyadong makita dahil natatakjpan ng mga lalake.
“Tabi, tabi!” sigaw no’ng isa na medyo mas malaki sa kanilang lahat. Paikang-ikang ang naging lakad nito papasok dahil may akay siyang isa pang lalake, nang suriin ko kung sino iyo, laking gulat ko nang maakitang si Tyler iyon!
Pusang gala! Dalawang b eses nang nag-krus ang landas namin ngayon.
Tila isang lantang gulay ang hitsura ni Tyler, para siyang hihimatayin.
“Ano po ang nangyari sa inyo?” pinaupo niya si Tyler sa isang silya saka pinaypayan gamit ang pirasong karton.
“naaksidente ako, Bogard.” Mahinang sagot ni Tyler sa tanong na iyon, “It was someone,” tumingin siya sa ibabaa nang makunot ang kaniyang noo, “Somebody planned it... bigla na lang ako nawalan ng balanse habang nagmamaneho, at nawalan din ng preno...” nahinto siya saglit, saka muling nagpatuloy, “Mabuti na lang, may nagligtas sa akin.”
Nabigla ako sa huling parte ng kaniyang salita. Alam ba niya na ako ang nagligtas sa kaniya?