KABANATA 15: Isang Sikreto

1064 Words
TYLER'S POINT OF VIEW   "Kilala mo ba yung katabi mo kahapon?" ngumisi ako nang mala-demonyo, "Dapat ay akitin mo siya," sabi ko nang sumagi sa aking isipan ang pagtatagumppay sa aking plano.    namilog ang mga mata ni Nika nang kaniyang marinig ang aking sinabi, “Si V-Vax ba ang iyong tinutukoy?” mautal-utal niyang tanong.   “Oo,” sagot ko saka tiningnan ang kaniyang magiging reaksyon. Nakakatawa siya.   Agad agad naman siyang napailing na parang tutol na tutol sa aking sinabi, “Hindi po maaari, pinagbawalan ako ni Cheese na lumapit muli sa lalakeng iyon dahil ang sabi niya, mapanganib daw si Vax.”   Talagang napakachismosa ni Cheese, kung pwede lang putulan ang kaniyang dila ay ginawa ko na. “Ayst, bakit ka ba nagpapaniwala sa kaniya?” tanong ko sa inis na tono. Baka pumalpak pa ang akng plano dahil sa kadaldalan ng kaklase kong iyon.   Doesn’t she know na mas mapanganib pa ako kay Vax?   “Iyon lang kasi ang naiisip kong tamang gawin upang hindi na magkagulo,” nakayuko niyang sabi sa mabait na tono.   “Eh pano kapag tayong dalawa ang magkagulo, payag ka ba doon?” tanonhg ko saka muling napangisi nang maamoy ang kaniyang kaba at takot. Nakakatawa siya, natatawa ako sa mga taong kinatatakutan ako. Para silang mga butiki.   “Bakit ko ba kailangan a-akitin si Vax?” mautal-utal niyang tanong sa akin.   “Dahil gusto ko!”   “Bakit nga po?” ulit niyang tanong na siyang nagsanhi ng pagkainis sa akin.   “Basta!” I clicked kmy tongue, she is so damn annnoying! “Pumsok ka na sa kotse at gawin mo angresponsibilidad mo kung hindi palalayasin kita sa mansyon ko!” upon giving her the threat ay nauna na akong pumasok sa kotse. She can’t say no to me, hello, ako na ‘to. Ako si Tyler, and I always get what I want. Hindi lang ang babaeng labis kong iniiibig magmula pa noong mga bata pa kami... ang babaeng nasa kamay ni Vax ngayopn.   Yup!   Kaya ko gustong gamitin si Nika dahil nakikita ko ang potensyal sa kaniya upang maging isang ahas sa relasyon na nais kong sirain. I want Bleathe so damn much! At gagawin ko ang lahat upang maging akin siya.   Ang plano ko ay aakitin ni Nika si Vax, alam ko namang kaya niyang gawin iyon eh given the fact na maganda siya, makinis at mapouti, may kaunting pagka-slow nga lang lalo na kapag ginagamitan mo ng English na salita.   Kapag nagwagi ako, gagantimpalaan ko si Nika ng sarili niyang house and lot. Of course hindi siya magiging lugi sa akingf hihilingin.   Pumasok na si Nika sa loobv at nagsimula nang huimarurot ang Bugatti na aming sinasakyan. Sa loob ng ilang minuto nanming pagyabhe sa gitna ng nakakabinging tathiimik, sa wakas ay nakarating na kami sa university.     This is it, oobserbahan ko lang ang mga galaw ni Nika. Alam kong ito ay lingid sa kaniyang kagustuhan subalit wala siyang magagawa kundi sundin ako.”         ARUNIKA’S POINT OF VIEW   Tapos na ang klase, nagpaalam na sina Maggie at Cheese sa akin subalit hindi ko man lang nakikita si Tyler. Kanina ko pa siya hindi mahanap simula kaninang umaga. Ang huling pagkikita namin ay ‘yong paglabas namin ng sasakyan, pagkarapos no’n ay wala na.   Lumapit ako ng tarangkasan, nagbabakasakaling mahagillap ko si Tyler. Napakabaliw niya talaga, alam naman niyang hindi ko pa kayang umuwi nang mag-isa. Wala akong alam at hindi ko kaya. Hays.   Matyaga ko na lang siyang hinintay sa trangkahan. Pansin kong madaming tumitingin sa akin, nakakahiya tuloy. Alam kong naninibago ang lahat sa akin. Ngayon lang ba nagkaroon ng bagong mag-aaral ang paaralan na ito? Pansin kong halos laglag ang panga ng mga estudyante sa tuwing nababaling sa akin ang kanilang mga tingin.   “Nika,”   Yay! Halos lumabas na ang kaluluwa sa aking katawan nang biglang may kung sino ang kumalabit sa akin. P[paglingon ko ay nakita ko si Manong Driver. Agad na gumaan ang aking pakiramdam.   “Oh manong, nakita niyo po ba si Tyler?” tanong ko sa kaniya.   “Iyon nga rin ang pinagtataka ko eh,” natingin siya sa paligid, “Kanina ko pa siya hinahanap, mabuti na lang nahanap kita,” nabaling sa akin ang kaniyang tingin, “Hindi bat kayo ang magkasama, hindi niya ba nabanggit sa iyo kung saan siya pupunta?”   Umiling ako dahil hindi ko alamm kung saan nagtungo si Tyler, “Bigla na lang po siyang nawala simula pa kaninang umaga.”   “Naku saan kaya nagpadpad si Master?” tanong niya sa kaniyang sarili saka nag-isip sa loob ng ilang minuto. “Mukhang alam ko na kung nasaan siya, halika na sa sasakyan, Ija.” Pag-aaya nito na siya namang sinundan ko.   Hindi pa ba kami uuwi? Hahanapin pa ba namin si Tylker? Aysss naaman, pagod ako at nais ko nang magpahinga. Saan ba kasi nagpupunta ang taong yun? Pati ako ay nadadawit sa kabaliwan ng pag-iisip niya.   Nga pala, dahil alam kong wala si tyler, at hindi ko siya mahanap simula pa kanina; napag-isip-isip ko na wag na muna gawin yung pinaguutos niyang masama. Tutal wala naman siya upang banmtayan ako.   “Saan po kaya siya nagtungo?” tanong ko kay Manong habang siya ay nagmamaneho.   “malamang ay nasa basement siya ngb kaniyang mga ka-gang.”   “Basement? Gang? Ano po ba ang mga iyon?” mausisa kong tanong.   Tiningnan niya niya ako mula sa salamin, “Mallalaman mo rin mamaya,” mukhang wala siya sa mood upang sagutin ako.   Agad kong nirespeto ang kaniyang nais. Tumahimik ako at nag-abang na lang sa kung ano ang manyayari. Maya-maya pa’y napunta kami sa isang liblib na luggar. Napakunot na lamang ako ng noo habang sinisiyasayat ang bawat gilid nito, paano napadpad si Tyler sa lugar na ito? Tsaka isa pa, malayo ito sa aming paaralan.   Pinasok ni Manong ang sasakyan sa loob ng garahe na hatang luma na at puno ng dumi ang paligid. Agad na nagsitaasan ang aking mga balahibo sa aking nasaksihan. Anong klaseng lugar ito? Nakakasuka.   “Ija, hindi mo ba alam na si Master ay isang gangster ? hindi lang basta gangster, isa pa siyang leader. Dito ang basement nila. At kapag hindi ko siya mahagilap sa paaralan, dito ko siya hinahanap.”   “basement? Normal lang ba na maging nakakatakot ang mga basement ng gangster na sinasabi niyo po?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD