PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
Isang kadustaan ang kasuotan na ito. Napakaikli ng aking palda, at napakasikip ng pantaas, kitang-kita ang hulma ng aking katawan. Hindi maaari, isang kahihiyan ang magsuot ng ganito!
“This is confidential, Miss Glenda. I hope hindi ito makarating sa ibang tao,” pabulong na sabi ni Tyler o Master, oh ano ba ang itatawag ko sa kaniya? Kasasabi niya lang kanina bago kami nagtungo rito sa paaralan ay h’wag ko raw siya tatawaging Master. Talagang mahirap basahin ang pag-iisip ng mga tao. Anong kabalastugan na naman kaya ang binabalak niya?
Sutil na bata.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kaagad na natingin sa akin, “Nika, tara na.” malamig niyang utos na siya namang sinundan ko.
Konting tiis na lang... makakaalis din ako rito kapag nahanap ko na ang aking pakay. Ayst, isa akong maharlikang Prinsesa! hindi ako nabuhay upang maging isang sunod-sunuran lang ng isang mortal na tao. Ito ay isang kahihiyan at kabalastugan!
Nang maisara na ang pinto ng silid, agad niya akong hinatak patungo sa sulok na wala masyadong tao. Marahan niya akong tinulak patungo sa pader, dahilan upang ako ay masandal dito. Tinitigan niya ako nang maigi sa aking mga mata, kaya tinitigan ko rin siya nang maigi sa kaniyang mga mata.
“Tandaan mo ito, ang pangalan mo ay Nika Muso,” bulong niya sa akin na para bang may malagim na sikreto siyang binubunyag. “Sige nga, ulitin mo.”
“huh?” napataas ako ng kilay, “A-Ako si Nika Muso,” sagot ko sabay turo sa aking sarili.
“Tama,” saglit siyang sumilip sa paligid bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Tandaan mo rin na hindi tayo magkakilala, okay? H’wag kang magtatanong sa akin, at h’wag mo rin akong kakausapin.” Aniya na siyang nagpalaglag sa aking panga.
“Subalit,” nakunot ang aking noo, “Madami pa akong hindi nalalaman tungkol sa lugar na ito.” Nilibot ko ang aking tingin sa buong lugar, “Kailangan ko ang ‘yong gabay, T-Tyler.” Wika ko at tila nahihirapan pang tawagin siya sa pangalan na iyon.
“Magtanong ka sa mga kaklase natin, basta h’wag sa akin.” Umayos siya sa kaniyang pagkakatayo at inayos rin ang kaniyang uniporme. “Now, sundan mo ako, pupunta tayo saa classroom natin.”
“Classroom?”
Bumuntong siya ng hininga sa inis, “Basta classroom! Tara na, sundan mo ako at h’wag kang didikiit.” Wika niya sa masungit na tinig at nagsimula nang maglakad.
Napasimangot na lamang ako at tahimik na sinundan ang kaniyang mga yapak nang nakayuko. Bakit ba ganiyan ang kaniyang ugali? Kung tutuusin ay pareho lang ang estado namin sa buhay, hindi rin ako pangkaraniwang mamamayan, subalit hindi naman ganiyan ang aking ugali (Gaya ng ugali niya). Marunong akong rumispeto at gumalang. Oo minsan makulit ako at nakakainis, pero hindi naman ako masama.
Maya-maya pa’y pumasok na siya sa isang silid. Hinintay ko pang lumipas ang dalawang minuto bago pumasok. Agad na dumampi sa aking balat ang malamig na hangin. Parehong-pareho ito sa artipisyal na hangin na naramdaman ko sa silid ni Tyler.
“Yes, Miss?” nabaling ang aking tingin sa babaeng nasa harapan ng mga mag-aaral na nakaupo sa kani-kanilang mga silya. Malamang ang babaeng ito ay ang kanilang guro.
“H-Ha?” napapikit ako ng maraming beses upang gisingin ang aking sarili. Ano ba ang tanong ng guro na iyon? Hindi ko kasi naintindihan, “A-Ano po, bagong mag-aaral niyo ako,” sagot ko sa tanong na hindi ko naintindihan.
“A transferee? Walang nabanggit si Miss Glenda na may transferee sa semester na ito,” kumibit siya ng balikat. Naku lagot, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tiningnan ko ang buong mag-aaral at hinanap si Tyler, naku po, tulungan niya sana akong makalusot dito. At ayon, nahagilap ko siya sa pinakasulok ng silid, nakayuko, nakatingin sa kaniyang kuwaderno at tila walang pakealam sa nangyayari! Ugh! Siya naman ang nagdala sa akin dito, dapat siya ‘yong tumutulong sa akin.
“A-Ano po, sabi n-niya sa akin kakausapin ka niya raw mamaya,” sabi ko sa halatang mautal-utal na tono. Naku po, nagsinungaling na naman ako.
“Ganoon ba? Hmm,” napaisip siyang saglit, “Sige, mamaya ko na lang kaklaruhin sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito.” Tumingin siya sa mga mag-aaral, “May vacant seat sa tabi ni Mr. Villar,” tinuro niya ang bakanteng silya na siya namang sinundan ko ng tingin, “Maaari ka nang maupo, Miss,” aniya.
Tumango ako at nagtungo sa nasabing silya nang nakayuko. Malamang ay nahihiya ako sa nangyari, napakabaliw ni Tyler upang gawin ito sa akin. Siguro ito ang kaniyang nais, ang pahiyain ako!
Bakit ba napaka-init ng dugo niya sa akin? Hindi ko naman sinasadya na mapadapad ako sa kaniyang silid. Hindi ko naman ginusto na magkrus ang aming landas. Bakit ba ganoon na lamang ang galit sa kaniyang puso? Hindi ba siya marunong umunawa? Hay naku.
“Maaari bang maupo?” tanong ko nang mahinahon sa lalakeng magiging kaupo ko, sa pagkakaalala ko, siya si Mr. Villar.
“Oh, sure,” umurong siya nang kaunti at mabait na inilapit sa akin ang aking magiging silya. Sana lahat ay may ganitong pag-uugali.
Ngumiti ako sa pasasalamat bago umupo.
“Ang ganda mo naman, saang paaralan ka nanggaling?” mausisang tanong sa akin ng babaeng may kulay abo na buhok na abot balikat ang baha. May kasama siyang isang babae na mukhang tahimik at mahinhin, ito ay may malaking salamin sa mata, nakatirintas ang itim niyang buhok, at maputla ang kaniyang mga labi.
Kakatunog lang nang malakas na kampana, dinig kong tinawag nila itong ‘bell’ hindi ako nakatitiyak, subalit sa palagay ko ay iyon ang basehan nila kung tapos na ang klase. Matapos na umalingawngaw ang nakakabinging tunog na iyon, agad na lamang nag-ayos ng gamit ang guro at nagpaalam. At itong dalawang babae naman ay agad na lumapit sa akin upang magtanong.
Saglit akong natingin sa kinauupuan ni Tyler, subalit wala na siya roon. Ang bilis naman niyang makaalis. Napalunok na lamang ako nang palihim at napatingin ulit sa dalawang dilag na ito. Ano ba ang aking isasagot?
“Ang totoo niyan,” mabuti na lang biglang sumagi sa akin ‘yong sinabi ko kay Shin noong isang araw. Alas, may maisasagot na ako. “Naaksidente kasi ako at nagkaroon ako ng diperensya sa aking utak,” hinawakan ko kaagad ang aking ulo, “Amnesia yata tawag nila ro’n. At ayon nga, napagdesisyonan ng mga magulang ko na ilipat ako ng paaralan.” Hay naku, hanggang kailan ko ba kailangang magsinungaling sa mundo na ito?
“Hala,” napatakip ng bibig ang babaeng may salamin, “Eh ngayon, kamusta na ang lagay mo?” ramdam ko ang awa sa kaniyang tinig.
“A-Ayos naman na ako,” ngumiti ako nang sapilitan.
“Bakit ka naman naaksidente?” talagang napakausisa ng babaeng kulay abo ang buhok. Heto’t mag-iisip na naman ako ng idadahilan.
“Ang totoo niyan, wala na talaga akong maalala,” at muli na naman ako nagpakita ng pekeng ngiti. Sana ay matapos na ang usapan na ito. Baka dagdagan pa nila ito ng panibagong tanong.
“Oo nga kasi Cheese, nagka-amnesia nga siya, ‘di ba?” sinikuhan ng babaeng may salamin ang babaeng kulay abo ang buhok. “Stop asking questions to her, you might cause stress and pressure to her.”
Kumibit lamang ng balikat ang babaeng kulay abo ang buhok na nagngangalang Cheese. “Okay,” anito sa kaniyang kasama saka muling ibinaling ang tingin sa akin, “Anyway, may kasama ka bang magla-lunch ngayon?” tanong niya sa akin.
“Lunch?” ulit ko sa salitang hindi ko naintindihan.
“Yeah, lunch,” ang babaeng may salamin naman ang nagsalita.
Nagpalipat-lipat tuloy ako ng tingin sa kanilang dalawa, “Anong lunch?” matapang kong naitanong. Hindi ko naman kasi maintindihan ang salitang iyon. Ni hindi ko nga alam kung may iba pang salita ang mga tao bukod sa salitang English.
Agad silang nagkatinginan sa isa’t-isa na may pagtataka sa kanilang mga mata, “You mean to tell us you don’t know what lunch is?” tanong ni Cheese.
“Lunch ay...” sinubukang magpaliwanag no’ng babaeng may salamin subalit natingin lamang siya kay Cheese, “Ano nga ba ang lunch sa Filipino?” tanong niya rito.
“Aba malay ko sa ‘yo, bilang isang Pilipino, dapat alam mo ‘yan.”
“Pilipino ka rin naman, ah. Hindi mo rin naman alam.”
“This face?” tinuro ni Cheese ang kaniyang mukha, “Sinasabi mo bang Pilipino ‘to?” sarkastiko niyang tanong sa kaniyang kasama.
Inikutan lamang siya nito ng mata, “Stop it, Cheese. You are 75% Pilipino. Natyambahan lang na nakuha mo ‘yong mukha ng Lola mong Japanese,” pagbuking nito.
“Hays!” napabuntong ng hininga si Cheese, “Okay, ano nga bang pangalan mo? Hindi ka kasi nag-introduce kanina.” Panibagong tanong na naman ang kaniyang tinira.
“Nika Muso,” sagot ko nang maalala ko ‘yong habilin sa akin ni Tyler kanina.
“Okay Nika, may kasama ka ba sa pagkain ngayon?” tanong ni Cheese.
“That’s way better,” bulong no’ng babaeng may salamin subalit dinig ko iyon.
“Uhm... wala eh, saan ba pwedeng kumain dito?” tanong ko.
“Tara, sumama ka sa amin.” Hinawakan ni Cheese ang aking braso, “And from now on, the three of us will be trio.”
“Yeah, that’s cool!” agad akong niyakap no’ng babaeng may salamin, at agad din namang kumalas, “Anyway, I’m Maggie.”
“Noodles for short,” pabirong wika ni Cheese.
“At siya naman,” tinuro ni Maggie ang mukha ni Cheese, “Keso for short.”