KABANATA 8: Timang na Prinsesa

793 Words
ARUNIKA'S POINT OF VIEW "Tigil!" Napapikit na lamang ako ng mga mata dahil masakit na ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso. Tila nais na niya akong patayin sa pamamagitan no'n. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na gamitan siya ng mahika. Huli ko na napagtanto ang aking ginawa. Namilog ang aking mga mata nang makitang nakahandusay na si Master sa sahig at namimilipit sa sakit. Kara-karaka ko siyang nilapitan. "Master, master, patawad!" Naku, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano na ito ngayon? Anong gagawin ko kay Master? Sinubukan ko siyang tulungan na makatayo subalit tinulak niya lamang ako palayo at saka namilipit siyang muli sa sakit. Naku po! Agad kong tiningnan ang paligid, walang nakaaligid na tauhan. Mabuti naman! Muli kong nilapitan si Master at sinabing, "Master, patawad pero kailangan po kitang patulugin," pagkatapos ay ginawa ko na ang aking mahika. Pinatulog ko si Master at ginamit ang kakayahan kong itago ang aming sarili. Kahit papaano ay may natutunan din ako sa Behovah, katulad na lamang nito. Ang mahikang gaya nito ay madali na lang para sa akin. Pinalutang ko sa hangin ang natutulog na katawan ni Master, at dinala sa kaniyang silid. Mabuti na lang bukas ang kaniyang pinto, hindi na ako nahirapang buksan ito. Dahan-dahan lamang ang aking naging galaw dahil kahit hindi kami nakikita ng mga tao, nandito pa rin kami. Hindi kami naging kaluluwa na tumatagos sa mga pader. Kung may mababangga kami, mararamdaman ito ng sinumang mabangga namin subalit hindi nila kami makikita. "Bahthìa..." bulong ko nang kumutan ko si Master. Ilang segundo lang ay bumalik na ito sa kaniyang anyo, nakikita na siyang muli. Pero syempre, nanatili akong hindi nakikita dahil lalabas pa ako, baka may makakita sa akin. Tsk. Napailing na lamang ako nang sumagi sa aking isipan ang kalokohang ginawa ko. Hindi ba nga, bawal ko gamitin ang aking kapangyarihan sa mundo ng mga tao? Kinatok ko ang aking ulo, "Itatak mo 'yan sa kokote mo, Arunika. Baka mamaya hindi ka na makabalik ng Behovah." Parang timang na kinausap ko ang aking sarili. Saglit akong natingin sa makinis na mukha ni Master at napabuntong ng hininga. Sana sa paggising niya ay hindi na niya maalala ang tungkol sa nangyari kanina. Wala pa naman akong kakayahang magbura ng alaala. Tsk. Tatlong beses akong umiling at nag-isip kung paano ko masosolusyonan ang problemang ito. Hanggang sa naka-isip ako ng ideya. Tanda ko noon, kapag daw naaaksidente ang isang tao, kapag nabagok ang ulo, syempre dudugo ito nang napakarami. Tapos isusugod daw sila sa pagamutang tinawag nilang Ospital. Pagkatapos no'n, magkakaroon sila ng komplikasyon sa kanilang utak, karamihan ay nagkakaroon ng sakit na tinawag nilang amnesia. Nawawala raw ang ala-ala ng mga taong may ganoong sakit. "Hmm," napahawak ako sa aking baba, "Habang tulog pa si Master, may oras pa ako upang paluin nang malakas ang kaniyang ulo. Dudugo ito," inobserbahan ko ang kaniyang katawan, "Maliligo siya sa dugo. Pagkatapos ay isusugod siya sa pagamutan, at magkakaroon siya ng amnesia." Unti-unting nabuo ang kurba sa aking labi, "Mukhang magandang ideya ito. Hindi ko na kailangan ng mahika upang mabura ko sa kaniyang alaala ang tungkol sa nangyari kanina." Tiningnan ko ang paligid ng kaniyang silid at may nahagilap akong isang bote na may mga disenyo. Naglakad ako patungo rito at kinuha iyon, tamang-tama, matigas ito. "Hmm, napakaganda naman nito upang gamitin ko." Sabi ko nang mamangha ako sa disenyo ng bote na iyon. Maraming magagandang bagay sa mundo ng mga tao. Sa katunayan ay kanina pa ako manghang-mangha. Muli kong inayos ang bote, at naghanap na lamang ng iba pang magagamit. Hmm, alin kaya rito ang magandang gamitin? Paisa-isa kong tiningnan ang mga kagamitan hanggang sa madapo ang aking tingin sa isang munting litrato. Hmm, kinuha ko iyon at tiningnan. Litrato ito ni Master, may kasama siyang matanda na kamukha niya. Siguro ay ama niya ito, pero bakit may kulang? Nasaan ang kaniyang ina? "Halaka, naiwan ni Master na bukas ang pinto," agad akong naalerto nang may narinig akong boses mula sa labas. Naku po. Agad agad ako nagtago sa gilid ng isang malaking mesa kasabay ng pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa kaba na nadama. Pahapyaw akong sumilip sa pintuan upang maaninag mga taong nag salita, subalit napakamot ako sa aking batok nang mapagtanto na ako ay invisible pala. Naku po mukhang na titimang yata ako sobrang lutang ko na. Kanina nakalimutan ko ang tungkol sa mahika, tapos ngayon tatago-tago ako gayong may mahika naman ako sa aking katawan. "Isara mo dali, baka mamaya may mawala pa. Tayong lahat pagagalitan 'pag nagkataon." "Ayaw ko nga, tawagin mo si Ningning, siya na magsara." "Bakit ako? Ikaw na tumawag." Pagkatapos ay dinig ko ang mga yapak nilang dalawa na palayo sa silid. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD