KABANATA 9: Pagpapalusot

1015 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Gumising ang binatang si Tyler na kumikirot ang buong katawan. Mas lalo ang ang bandang spinal cord nito. Uminat siya subalit napakasakit ng kaniyang katawan, "A-Ah... tawagin niyo nga si Ningning," nanghihinang utos nito sa lalakeng maid. Yumuko ang lalake sa harap ng binata, "Masusunod," saka bigla na lamang itong naglaho sa paningin ni Tyler. Maya-maya pa'y bumalik na ito kasama si Ningning. Nakaramdam kaagad ng kaginhawaan si Tyler nang makita niya ang kabuohan ni Ningning kahit wala pa itong ginagawa sa kaniya, sa wakas ay mahihilot siya nito. Magaling na manghihilot si Ningning. "Ningning, pakitingin nga ng likuran ko, masyadong——" natigil sa pagsasalita si Tyler nang makitang may taong nagtatago sa likod ni Ningning. Nakunot ang noo ng binata nang sadyain niyang tingnan kung sino ang taong iyon, "Ikaw?! Bakit ka nagtatago?" Inis niyang tanong kay Arunika. Tiningan niya ito from head to toe, "Aba, suot mo pa ang damit ng Mommy ko, ihubad mo 'yan!" Napakasama talaga ng ugali ni Tyler. "Master, ako po ang nagpasuot sa kaniya niyan, pagbigyan niyo na po," bahagyang yumuko si Ningning. "Again?" Napaikot na lamang ng mata si Tyler dahil humihingi na naman ng pabor si Ningning. Pangalawang beses na ito, at ito ay nakakairita na para kay Tyler. Baka may susunod pa sa pabor na ito. "HAYS! Paalisin mo na lang siya sa aking harapan bago uminit ang dugo ko!" Nanggigigil niyang utos kahit namimilipit na sa sakit ay g na g pa rin ang galit ng binata. Nabuo naman ang nguso ng Prinsesa dahil sa narinig nito, "Ganoon ba talaga katindi ang galit niya sa akin?" Tanong nito sa sarili, "Tama nga ang klero, maraming masasama sa mundo ng mga tao. Teka, naaalala niya kaya 'yong nangyari kahapon? Alam niya kayang ako ang may kagagawan sa sakit na nararamdaman niya ngayon? Hmmm, mukha namang hindi." Humarap si Ningning kay Arunika, "Arunika, do'n mo na lang ako hintayin sa labas ng silid, ayos lang ba?" Mahinahong pakiusap ni Ningning. Pumakawala ng maaliwalas na ngiti ang Prinsesa, "Walang anuman, Ningning." Bahagya siyang yumuko at agarang lumabas ng silid. "Ang daming masasamang tao, dalawang araw pa lang ako pero napapalibutan na ako ng mga masasama," madaldal niyang kinausap ang sarili habang inaaliw ang sarili sa mga tanawin ng mansyon, "Isa na 'yang si Tyler, o Master. Ay ewan ko, ang dami niyang pangalan. Sobra siyang galit sa akin, wala naman akong ginagawa, bukod sa napadpad ako sa silid niya." Bumuntong siya ng hininga saka mabagal na naglakad patungo sa kanan, "Bakit ba kasi do'n ako dinala no'ng Klero? Ayan, napahamak tuloy ako. Pero... mabuti na rin iyon. Siguro kung hindi ako rito napadpad, baka sa lansangan na ako nagpalipas ng gabi." Patuloy niyang kinausap ang kaniyang sarili. "Hindi ako dapat magtagal dito," sa pagkakataong iyon ay sumagi sa isip ng Prinsesa ang reyalidad at katotohanan kung bakit siya nasa mundo ng mga tao at nakikipagsapalaran. "Dapat simulan ko na ang paghahanap sa kaluluwa ng amang hari bago pa mawalan ng buhay ang Bolang Araw." Habang nasa malalim na pag-iisip si Arunika ay bigla na lamang siyang inistorbo no'ng isang katulong, "Alam mo ba," napaatras ang Prinsesa dahil sa gulat. Kinapa niya ang kaniyang dibdib at lumingon sa katulong, "Ikaw lang ang gumawa n'yan kay Master," pagpapatuloy no'ng katulong. "Hay, nakakagulat ka naman po," sabi ni Arunika na may malakas na kabog sa dibdib. "Nagulat ba kita? Patawad. Kahapon pa sana kita gustong maka-usap eh," anito saka ngumuso, "Eh kaso masyado kayong mainit kahapon. Hindi ko nakuha ang tyansa na makausap ka." Pagpapatuloy nito. "Bakit niyo po ako nais makausap?" Curious na tanong ng Prinsesa. "Nais ko lang," kumibit ito ng balikat, "Nagustuhan ko kasi ang fighting spirit mo. Gusto kita maging kaibigan," nabuo ang kurba sa labi nito. "Fighting spirit?" Pag-ulit ng prinsesa sa salitang hi di niya naintindihan. "Fighting spirit," tumango ito, "Hindi mo ba alam ang salitang fighting spirit?" Umiling ang Prinsesa from left to right, "Hindi." Napasinghap ang katulong at napatakip ng bibig, "Hindi ka nakakaintindi ng salitang English?" Tanong nito na siyang muling nagpailing sa Prinsesa, "Pero, makinis ka, maganda ka, kutis mayaman ka," anito nang mabaling ang tingin sa kutis ng Prinsesa, "Paanong hindi ka marunong magsalita ng English?" Mausisang tanong nito. Kumibit lamang ng balikat ang prinsipe, "Hindi ko rin alam eh, hindi ako naturuan." "Bakit? Tagasaan ba ang mga magulang mo? Ano ang trabaho nila? Bakot hindi ka naturuan ng English?" Sunod-sunod na tanong ng katulong halatang interesado sa buhay ni Arunika. Napalunok nang palihim si Arunika subalit hindi niya ito pinahalata. Sa mabuting palad ay gumana ang kaniyang utak. Nagawa niyang makapag-isip kaagad ng magandang maisasagot sa katanubgang iyon. "Ahh, ehh, ano kasi... naaksidente ako noon." Tumango siya, "Oo, naaksidente ako. Nabagok ang ulo ko kaya nagkaroon ako ng amnesia." Palusot niya. Good thing na naisip niya ang tungkol sa bagay na ito kagabi. Muling napasinghap ang katulong at napatakip na naman ng bibig, "Kawawa ka naman!" Pagpapakita nito ng simpatya. "Oo, kawawa ako. Alam mo ba, marami akong nakalimutan sa mundong ito," lumapit ng isang hakbang ang prinsipe sa katulong at inakbayan ito, "Nakalimutan ko ang pangalan ko, mukha ng mga magulang ko, pati nga ang salitang English nakalimutan ko!" Pagsisinungaling nito na siya namang pinaniniwalaan ng katulong. "Naku, kawawa ka naman pala talaga," kumunot ang noo ng katulong dahil sa awa. "Kamusta ka, maayos na ba ulo mo?" "Oo, eh kaso..." napakamot siya sa batok, "Ayon nga, may mga bagay akong hindi na maalala." "Naku! Tsk. H'wag ka mag-alala, tutulungan kitang maka-alala. Ako nga pala si Shin," inabot niya ang kamay sa Prinsesa. Tiningnan lamang ito ni Arunika, "Anong gagawin ko d'yan?" Tanong niya habang nanatiling nakatingin sa kamay ng katulong. "Shake hands ang tawag dito," kinuha nito ang kamay ni Arunika at tinuruan kung paano makipag-shakehands, "Ginagawa ito kadalasan kapag nakikipagkilala, o di kaya kapag nakikipagsundo." "Ahhh," marahang napatango sa mangha ang Prinsesa, "Ang galing noh?" "Grabe naman pala ang pagka-bagok sa ulo mo, pati ba naman ang pag-shakehands na natural sa mga tao ay nakalimutan mo na rin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD