PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW
Nakayuko lamang ako na naglakad patungo sa kotse, ngayon ay uwian na namin. Dahil nga sa nangyari, hindi na ako pinahintulutan ng nurse sa clinicna bumalik pa sa aking klase. Ang sabi niya ay mas mabuting doon na lang muna ako para abilis mawala ‘yong matinding pamumula ng aking pisngi.
Sinunod ko ang kaniyang sinabi, hindi na ako pumasok pero sina Maggie at Cheese ay pumasok pa rin... wala naman ssilang nararamdamang masama upang lumiban sa klase.
Siguro ay nasa bandang alas sinco na ngayon.
“Kamusta, Nika?” bungad na tanong sa akin ni Manong na ngayon ay nakasandal sa kotse, “Kanina ka pa namin hinihintay.” Wika niya nang nakangiti.
“Maayos naman po. Sino naman ang kasama niyong naghintay?” tanong ko sa walang ganang tono.
“Si Master,” bulong niyaa.
Tila nawala kaagad ang aking pagkalanta nang malaman kong nasa loob pala ng kotse si Tyler, hinihintay ako. Naku po, hindi niya alam ang tungkol sa nangyari sa akin. Paniguradong sesermonan na naman niya ako.
Lumunok ako ng laway bago pumasok sa loob ng kotse, “T-Tyler,’ nauutal kong pagtaawag sa kaniya nang magtama ang aming tingin.
“Where have you been?’ kalmado niyang tanong, subalit ramdam ko ang nakakakilabot niyang aura.
“Sa cilinc,” matapat kong sinagot ang kaniyang tanong.
“Clinic? what the fvck were you doing there?” tanong niya sa nanliliit na mata. Salitang English iyon subalit alam ko ang nais niyang itanong sa akin.
“Tyler,” napahawak ako sa pisngi ko kung saan ako nasampal no’ng babae, “Nasampal ako, napakasakit ng sampal na iyon. Kaya isinugod nila ako sa clinic,” sagot ko, sinusubukan kong ipaintindi sa kaniya ‘yong naging sitwasyon. Tunay at totoo iyon, sana maniwala siya at makonsensya sa mag ginagawa niya sa akin.
“Sinampal?” muling nanliit ang kaniyang mga mata, “Sino ang may gawa sa ‘yo niyan?”
Bumuntong ako ng hininga dahil nakukunsumisyon ako akapag naaalala ko kung bakit ako nasampal, “Sabi ni Cheese, mga fans daw ni Vax ang may gawa no’n.” umiwas ako ng tingin sa kaniya at umayos na lang sa aking pag-upo.
Kung iisipin, si Tyler naman tralaga ang may kasalanan ng lahat. Kaya ko namang sundin ang mga sinasabi ni Cheese na mamakabuti ssa akin eh, kaso itong si Tyler may masamang pinapagawa sa akin na labag sa aking kagustuhan. Wala rin naman akong magagwa kundi ang sumunod dahil nakikitira lang ako sa kaniya. Kahit masama siya sa akin, kahit papaano ay may utang na loob pa rin ako sa kaniya.
“Ganoon ba?” napangisi kang si Tyler saka sinilip si manong na nasa labas pa rin, “Tara na sa mansion, Manong.” Utos niya.
Malaya niyang naipapakita ang kaniyang sarili sa dakong ito dahil walang masyadong estudyanteng napupunta rito. Matalino rin pala si Tyler. Ayaw niya kasingh may makaalam na may koneksyon siya sa akin.
At pagkatapos no’n ay hindi na siya muli gumawa ng ingay. Nakakabinging ingay ang namamayagpag sa loob ng kotse habang kami ay poatungo ng mansion. Hindi ko alam kung ang kintatahimik ni Tuler, pansin ko na lang habang nasa daan kami ay kusa na lang siyang napapatawa nang kusa. Mukhang may iniisip siyang kung ano.
Bahala na siya. Ayaw kong alamin kung ano ang iniisip niya.
Sa gitna ng hating gabi, habang dumadagundong ang ulan sa labas ay kusa na lang napabukas ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin, napakalakas naman pala ng ulan, nagising tuloy.
Pinilit kong makatulog muli sa pamamagitan ng pagbalot ng aking sarili sa loob ng kumot. Subalit ilang segundo pa lang akong nakapikit ay may kung ano na kaagad akong narinig, alam kong hindi ito pangkaraniwang tunog...
Mahina ito sa aking pandinig, mukhang nas malayong dako subalit naririnig ko ito nang klaro. Napangon ako mula sa aking kinahihigaan nang ma kunot sa aking noo, saan kaya nanggagagling ang tunog na iyon.
Sa buongf buhay ko, ito pa lang ang pangatlong bese na narinig ko ang tunog na niyon... tunog ng kampana ng Behovah.
Huli ko itong narinig no’ng araw ng pagkawala ni Amang Hari... ano ang ibig sabihin ng tunog na ito? Bakit naririnig ko ito sa mundo ng mga tao?
Lumakas ang kabog ng aking dibdib, dahilan upang mapataypo ako at lumabas ng silid. Napakadilim ng buong [paligid, subalit dahil sa tulong ng kidlat sa labas ay nagawa kong makita ang mga bagay na nasa paligid.
Ang nakakapagtaka ay, paglabas ko ng aming silid ay mas lalong lumakas ang tunog ng kampana. Parehong-pareho ito sa kampana ng Behovah.
Kailangan kong malaman kung saan ito nanggagaling... at kung bakit may ganito akong nadidinig.
Habang palayo ako nang palayo sa aking silid ay palakas nang palakas ang tunog ng kampana. Hanggang sa nasaksihan kong patungo sa taas ng mansyon ang tunog. Ano ang ibig sabihin nito?
Ako ay humakbang pataas ng hagdan, sumalit may kung anong tumulak sa akin pababa, hindi ko ito makita. Dahil sa pagkatulak na iyon ay nadulas ako at nahulog sa hagdan.
Namilipit ako sa sakit, nagiba ang aking mukha nang sinubukan kong indahin ang sakit.