PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
“Mas mabuti pa kung umuwi ka na lang muna,” sabi ni Maggie na ngayon ay tumutulong sa akin sa paglagay ng gamot sa aking pisngi. Narito na naman kami ngayon sa clinic, ang mga nurse ay paulit-ulit na nagtanong kung ano nga ba ang nangyari sa akin. Sinasabi ko naman sa kanila na ako ang may gawa nito sa aking sarili, subalit ayaw nila akong paniwalaan. Edi bahala sila.
“Hindi na, hindi naman malalim ang aking sugat.”
“Makinig ka na lang sa amin, Nika,” si Maggie na naman ang nagsalita, “Mas mabuti pa kung umuwi ka na lang.”
“Hindi pa ako maaaring umuwi.” Malamig kong sabi saka ko siya tinitigan sa mga mata, “Malayo ito sa bituka, at papasok pa ako ng klase.” Sabi ko. Ilang araw pa lang ako sa paaralang ito pero parang marami na ang nangyari.
“Sige ikaw bahala,” wika niya, “Nagmamalasakit lang naman ako.”
“Maggie at Cheese,” saglit kaming tahimik, “Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo kanina. Bakit niyo naman iyon gagawin sa kanila?” tanong ko.
“Because they did something wrong to you. Deserve nila iyon!” tumaayo si Cheese mula sa pagkakaupo, “Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ka, dapat nga magpasalamat ka because Tyler protected you.”
“Tama si Cheese, paniguradong simula ngayon ay wala nang gugulo sayo na isa sa mga fans ni Vax,” nagpigil ng tawa si Maggie, hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. “Mayroon ka palang back-up ah.”
“Back-up?” tanong ko. Hindi ko maintindihan ang salita.
“Hindi mo sinabi sa amin na magkakilalal pala kayo ni Tyler,” napanguso si Cheese, “Paano nga ba kayo nagkakilala?” mausisa niyang tanong saka muling naupo sa tabi ko.
“Ang cool naman no’n, alam mo bang konti lang ang nalalapit kay Tyler?” si Maggie ay parang kinilig, “’Yong mga ka-gang niya lang. ikaw pa lang yata ang naka-close niyang babae.”
“Close?” hindi ko na namn maintindihanang salita.
“Close, as in magkalapit,” pagpapaliwanag niya sa akin.
“Hindi naman kasi kami close ni Tyler. Tama kayo sa sinasabi niyong masama siya,” sumimangot ako saka kinuha ang salamin sa kamay ni Maggie, kanina niya pa ‘to hawak-hawak. Tiningna ko ang aking mukha sa salamin. May tapal na ito, sa palagay ko naman ay hindi ito magsasanhi ng pilat dahil maliit lang ito.
“Curious pa rin ako kung paano kayo nagkakilala,” napatingin na lamang si Maggie sa atip at nag-isip kung paano nga ba kami nagkakilala ni Tyler.
Kung alam lang nila kung paano nagsimula ang kwento namin ni Tyler at kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, baka iisipin nilang ako na ang pinkamalas na babae sa buong mundo.
**
“Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Vax sa akin nang mapansin niya ang bandage sa aking pisngi, “Wala naman iyan kanina, ah?”
Ngumiti ako nang p[eke upang ipakita na maayos lang ako. Nga pala, nasunod pa rin ang aking kagustuhan na pumasok sa hapon na klase namin kahit na may sugat ako sa aking pisngi. Hindi ko alam sa aking sarili, pakiramdam ko ay dapat akong pumasok... hindi ko man lang maibigay ang tamang dahilan kung bakit.
“Nadapa ako,” sabi ko saka kinuha ang aking kuwaderno sa aking bag. “Simula kanina, tinitingnan na ako ng lahat dahil nga sa bandahe ko sa pisngi,” pagkukwento ko sa kaniya habang hinahanp ko sa aking kuwaderno ang asignaturang ginawa ko kagabi bago natulog, “Mukhang napakalaking bagay sa kanila ang mukha,” pagpapatuloy ko.
“Well, para sa mga kababaihan malaking bagay ito. Lalo na’t iniingatan nila ang kanilang kagandahan.”
“Malaking bagay rin ito para sa mga kalalakihan. Dahil ang iilan sa inyo,” tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata, “Sa hitsura lang bumabase.”
Naurong ang kaniyang baba, tila hindi sang-ayon sa aking sinabi, “Hindi naman lahat, ah. I mean, h’wag mo akong ipabilang sa kanila.”
Ngumisi ako, “Naku, Vax, hindi mo na kailangan sabihin iyan. Alam ko na ang isang magandang lalakee na katulad mo, ay magandang babae rin ang hanap,” sabi ko saka nagpatuloy sa paghahanap.
“Hindi ah,” umayos siya sa pagkakaupo at bumuntong ng hininga, “Mas mahalaga pa rin sa aking ang ugali ng isang babae.”
“Kung ganoon, wala na akong magaagawa. Basta, ang aking paniniwala ay iyon pa din.”
Bumuntong na naman siya ng hininga, “Hays naku, Nika.” Napakamot sa kaniyang batok, “You are making me uncomfortable.”
Nanliit ang mga mata ko s kaniyang sinabi, saka natawa nang mahina, “Baka nakakalimutan mong mapurol ang aking isip pagdating sa salitang English.” Biro ko sa kaniya na siya namang ikinatawa niya.
“Aw, sorry, ang sabi ko ay... wala,” pinitik niya ang kaniyang dila, “Kaya ikaw, magiingat ka sa lalakeng pipiliin mo, baka mamahalin ka lang niya dahil sa mukha mo,” pagbibigay niya payo sa akin.
“Hindi ako dapat mag-ingat, paniguradong wala nang gaganyan sa akin ngayon.” Tumingin ako sa kaniya, “Ang ibig kong sabihin ay wala nang mabibighani sa aking mukha ngayon dahil nga dito,” tinuro ko ang aking bandahe.
“Ang lalakeng mahal ka sa hitsura, isa ‘yang kahihiyan,” tinuro niya ang bandaheng nasa aking pisngi, “Subalit para sa lalakeng mahal ka, isa lamang ‘yang normal na sugat.”
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi, “Magaganda ang iyong salita, Mr. Villar,” natawa ako nang mahina nang tawagin ko siya sa pangalang iyon, “Isa ka bang manunulat.”
“hindi kita binobola sa aking salita, Ms. Musa,” at naghiganti naman siya sa aking ginawa saka natawa, “Nagsasabi ako ng totoo, at sinasabi ko kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko iyon pinag-aralan.”
Napatakip ako ng bibig, “Nakakamangha ka naman, pwede bang paturo kung p[aano maging isang Vax Villar?” biro ko.
“Ha? Hmm,” napahawak siya sa kaniyang baba, “Kailangan mo lang makausap ang isa Nika Musa at ika’y magiging tulad ko.”
“Ha?” medyo naguluhan ako do’n.
“What I mean is, this is me when I am talking to you,” tinitigan niya ako nang maigi sa aking mga mata, “Natural sa akin ang pagiging ganito. Iyon ang ibig kong sabihin, alam ko namang hihingiin mo ang aking translation.”
“Ha?” hindi ko pa rin maintindihan nang kaniyang pinagsasabi.
Natawa lamang siya... at nabigla ako sa kaniyang ginawa, “You’re funny!” kinurot niya ang aking pisngi!!
Syempre ‘yong wlang bandahe.