THIRD PERSON’S POINT OF VIEW
“Hoy,” napalingon sa paligid ang Prinsesa nang marinig niya ang isang sigaw na halata namang mula kay Tyler.
“Bakit?” tanong niya rito sa nahihiyang tono nang makita niya kung saan ang kinaroroonan nito, “May kailangan ka ba?” dagdag na tanong ng Prinsesa.
“Today is Monday,” wika ni Tyler saka marahang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Nika. “And you know I hate you, right?” tanong nito saka nanliit ang tingin sa dalaga.
“Uhmm...” umiwas na lamang siya ng tingin, “Maari bang ulitin mo ang iyong sinabi sa wika natin?” pakiusap ni Nika sa pinaka-humble na tono. Aayaw niya kasing mainis na namn si Tyler sa kaniya, at baka masaktan na naman niya ito nang hindi sinasadya.
Bumuntong ng mahabang hininga ang binata saka natingin sa kalanggitan nang mapunta sa kaniyang beywang ang magkabila niyang kamay, “Oo nga pala, dinig ko ang usap-usapan ng mga katulong na ikaw daw ay naaksidente at nagkaroon ng amnesia,” doon ay muling nabaling ang tingin ng binata kay Nika, “Tama ba iyon o ikaw ay nagsisinungaling lamang?”
Napalunok si Nika sa tanong na iyon, dahil alam niyang bawal magsinungaling subalit kinakailangan niya itong gawin alang-alang sa misyon niya sa mundo ng mga tao, “O-Opo,” mautal-utal niyang sagot, “Kaya pasensya na po kung minsan ay mukha akong mangmang kausapin dahil—“ hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay pinutol na kaagad ni Tyler ang kaniyang sasabihin.
“Oo nga, mukha kang isang mangmang na mula sa sinaunang panahon,” he sighed, “Paano ka nga ba napunta sa aking silid?” curious nitong tanong.
“A-Ano, kasi...” napakamot na lamang sa batok si Nika, ano nga ba ang kaniyang isasagot sa tanong na ito? Paano nga ba siya napadpad sa secured na lugar gaya ng silid ng anak ng presidente?
“Ayst!” bakit ba kasi sa lahat ng lugar na maaari kong paglagyan ay doon pa ako napunta sa silid ng anak ng presidente?!” mangini-inis na tanong ng Prinsesa sa kaniyang sarili.
“Tsk!” Tyler clicked his tongue, “’Wag mo nang ipagpatuloy, alam ko namang pagnanakaw ang motibo mo.” Nanlaki ang mga mata ni Nika sa kaniyang narinig, nais niyang magsalita at itama ang akala ni Tyler subalit hindi siya nagkaroon ng tyansa, “Anyway, dahil nga wala ka nang alam sa mundo, I demand you to go with me.” Utos ng binata sa bossy na paraan.
“I demand you to... ha? Ano po iyon?”
Napaikot na lamang ng mata si Tyler, “Inuutusan kitang sumama sa akin.” Madiin nitong inulit ang nais nitong ipahatid kay Nika.
“Sasama saan po, Master?” tanong ng dalaga.
“Sa paaralan ko.” Matipid nitong sagot.
“Whoa,” agad na namangha ang dalaga, “Ibig sabihin ay may mga libro doon, tama ba?” nae-excite niyang tanong.
“Oo,” tumalikod ito, “Magpatulong ka kay Ningning sa pagbibihis. In-orderan na kita ng uniform mo,” wika nito saka nagsimulang nagllakad pallayo.
“Uniform? Ano po iyon?” karagdagang tanong ni Nika subalit hindi na siya nakatanggap pa ng sagot mula kay Tyler dahil malayo na ito sa kaniya. Muli na lamang napakamot ng batok si Nika aat humarap sa entrance ng mansyon.
“May masama ba siyang plano sa akin?” tanong niya sa kaniyang sarili saka naglakad patungo sa looban ng mansyon. “Sana ay nakakabasa na lang ako ng isip, sa ganoong lagay ay malalaman ko kung ano nga ba ang dapat kong gawin.”
Pagkapasok sa loob ay hinanap niya kaagad si Ningning, at ito ay natagpuan niya sa silid nila na namamlansya ng puting damin na may halong kulay asul sa gilid na ito, “Ningning, pinapapunta po ako ni Master sa ‘yo.” Bungad niya kay Ningning.
“Ay oo,” kaagad na nabuo ang malapad na ngiti sa mukha ni Ningning nang mapunta ang tingin nito kay Nika, “Alam mo ba, ipapasok ka ni Master sa unibersidad na kaniyang pinapasukan.” Kinikilig nitong bigkas.
“Po?” subalit nakunot lamang ang noo ni Nika, “Anong uniberdad?”
“Unibersidad,” pagtatama nito, “Isa iyong uri ng paaralan. Maganda do’n, at pili lamang ang mga estudyanteng nakakapasok doon. Pero dahil malakas si Master sa unibersidad na iyon, nagawa ka niyang isingit.”
“Ibig sabihin ba noon ay magiging mag-aaral ako?” tinuro ng Prinsesa anng kaniyang sarili. Oo, nais niyang magbasa ng mga libro upang madagdagan ang kaniyang nalalaman tungkol sa mundo ng mga tao, subalit hindi niya hangad ang maging isang mag-aaral. Mahirap maging isang mag-aaral! Tsaka, hindi siya naparito upang maging mag-aaral.
“Mismo!” tumalikod si Ningning saka kinuka ang damit na pinlansyya nito, “Heto ang magiging uniporme mo,” pinakita niya sa Prinsesa ang cute na damit.
“Subalit, ayaw ko po maging mag-aaral.”
“At bakit hindi?” nawala ang ngiti sa labi ni Ningning, “Alam mo ba na ang pag-aaral ay ang susi para sa ating kinabukasan? Maraming tao ang naghahangad na makapag-aral.”
“Iba po ako,” napasimangot siya, “Ayaw ko po talaga, pakiusap pilitin niyo si Master na h’wag akong isama.” Umupo siiya sa kama saka sumimangot nang husto.
“Hindi manyayari iyan, nais ko ang makakabuti sa iyo.” Nagtinig nanay si Ningning, “Ako ang humingi ng pabor na patuluyin ka sa mannsyon na ito, kaya ako ang in-charge sa iyo. Ako na ang magiging nanay mo.”
“In-charge?” tanong ni Nika.
“Oo, kumbaga, ako ang bahala sa iyo.”
“Pero Ningning, ayaw ko po talaga.”
“Bakit ayaw mo? Hindi ka ba naawa sa sarili mo na wala man lang kaalam-alam?” nanlaki tuloy ang mga mata ng Prinsesa sa kaniyang narinig.
“Naku, kung alam mo lang na ako ay isang Prinsesa ng Behovah na itinakda upang maging Reyna, baka maintindihan mo ang aking sitwasyon,” wika niya sa kaniyang sarili.
Napabuntong na lamang siya ng hininga, “Sa palagay ko ay wala na akong magagawa,” walang-gana na tumayo si Nika mula sa pagkakauop at naisip na gagawin niya ang bagay na ito upang pagtingin ng utang na loob sa ginawa ni Ningning para sa kaniya. “Maliligo na ba ako?”
Tumango si Ningning, “Oo, at maghanda ka na dahil ayaw ni Master na pinaghihintay siya. Nga pala, sasabay ka sa service niya.”
“Service?”
“Hay naku, basta, mahirap ipaliwanag. Maligo ka na at maghanda.” Utos ni Ningning na siya namang sinunod ni Prinsesa Arunika, o mas kilalang Nika sa mundo ng mga tao.