PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
“Anong kahibangan ang naisip mo at ginawa mo ‘yan sa sarili mo?!” gigil akong sinermonan ni Tyler. Nandito na kami sa mansion, nakauwi na galing sa unbersidad.
“Eh, bakit ba kasi nais mong may mangyaring masama sa tatlong babae na iyon,” naghiganti rin ako ng sigaw. Ngayon ay nagmistula kaming palabas sa harap ng mga kasambahay, “Ako naman ang nasaktan,ah!”
“Do not ever dictate me, Nika. Hindi mo ba ako kilala?” tinuro niya ang kaniyang sarili, “I get what I want kaya h’wag mong tataasan ang boses mo sa akin!”
“Maging mabait ka naman, Tyler.” Sa wakas ay nagawa kong ikalma ang aking tinig. “Wala akong nais na masa sa kanila kahit na sinaktan pa nila ako. Sana respetuhin mo na lang ang gusrto ko.”
“Respetuin ka?” natawa siya nang sarkastiko ngunit halata pa rin ang galit sa kaniyang mukha, “Hindi ko iyon ginawa para sa ‘yo, ginawa ko iyon para sa akin!” huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, “Matutuloy ang nais ko nang walang sinuman ang haharang-harang sa aking dinadaanan.”
Sinasabi ko na nga ba, may plano siya sa ginawa niya kanina. Hindi niya iyon ginawa para sa akin, ginawa niya iyon upang maayos niyang maisagawa ang kaniyang misyon. Tama nga ako sa aking mga pinag-iisip.
“Wala ka nang magagawa,” mahina kong bigkas habang ang aking tingin ay nakatuon sa kawalan, “Sira na ang aking mukha.” Pagpapatuloy ko.
Umungol siya dala ng galit, “Get out!” tinuro niya ang napakalaking pinto ng masion, “Umalis ka na,” nagkasalubong nang husto ang kaniyang kilay, “UMALIS KA NA!”
Natingin ako sa kaniyang mga matang lumiliyab sa galit... galit, galit, tanging galit lamang ang nakikita ko sa kanioyang mga mata. Talagang napakasama niya. Hindi ko na makakayanan pang mamuhay kasama ang isang tulad niya.
Marahan akong tumango, at napaatras ng isang hakbang, “Sige,” walang-tutoln kong pagsang-ayon saka nagsimulang naglakad palabas.
Dahan-dahan lamang ang aking naging yapak... hanggang sa magkrus kami ni Tyler. Tiningnan ko siya nang matalium sa kaniyang mga mata, ganoon din ang ginawa niya. Nais kong sabihin sa kaniya na pagkatandaan niya ang araw na ito, dahil lahat ng kasamaang ginagawa niya s kaniyang kapwa ay babalik din sa kaniya.
Matagumpay kong nalampasan si Tyler, subalit ilang pulgada pa lang ang layo namin sa isa’t-isa nang bila akong nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo, “Argh” napaungol ako sa sakit at nahinto sa paglalakad.
~tiiiiiiiiiiiiing~
Bigla na lang ding nawala ang aking pandinig, kasabay no’n ay pagsayaw ng paligid, nahihilo ako. Ramdam kong nawala sa balanse ang aking katawan, mabuti na lang may kung sinong sumalo sa akin. Masyado akong hilo, at wala na akong matinong imaheng nakikita dahil lahat ay sumasayaw. Ano ang nangyayari?
Pumikit na lang ako upang hindi na mas lalong mahilo.
Ngunit, nadinig ko na naman ang tunog ng kampana ng Behovah sa aking pagpikit. Subalit, sa pagkakataong ito ay napakalakas ng tunong. Sobrang lakas, sobra! Na para bang ako ang mismong nagpapatunog nito.
“arghhh!’ mas lalo akong namilipit sa sakit at sa ingay na aking nadidinig.
**
Huni ng mga ibon, asul na langit at preskong hangin...
Nasa Behovah ba ako?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa damuhan. Ha? Bakit ako nasa damuhan at... teka, bakit ganito ang aking suot? Damtan ko ito, ah? Damtan ito ng isang Prinsesa, paanong suot ko ito?
Nakunot ang aking noo nang simulan kong igalaw ang aking mga paa, nilibot ko ang masaganang paligid. Behovah na Behovah ang dating ng lahat, magmula sa preskong hangin, hanggang sa ganda ng kapaligiran
Nakabalik na ba ako? Nahanap ko na ba si Amang Hari?
Naabot ko na ang pinakadulo ng lugar na ito, dagat ang kadulo-duluhan. Pero wala maski isang kapwa ko ang nagpakita sa akin. Tila nag-iisa lamang ako. Teka nga, paano ako napunta dito?
“Klero? Isidro?” isa-isa kong tinawag ang mga pangalang maaring responsaplse sa kung bakit ako nandito ngayon. Subalit ni hi ni hoy ay wala akong natanggap.
“Hay, nasaan ba ako? Mukhang wala naman ako sa behovah.” Sabi ko sa aking sarili.
Nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad, tahak ang ibang direksyon. Nagbabakasakaling may mahanap ako na makakatulong sa akin upang matukoy kung nasaan nga ba talaga ako.
Pasipa-sipa lang ako sa damuhan habang naglalakad, pero biglang...
“Ako ay labi na natutuwa sa iyon ginagawa, mahal kong Prinsesa.”
Isang umaalingawngaw na tinig ang lumitaw... Amang Hari? Si Ama nga iyon!
Nakaramdam ako ng labis na pagkagalak sa aking puso, dahilan upang mapalukso ako sa saya, “Nasaan ka, Amang Hari?” tanong ko sa kawalan.
“Lagi kitang binabantayan, anak ko.” Muli na namang umalingawngaw ang kaniyang tinig.
“Ama?” nilibot ko ng tingin ang paligid, “Nasaan ka?”
“Nais kitang mayakap, at makausap nang matagal subalit...”
Nakunot ang noo ko dahil sa kalungkutan, “Subalit bakit, Ama?” tanong ko nang hindi niya ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
“Subalit ikaw lang ang may kakayahan nito... ikaw lang ang tanging may kaya na kausapin ako... dahil maging ako, ay walang magawa...”
“Ano ang ibig niyong sabihin, Ama?” napaluhod na lamang ako sa damuhan dahil sa pighati.
Niyayakap na naman ako ng katotohanan na wala na ang aking ama, wala na ‘yong taong nagpapasensya sa akin nang husto, at wala na rin ‘yong karamay ko. Hindi langf ako ang apektado sa kaniyang pagkawala, kundi ang buong Behovah na sa kaniya lang umaasa.
Dahil isa akong walang kwentang Prinsesa... hindi ako karapatdapat sa damtan na ito... hindi ako para sa trono... wala akong silbi...
“Nais ko pang makipag-usap sa ‘yo, Prinsesa, subalit inilalayo mo na ako sa ‘yo...”
“Ama?” tumingala ako sa kalangitan, “Hindi totoo iyn, Ama! Hindi ko nais na malayo sa ‘yo! Hindoi ko nais na—“
Hidni ko natapos ang nais kong sabihin sa aking ama nang bigla akong hatakin ng napakalakas na hangin patalikod. Sa sobrang lakas ng hangin ay nahuhubad na ang aking damtan. Sinubukan kong pigilan ito gamit ang aking kapangyarihan subalit ako ay wlang kakayahan... hindi ko kaya.
Hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa aking katawan ang damtan.
“u-Uh,” hinawakan ko ang kumikirot kong ulo.
Nakarinig ako ng singhap,. “Gising na siya, gising na si Nika!” sigaw ng isang hindi ko kilala.