KABANATA 7: Anak ng Presidente

1244 Words
TYLER'S POINT OF VIEW I really hate it when my decisions are being cornered! I don't understand why Ningning wants to adopt that thief. Sobrang mabigat ang aking puso para sa babaeng iyon, she makes me angry every time I see her face. I don't want her here, pero wala akong magagawa dahil iyon ang kahilingan ni Ningning. Yup, I admit na hindi ko kayang mawala si Ningning. Why? It's because siya na ang tumayong ina sa akin since my Mom died when I was twelve. Binibigay niya sa akin 'yong pagmamahal na hindi magawang ibigay ni Dad. He is always busy, well, hindi na ako umaasang mabibigyan niya pa ako ng oras at pagmamahal dahil sobrang busy niya sa pamamahala. Kahit ganoon pa man, masaya pa rin ako because I have Ningning. But, when this abnormal thief came, nagulo na ang pag-iisip ni Ningning. May pinakain ba siya rito? But, when this abnormal thief came, nagulo na ang pag-iisip ni Ningning. May pinakain ba siya rito? Pumayag ako na mag-stay 'yong estrangherong babae rito sa mansyon. But in one condition, ayaw ko siyang makita. Sila na ang bahala kung paano nila magagawang possible iyon, hindi ko na iyon problema. Basta ang akin lang, ayaw ko siyang makita! "This is Tyler," I spoke over the phone as I sighed and leaned my back on my chair. Such a tiring day. Nga pala, tinawagan ko ang secretary ni Dadupang ipaalam ang tungkol sa pags-stay no'ng babae rito. Goodness, I don't even know her name. "Yes, Master? May nais po ba kayong ipaabot sa inyong ama?" Tanong ng secretary. Dinig ko pa ang pag-click-click niya sa keyboard ng computer, that means she was multitasking. "Precisely," pinaikot ko ang aking upuan, "Kindly tell Dad that I just adopted someone here. At pakisabi na rin na 'wag siyang mabibigla." "Noted! Iyon lang po ba?" "Uh-huh," tumango ako saka pinatay na 'yong tawag. I sighed again as I looked at the ceiling of my room. Biglang sumagi sa aking isipan 'yong gulong nangyari kanina sa open area ng aking gang. Kamusta na kaya si Eric? By the way, my name is Tyler Swift. Isa akong anak ng Presidente ng bansa, and a leader of a gang called WEDB, pronounced as we-dib. Lihim lamang ang aking pagkatao bilang anak ng Presidente, it's for my safety (Dad said). Kaunti lamang ang may alam na may anak ang president at konti lang din ang may alam na ako iyon. Minsan lang umuuwi si Dad dito, may sarili siyang mansion at doon siya parati. Para daw ulit ito sa safety na walang makakitang dito siya umuuwi. I'm happy with that, dahil sa mansion na ito, AKO ANG MASTER. Dad knew about my gang, "I'm not stopping you, just do the right thing, Son." Tanda ko pa ang sinabi ni Dad noon. At hindi ko kinakahiya na ako ay isang gangster. In fact, mas kilala nga ako ng lahat sa pagiging gangster leader kaysa sa pagiging anak ng Presidente eh. Kilala ako bilang nakakatakot na nilalang dahil sa aking posisyon sa gang. Subalit may mga bagay o tao talaga na sinusubukan ang tapang ko. Gaya kanina sa open area, habang nagkakasiyahan kami ng mga ka-gang ko, bigla na lamang may kung anong kumalabos sa likod ng bodega kung saan namin tinatago 'yong mga protection namin. Nagulat na lang kaming lahat nang makita namin si Eric, member ko, na duguan at humihingi ng tulong. He was tortured. We hurried him into the hospital at wala pa akong update sa sitwasyon niya. . Hays, kamusta na kaya siya ngayon? I was thinking deeply when my tummy roared in its craving. Gusto ko ng mainit na kape. Dahan-dahan akong tumayo at saka bumuntong ng hininga. "Coffee addict," bulong ko sa sarili nang simulan ko na ang paglalakad palabas. Walang gana akong naglakad patungo sa kitchen nang madaanan ko 'yong estrangherong magnanakaw na nakamasid sa paligid ng aking mansion. Bigla na lang kumulo ang aking dugo nang makita ko siya, tsk! Nilapitan ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Agad siyang umayos sa pagkakatayo niya nang mapansin niya ako, "M-Magandang gabi, Master." Pagbati niya sa akin. Aba, nakiki-master na rin siya. "Anong maganda sa gabi?" Malamig kong tanong. "P-Po? Ahh..." napahawak siya sa kaniyang baba at napatingin sa ibabaw, na para bang nag-iisip, "Dahil biyaya ang gabi sa atin," sagot niya saka pinakawalan niya ang nakakainis niyang ngisi. "Biyaya?" Sarkastiko akong natawa, "Naniniwala pala sa biyaya ang isang tulad mong magnanakaw." "Hala," namilog ang kaniyang nga mata saka agad-agad na umiling. "Hindi po ako magnanakaw!" Pagtanggi niya. "Tsk, denial. Umalis ka nga sa harapan ko!" Suplado kong utos sa kaniya. Napalunok siya, napaka-OA naman ng reaksyon niya. "Denial," bulong niya nang mapadpad sa ibaba ang kaniyang tingin. "Oh, ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Inuulit mo ba ang mga sinasabi ko?!" Ginigigil niya ako. Hays. Naiinis na nga ako sa pagmumukha niya, pati ba naman sa mga galawan niya. Kung hindi lang talaga dahil kay Ningning, naku, pinakulong ko na ito. "Ah... ehh..." napakamot siya sa kaniyang batok, "Ano pong denial? Hehe," Tanong niya saka muling pumakawala ng ngisi na para bang hindi nasindak sa ipinakita kong pagsusuplado. "Huh?" Bahagyang nataas ang isa kong kilay, "Denial? Tinatanong mo ba ako o nagsasarkastiko ka?" "Tinatanong po kita," muli niyang ulit saka ngumisi na naman. Mukhang may sayad nga ang babaeng ito. Pinapaalis ko na siya sa aking harapan, ngunit nandito pa rin siya at isa pa, tinatanong niya pa sa akin kung ano ang 'Denial' don't tell me hindi niya alam? O sadyang pabobo lang talaga? Hindi ako nagsalita, sa halip ay nagngalit ako ng mga ngipin at marahasang hinawakan ang kaniyang braso, "Hindi mo ba ako kilala? Bakit ginaganito mo ako? Bakit ganito ang paraan ng pakikipag-usap mo sa akin?" Sa bawat katanungang pinapakawalan ko ay katumbas no'n ang paghigpit ng hawak ko sa kaniyang braso. "Aaaarayy!" Mahina siyang napa-aray habang nakatutok ang tingin niya sa aking mga mata, "N-Nasasaktan ako, M-Master." Anito at nagpumilit na makawala, but I was just too strong for her strength. "Don't you ever poison Ningning's mind, naiintindihan mo? She belongs to this mansion." Matigas kong saad. "Hindi... H-Hindi kita maintindihan..." aba at namimilosopo pa ang babaeng ito. "Ugh!" Mas lalo kong piniga ang kaniyang braso at nang madala. I really hate it when someone is testing my patience. "Tigil!" Nauwi sa sigaw ang kaniyang boses. I don't know what happened next. No'ng buksan ko ang aking mga mata, kita kong nakabuyangyang na ako sa sahig. That stranger woman rushed into my location. "Master, master, patawad!" Kinakabahan siya no'ng lapitan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso at dahan-dahang itinayo subalit hindi nakikipag-cooperate ang aking katawan. Nainis lamang ako sa paghawak niya sa akin, that's why I pushed her away, subalit nakaramdam ako ng labis na sakit sa aking likuran dahilan upang mapangiwi ako. "Fvck!" Napamura ako dahil sa sakit. Ano ba ang nangyari? Bakit ako nakahandusay? Bakit napakasakit ng aking likuran na parang sinuntok ako ng napakaraming beses? "Naku," kita kong balisa siyang napahawak sa kaniyang pisngi nang libutin niya ng tingin ang bawat sulok ng mansyon, "Walang dapat na makaalam nito!" alalang-ala siyang lumapit muli sa akin kahit na tinulak ko siya palayo kanina. "Master, patawad pero kailangan po kitang patulugin," dagdag niya. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. I was about to speak subalit biglang nagdilim ang aking paningin. Fvck, what did just happened? ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD