PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
“Ano ba kasi ang nangyayari sa paaralan na iyon? Ano ba kasi ang nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong sa akin Ningning. Kami ay kasalukuyaang nasa loob ng silid kasama si Shin.
“Marami po, Ningning.” Sabi ko Saka napayuko dahil sa hiya, “Dapat hindi na lang talaga ako pumasok ng paaralan.”
“Hay naku, Bika, maswerte ka nga dahil sa lahat ng nagtatrabaho dito sa manion, ikaw lang ‘yong tanging nabigyan ng tyansa na makapag-aral. Bongga nga eh dahil si Master pa ang nag-asikaso ng mga papeles mo, kaya dapat magpasalamat ka,” sabi ni Shin sa masungit na tono saka inirapan ako.
Hindi ko na lang binigyan ng pansin ang kaniyang sinabi dahil mas lalo lang sasakit ang ulo ko sa kaniya. “Ano po ba ang nangyari kanina?” tanong ko kay Ningning.
“Jusko, Nika.” Agad niya akong pinaypayan, “Nahimatayb ka, Ija. Malapit na akong atakihin kanina dahil sa nangyari sa iyo.”
Natahimik lang ako at inalala kung ano nga ba ang nangyari bago ako mawealanm ng malay. Doon ay naalala kong bago ko marating ang pinto ng masion ay bigla akong nakaramdam ng paananakit ng ulo, pagkahilo, at pagkabingi. Tapos maya-maya’y narinig ko ang nakakabinging tunong ng kampana na parehong-pareho sa tunog ng kampana ng Behovah.
Napatayo na lang ako sa kama na inuupuan ko nang may isa pa akong maalala...
Nakausap ko si Amang Hari sa isang mala-paraisong lugar, subalit hindi ko siya nakita. Suot ko ay damtan, at angf halimuyak ng paligod ay parehong-pareho sa halimuyak ng aking mahal na kaharian.
“Ako lang ang may kakayahan na kausapin siya?” napahawak ako sa aking dibdib nang ulitin ko ang sinabi sa akin ni Ama na hindi ko naman naintindihan. Ano ang nais niyang ipahiwatig doon? Ako lang ba talaga?
“oo, talagang ikaw lang ang may lakas ng loob na kausapin nang ganoon si Master!” supladang pag-epal ni Shin s aking malalim na pag-iisip. Natingin na lang ako sa kaniya, at inintindi na lamang ang kaniyang pag-iisip.
Kailangan ko nang gumalaw, dahil ang pangyayari na iyon ay nagsilbi nang pahiwatig sa akin na dapat ay gawin ko nang mabilis ang lahat. Konti na lang ang natitirang oras ko, kung ako ay mahuhuli, hindi lang ang Behovah ang malalagay sa panganib, kundi ang buong daigdig.
Humarap ako kay Ningning, “Aalis ako,” sabi ko sa kaniya.
“Aalis? At saan ka naman pupunta?”
“Malayo,” tumigil ako ng ilang segundo dahil inisip ko pa kung ano ang mas magandang salitang ibibigay kay Ningning upang maintindihan niya ako, “H’wag kang mag-aalala, Ningning. Babalikan kita.”
Sabi ko sa kaniya saka nagsimula nang maglakad palabas, “Ano bang bata ka—“ sinubukan niyang hawakan ang aking braso.
Kahit ako ay nakatalikod, alam kong iyon ang gagawin niya, kaya bago pa man niya magawa iyon ay nilagyan ko kaagad ng mahika ang kaniyang katawan, pati na rin ang katawan ni Shin. Ang oras nila ang hihinto, ganoon din ang kanilang mga katawan at huling alaala.
Binigyan ko sila ng huling sulyap bago nagpatuloy sa aking paglalakad. Hindinako papayag na may humadlang sa akin sa misyon na ito. Labag sa aking kalooban na lagyan sila ng mahika, subalit kailangan. Mawawala rin ito at sila ay babalik sa normal, pagkalabas ko ng mansyon.
Matagumpay nga akong nakalabas ng mansyon nang wlang kung sino ang pumi[igil sa akin. Walang guwardiya o kasambahay ang humarang sa akin, mabuti na rin iyon.
Wala akong dala na maski ano sa akin, tanging ang sarili ko lang at ang katiting na kapangyarihang alam ko.
Ginawa kong hindi nakikitaa ang aking sarili upang maging ligtas ako sa aking paglalakbay, kabilin-bilinan pa naman sa akin ng klero na ang mundo ng mga tao ay mapanganib. Kaya mas mabuti nang lagyan ko ng mahika ang aking mismong katawan, upang walang mortal ang makakakita sa akin.
Sa gitna ng aking paglalakbay ay napansin ko na para akong nasa isang pamilyar na lugar... sa palagay ko ay nanggaling na ako dito noon. Hindi ko gaanong makita ang bhuong paligid dahil madiulim na, at wala pang liwanag ang buwan. Tanging mga dumadaan na sasakyan lamang ang nagiging ilaw ko. Kung walang dadaan, eh para akong bulag na naglalakad.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ideya kung nasaan ang kaluluwa ng aking Ama, hindi ko alam kung paano ito mahahanap. Ang tanging nakatatak lamang sa aking isipan ngayon ay, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa ay iyon ang aking tatahakin.
Naniniwala ako na dadalhin ako ng aking sarili sa aking pakay.
Habang ako ay tahimik na naglalakad, bigla na lamang akong nagulanta nang biglang may bumusina ng napakalakas sa aking harapan. Patungo sa aking direksyon ang sasakyang pagewang-gewang, tila wala ito sa balanse.
Namilog ang aking mga mata dahil sa bigla, kita kong may tao sa loob, natatakot siya at nilalamon ng kaba. Kailangang may gawin ako...
Huminga ako nang malalim at ipinwesto ang aking kamay, heto na, palapit na siya nang plapit sa akin. Ginawa ko ang pinakamadaling mahika na itinuro sa akin ni inang Reyna noon. Ang paghawak ng mga bagay gamit ang hangin.
Ang mahika na ito ay may kakayahang buhatin ang isang bagay, tapunin, paliparin o kontrolin nang hindi hinahawakan. Subalit may hindi rin maganda sa mahika na ito. May mga pagkakataaon kasi na mabibigat iyong bagay, ang mabibigat na bagay ay mahirap kontrolin... nakakawala ng lakas, gaya na lang ng kotse na ito.
Mabuti na lang nagawa kong pigilan ito. Inalsa ko nang kaunti ang kotse sa himpapawid gamit ang lahat ng makakaya ko, upang hindi na magpatuloy ang takbo ng sasakyan. Pagkatapos ay, gamit ang aking kaisipan, sinilip ko ang loob ng sasakyan, hinanap ko ang parte kung saan maaaring makapaghinto sa takbo ng sasakyan, at nakita ko naman nang matagumpay.
Sinira ko iyon uoang matigil ang pagtakbo ng sasakyan. No’ng maisigurado ko nang ayos na ang lahat, saka ko dahan-dahang ibinaba ang sasakyan.
Hindi pa rin ako nakikitaa kaya naglakas-loon akong lapitan ang tao na nasa loob ng sasakyan upang burahin sana sa kaniyang alaala ang nangyari... subalit, nabigla ako sa aking nakita.
“Tyler?”