KABANATA 16: bar

787 Words
THIRD PERSON’s POINT OF VIEW Samu’t-saring makukulay na ilaw ang ngayon ay sumasayaw sa paligid. Hindi alam ng Prinsesa Arunika kung saan siya dila ng mga bago niyang kaibigan na siina Maggie at Cheese. Ngayon ay pangatlong araw ni Nika sa paaralan,. At saktong nagkaroon sila ng holiday. Sa halip na umuwi ng maaga at magpahinga, naisipan ng magkakaibiigan na pumunta sa videoke bar, bukod kay ni Nika na walang alam kung ano iyon. “Dapat maranasan mong maging masaya habang bata ka pa,” sabi ni Maggie na ngayon ay may hawak na gin. Umiinom din pala sila sa loob ng private room ng bar na nirentahan ni Cheese. “Oo nga, basta ‘wag ka lang maaaksidenteng muli gaya no’ng nangyari sa ‘yo.” Natatawang sabi ni Cheese, “Ohhh,” agad itong nagulat nang biglang mag-flash sa screen ng television ang kantang paborito niya, Kanta na ginawa ni Vanessa na pinaamagatang ‘A thousand Miles’. “Ibigay mo kay Nika ang Mic, nais ko siyang makitang kumanta, pakiusap!” sigaw ni Maggie na medyo tipsy na dahil sa gin. Ayos lang na mag-iingay, sila-sila lang ang makakarinig ng ingay nila sa private room na iyon. “H-Ha? Hindi ako kumakanta,” dali-daling umiling si Nika upang tanggihan iyon. “Sige sisimulan ko, basta ikaw na ang tumapos ha?” lasing na wika ni Cheese nang i-on niya ang kaniyang microphone. Magsasalita pa sana si Nika subalit nagsimula na ang kanta; “Making my way downtown...” panimulang kanta ni Cheese na nagpalaglag sa baba ni Nika. Maganda pala ang boses ni Cheese, hindi lang siya basta magandang babae, talented pa. Hinatak ni Maggie ang microphone at kinanta ang kasunod na linya, at isa pa ‘tong nagpalaglag sa baba ni Nika, maganda rin ang boses ni Maggie! Bigla tuloy nakaramdaam ng hiya sii Nika, pakiramdam niya ay ma-a-out of place siya sa mga singer na kasama niya. “Ikaw naman, Nika!” hinagis ni Mmaggie ang Mic kay nika, mabuti na lang ay nasalo niya ito. “Naku, hindi ako marunong nito” pagtanggi niya. “Sabayan mo lang ang tono, ssige na.” Wala nang naging choice si Nika kundi ang kantahin ang kantang hindi naman niya kabisado upang makisama sa mga bago niyang kaibigan. Nakunot ang noo niya nang ibaling niya ang kaniyang tingin sa dalawa, maging siya ay nabigla nang masabayan niya ang tono nang walang palya. at nagpatuloy si Nika sa kanta na kalaunan’y nagustuhan niya na rin. Napapasayaw at napapasabay na lang sa indak ang dalawang babaeng medyo lasing na, bukod kay Nika na hindi uminom. Soft drinks lang ang kaniya. "oh-oh...” Silang tatlo ay napatayo at patalon-talon habang kinakanta ang kantang nagpapatibok ng kanilang mga puso. Si Nika nama’y unti-unti nang nagugustuhan ang ritmo nito. Isang magandang bagay upang simulan ang misyon niya sa mundong ito. Nagkakaroon siya ng kaunting knowledge patungkol sa mundo ng mga tao sa pamamagitan nito. Si Nika ang may Hawak ng mic subalit silang tatlo ang naghihiyawan sa pagkanta. Nang matapos ang kanta ay walang lakas na napaupo sa sofa si Maggie At Cheese nang paunting nasasara ang mga mata. Namilog naman kaagad ang mata ni Nika nang makita iyon, “Ayos lang ba kayo?” tanong niya sa dalawa subalit wala siyang nakuhang sagot, “Naaku mukhang lasing na kayo.” “Where the hell have you been?” tanong ni Tyler na ngayon ay nakaupo sa single sofa ng kaniyang mansyon nang nakakrus ang mga braso. Gabi na at ngayon lang nakauwi si Nika nang nanganggamoy alak. “N-Nagkayayaan kasi sina Maggie at Cheese, napunta kami sa lugar na tinawag nilang bar.” Yukong sagot ni Nika sa nahihiyang tinig dahil alam niyang mali siya sa kaniyang nagawa, dahiil sa sobranmg pagkaaliw ay hindi na niya namalayan pa ang oras. “Nagkayayaan saan?” marahan na tumayo si Tyler at galit na hinarap si Nika. “S-Sa bar...” halata ang takot na nadarama ni Nika sa mismong oras na ito. Tyler took the vase on the table at tinapon iito sa pader dahil sa labis na pagkainis na nadarama, causing it to break into pieces. “NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO, NIKA?! ALAM MO BA KUNG ANONG KLASENG LUGAR IYON?!” sa pagkakataong ito ay hindi na nga napigilan ni Tyler ang kaniyang emosyon. Hindi na niya napiggilan ang kaniyang sarili sa pagsabog nang husto. Napalunok si Nika at halos mangiyak na sa nangyari, pakiramdam niya’y mmasasaktan siya ni Tyler. “P-Patawad, M-Master,” mautal-utal niyang paghingi ng tawad. “MAAARI KANG MA-RAPE SA LUGAR NA IYON! BAKLIT BA HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM?!” nabuo ang kaniyang kamao at nangalit ang kaniyang ngipin dahil sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD