THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Why did you bring her back, Ningning?" Galit na dinuro-duro ng anak ng Presidente ang babaeng kasama ni Prinsesa Arunika kanina sa presinto.
Walang nagawa ang kasambahay na si Ningning kundi ang yumuko, "K-Kasi po, hindi nila mahanap ang identity ng b-binibini," nauutal nitong sagot.
Ang Prinsesa ay nakaupo lamang sa gilid ng sofa na may kalayuan sa kanilang lahat habang inaaliw ang sarili sa magandang tanawin ng mansyon. Muli silang bumalik sa Mansion ng Presidente dahil sa issue na hindi mahanap ang kaniyang identity.
Ang kasambahay na nagngangalang Ningning ay nagdesisyon na iuwi si Prinsesa Arunika sa mansyon sa pag-aalalang baka mapaano siya sa kamay ng mga mukhang manyakis na Pulis kanina sa presinto. Pansin ng kasambahay na ang iilan sa mga pulis ay panay tingin sa magandang binibini, malamang ay pinagpapantasyahan nila si Prinsesa Arunika.
"Sabi ko naman po kasi sa kay Ningning na iwan na lamang ang binibini sa presinto habang sinisiyasat pa ng mga pulis ang pagkatao ng binibini. Subalit gusto niya po talagang iuwi ang babae,"masungit at nakapameywang na singit no'ng isa pang kasambahay na kasama ni Prinsesa Arunika kanina sa presinto.
"Bakit nga ba hindi mo na lang siya iniwan do'n, ha Ningning?" Halos umusok na ang tainga ng anak ng Presidente dahil sa inis at galit.
"K-Kasi Master, natatakot po ako na baka mapaano siya roon," nanatiling nakayuko si Ningning.
"Mapaano?" Natawa nang mapakla ang binata, "Mga pulis na iyon, sila ang tagapagligtas ng bayan. How come nasabi mo iyan?"
"Sabi ko na kasi sa 'yo, eh! Ayaw mo maniwala." Sinikuhan ng kasambahay si Ningning.
"Paumanhin po, Master!" Agad na lumuhod si Ningning sa harap ng binata at nagmakaawa, "Nakikiusap po ako sa inyo, patuluyin niyo po ang kawawang binibini rito sa mansyon. Pakiusap po!"
Mas lalong nakunot ang noo ng binata, saka nito ibinaling ang tingin kay Prinsesa Arunika na ngayon ay parang isang batang pinagmamasdan ang mga larawan sa pader. "I am not adopting thieves in this mansion!" Nakakakilabot nitong saad.
"Bakit parang awang-awa ka sa magnanakaw na iyan?" Tanong ng binata kay Ningning.
"Dahil magaan po ang aking loob sa kaniya, naniniwala akong hindi siya magnanakaw. S-Sadyang may depekto lamang a-ang kaniyang pag-iisip," sagot ni Ningning.
"Depekto?!" Nabaling ang tingin ng binata kay Ningning saka muling natawa, "Sinasabi mo bang baliw ang babaeng iyon?" Tanong nito saka tinuro ang kinaroroonan ng Prinsesa.
"Nahihibang ka na, Ningning! H'wag mong sisirain ang imahe mo sa harap ni Master para lang sa babaeng hindi natin kilala!" hinawakan ng kasambahay ang balikat ni Ningning at sapilitang tinayo.
"Huminahon ka, Isa," wika ni Ningning sa kasambahay na nagngangalang Isa, "Nais ko ang binibining iyon," marahang nitong tinapon ang kaniyang tingin kay Prinsesa Arunika.
"Baka gutom ka lang, Ningning. Sige na, ibalik mo na ang babaeng iyan sa presinto. Kung hindi niyo siya pwedeng kasuhan ng robbery, kasuhan niyo ng trespassing." Bumuntong ng hininga ang binata saka nagsimulang naglakad palayo, "Gawin niyo ang lahat upang malagay sa kulungan ang babaeng iyan, I don't want her here."
Nadurog ang puso ni Ningning sa kaniyang narinig, "Subalit Master," sa binitawang salitang iyon ay natigil ang binata sa paglalakad, "Ngayon lang po ako hihingi ng pabor sa inyo, sa tagal kong nanilbihan bilang kasambahay. Nais kong iurong mo ang kasong iyon para sa binibini. Kahit h'wag niyo na po siya patuluyin sa mansyong ito. Ako na po ang magpo-provide ng kaniyang matutuluyan, bukas po ang aking munting tahanan." Mangiyak-iyak nitong bigkas na siyang nagpabuo sa kamao ng binata.
Si Ningning ay matagal nang naninilbihan sa mga Swift, magmula pa no'ng paslit pa ang anak ng Presidente. Si Ningning na rin ang laging kasama nito sa paglaki, si Ningning na ang tumayong ina. Kaya napamahal na rin ang binata kay Ningning. Siya ang pinaka-valuable person sa lahat ng kasambahay.
"Pagbibigyan kita," kahit na ganoon ang galit ng binata para kay Arunika, hindi nito magawang tanggihan ang hinihiling ni Nining, "Just make sure na hindi ko na muling makikita ang babaeng iyan sa pamamahay ko." Malamig na wika ng binata saka muling nagpatuloy sa paglalakad, subalit muling natigilan nang muling nagsalita si Ningning.
"At ako ay mamamaalam na rin sa inyo, Master." Tuluyan na ngang nangilid ang mga luha ni Ningning. Labis itong nalulungkot. Nais nitong ampunin at alagaan si Arunika dahil naaalala nito ang kaniyang anak na babae na labing walong taon nang wala sa mundong ito.
"What did you say?" Giba ang mukha ng binata nang ibaling niya ang kaniyang tingin kay Ningning.
"Ako'y mamamaalam na rin. Master, alam niyo pong nasa probinsya pa ang aking tahanan. Hindi ko maaalagaan ang binibini kung doon ko siya patutuluyin mag-isa. Kailangan niya ako sa kaniyang tabi, bilang katuwang."
"Maaalagaan? Nababaliw ka na ba, Ningning?" Nangalit ang mga ngipin ng binata, "Bakit mo aalagaan ang babaeng iyan?" Tinuro niya si Prinsesa Arunika, "What made you so desperate of her?!"
"Wala siyang kakilala, siya ay may depekto," tinitigan ni Ningning ang binata sa mga mata nito, "Wala siyang mga magulang. Kailangan niya ako... kailangan niya ako, Tyler." Iyon ang unang beses na tinawag ni Ningning ang anak ng Presidente sa pangalan nito.
"You can't do that! Paano mo nasabing kailangan ka niya?! She is an independent thief!" Dahil sa sobrang galit na nararamdaman ay nauwi sa sigaw ang boses ng binata na ang pangalan ay Tyler Swift.
Tyler Swift, anak ng Presidente ng bansa.
"Hindi siya magnanakaw, bakit hindi niyo po ako maunawaan?"
"Paano kita mauunawaan eh walang kwenta ang mga pinagsasabi mo!"
Natahimik si Ningning nang binatawan ni Tyler ang mga salitang iyon. Ito ay marahang tumango saka pinunasan ang basa nitong pisngi, "Opo, pasensya na at patawad."
"Look, I'm sorry for being harsh. But I don't want you going near her, hindi mo siya kilala. This is for your safety." Sabi ni Tyler sa mahinahon na paraan.
"Ako ay mag-isa sa aking buhay, wala na po akong pakealam kung malagay man sa alanganin ang aking buhay. Ang nais ko lang sana ay maranasan ko ang labis na kasiyahan, kahit minsan lang. Naranasan ko na ang maging masaya noon, subalit bigla itong binawi sa akin ng panginoon. At ngayon, muli Niya ako binigyan ng pagkakataong sumaya. Ramdam ko ito sa aking puso. Sana ay h'wag niyo po itong hadlangan."
"Ano ba ang magpapasaya sa 'yo, ha? Magkano ba ang kasiyahan mo at ibibigay ko agad-agad. Just don't quit your job, Ningning."
"Hindi matutumbasan ng salapi ang pagiging isang Ina, iyon ang magpapasaya sa akin, Tyler."
----