KABANATA 5: Police Station

1034 Words
ARUNIKA'S POINT OF VIEW "Teka! Saan mo ako dadalhin?! A-Aray! Nasasaktan ako!" Bigla akong kinaladkad ng taong mortal na ito palabas ng silid, kahit na wala siyang saplot sa kanyang pang-itaas na katawan. Ganito ba talaga ang mga kasuotan ng mga mortal, lantaran? Nakakabigla! "You're the only person who did this to me!" Nanggigigil nitong sabi habang patuloy akong kinakaladkad. Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi pero mahahalata namang galit siya, base sa kaniyang tono. "Ano ba nasasak—" natigil ako sa pagsasalita nang ako'y itulak niya patungo sa maraming tao na may pare-parehong suot. Mabuti na lang sinalo nila ako. May mga humawak pa sa aking braso upang ako'y hindi matumba. Nakakabigla naman ang ugali ng lalakeng ito. Napakademonyo! Isa ba siya sa mga kalaban ko? Dapat ko na ba siyang ligpitin? "M-Master? Sino po siya?" Tanong ng babaeng nakahawak sa kaliwang braso ko, isa siya sa mga taong sumalo sa akin. "Dalhin niyo siya sa Police Station!" Nagkasalubong ang kilay ng lalakeng walang saplot sa ibabaw na parte ng kaniyang katawan. "P-Police Station?" Pag-ulit ng isa pang babaeng sumalo sa akin. Ano nga ba ang Police Station? Kanina ko pa gustong magsalita ngunit kailangan kong kumilos tulad ng isang normal na tao. Mas gugustuhin kong manahimik kaysa may sasabihin ako. "Oo, that girl tried to steal something from me!" Galit niya akong tinuro. "Totoo bang tinangka mong pagnakawan si Master?" Pabulong na tanong sa akin ng babaeng nasa likuran ko. Teka nga! Bakit napakarami nila? Anong klaseng tao ba sila? Bakit pare-pareho ang kanilang mga suot? Lumingon ako sa kanila at binigyan ng nakakabiglang tingin ang babaeng nagtanong, "Aba, ako ay hindi magnanakaw," hinawakan ko ang aking dibdib, "Pero..." subalit natigilan ako nang maalala ko ang aking pinanggagawa sa manukan ng Behovah noon. "Pero manok lang ang aking ninanakaw noon! Hindi na ako magnanakaw ngayon." Mas mabuti nang magsabi ng katotohanan, hindi ba? Ayon sa nabasa ko sa aklat noon, mas pagkakatiwalaan daw ako ng isang tao kapag nagsabi ako ng katotohanan kahit na hindi iyon katanggap-tanggap. Kaysa naman magsingungaling. Ang lahat ay napahugot ng hininga sa bigla. Ang iba ay napatakip pa ng kani-kanilang bibig. May nasabi ba akong mali? "Sinasabi ko na nga ba!" Sumigaw ang lalakeng kumaladkad sa akin kaya ako'y napalingon sa kaniya. "Isa kang magnanakaw! Ugh!" Lalapit na sana siya sa akin suot ang kaniyang kamao at galit na mukha, ngunit bigla siyang pinigilan ng mga babaeng nakasuot ng pare-parehong damit. Bumawi ako ng dalawang hakbang, syempre, mukhang aatakihin niya ako eh. Aatakihin ba talaga niya ako? kaya niya? Napakasama niya sa sitwasyong iyon! "H-Hindi ako magnanakaw! Hindi kita pagnanakawan!" **** **** "Sigurado ba kayo na ang magandang dilag na ito ay magnanakaw?" Tanong ng lalakeng may mahabang bigote sa nakakakilabot na tono. Dinala nila ako sa lugar na tinatawag nilang Police Station. Dalawang babaeng may parehong suot lamang ang nagdala sa akin dito. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin kaya sumama ako sa kanila ng walang kahirap-hirap. Ang sabi nila, dadalhin daw nila ako sa Police Station dahil iyon daw ang ipinag-uutos ni Master. Master pala ang pangalan no'ng lalakeng may masamang ugali. "O-Opo," sagot ng babaeng nasa aking kaliwa. Halatang napilitan siya sa kaniyang naging sagot, at halatang labag iyon sa kaniyang kalooban. "Talaga bang pinagtangkaan mong pagnakawan ang anak ng presidente?" Sa akin naman nabaling ang atensyon ng lalakeng may mahabang bigote. Napaurong ang aking baba sa tanong na iyon at ako'y agad na umiling, "H-Hindi po!" Matapat kong sinagot ang kaniyang tanong. Sa katunayan ay doon ko lang nalaman na ang masamang lalake kanina ay anak pala ng Presidente. Ayon sa aklat na aking nabasa noon, ang Presidente ang makapangyarihang nilalang sa bawat bansa ng mundo ng mga tao. Katumbas sila ng Hari sa aming mundo. Kung ganoon, si Master ay katumbas ng isang prinsipe. "Halata namang hindi," kumibit ng balikat ang lalakeng may mahabang balbas saka yumuko sa kwadernong kaniyang hawak, "Dito muna kayo, magba-background check lang kami. Anyway," muling nabaling sa akin ang tingin no'ng lalake, "Ano ang pangalan mo, Ija?" Isang nakakasindak na tanong. "A-Ako po si... Arunika," nauutal kong sagot. Naku po! Ano ba ang background check? Iyon ba 'yong hahalungkatin nila ang aking pagkatao? Naku po! Hindi maaari. Hindi po ako tao! "Ano ano apelyido mo?" "A-Apelyido?" Pag-ulit ko. Ano nga ba ang salitang iyon? "Oo, family name mo. Saang angkan ka nagmula?" "Ahh," ako'y napatango. Iyon lang naman pala e, "Sa angkan ng Behovah, ako'y dugong maharlik——" bigla kong tinakpan ang aking bibig nang may mapagtanto ako. Iba na yata ang aking nasasabi. "Behovah? Behovah ba ang iyon family name?" Tanong ng lalake. "H-Ha? Hindi po..." umiwas ako ng tingin. Ano ba ang aking sasabihin? Ano nga ba ang family na 'yan? "W-Wala po akong family name." Iyon na ang sa tingin ko ay pinakamagandang sagot na maisasagot ko. "Ha? Bakit wala?" "Lahat ba ng tao may gano'n?" Inosente kong tanong. Napataas ng kilay ang lalake, "Aba oo, pwera na lang kung hindi ka tao." Namilog ang aking mga mata at ako'y biglang niyakap ng lamig. Alam ba ng lalakeng ito ang tungkol sa Behovah? Ang tungkol sa mundo ng mahika? Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakasagot kaagad. Nanatiling nakatikom ang aking mga bibig. "Pero walang gano'n. Ang mga aliens, at iba pang mga elemento gaya ng kababalaghan ay gawa-gawa lang ng mga tao," biglang natawa ang lalake, "Sadyang malikhain lang talaga ang mga tao. At sadyang uto-uto ang karamihan." "Ahm... mawalang-galang na po, Officer." biglang pinutol ng babaeng kasama ko ang aming pag-uusap, "Dahil siya ay isang magnanakaw, may posibilidad na hindi niya ibibigay sa inyo ang kaniyang tunay na pangalan." wika nito nang makailang sulyap sa akin. Ang kaniyang mga tingin sa akin ay mapanghusga, ayon sa aking nakikita, siya ay naniniwala na ang aking intensyon sa anak ng Presidente ay talagang pagnanakaw. Napakabalimbing niya! Kanina kamping-kampi siya sa akin, tapos ngayon parang nilalaglag niya ako. Napatango nang mabagal ang lalake saka napahawak sa mahaba nitong bigote, "May punto ka doon. Sige, since may advance technology na tayo, ite-trace namin ang fingerprints ng magandang dilag na ito at ang kaniyang mukha upang malaman kung sino nga ba siya." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD