KABANATA 17: Unang Beses

1067 Words
PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW Hindi naman kasi siya nagpakita ulit kahapon eh, kaya inisip ko na siguro ayos lang kung sumama ako kila Maggie at Cheese. No’ng isang araw, noong pumunta kami ni Manong sa lugar na tinatawag niyang basement, nakiusap ako na umuwi na lang kami at ‘wag nang magpatuloy pa sa kaniyang binabalak. Naisip ko kasi na baka kaya hindi nagpaalam si Tyler eh dahil ayaw niyang may nakaalamm kung saan siya. Kaya hinayaan nalang namin. Naisip ko na baka ayos lang kung gagano’n din ako, tutal gano’n naman ang kaniyang ginagawa, eh. Hindi ko naman din inaasahan na aabutan kami ng gabi at hindi ko rin naman alam na masama ppala magpunta sa bar. Wala namang kaming lalakeng nakasama, wala namang masasama, sadyang labis-labis lamang ang kanilang pag-iisip. Lalo na si Tyler na halos sumabog na sa pagsermon sa akin. Hays, hindi tuloy ako nakatulog nang maayos kahapon, iniiisip ko na baka palayasin na ako ni Tyler sa kaniyang munting bahay na maraming palamuti. Wala akong matutuluyan, at hindi pa ganoon kadami ang aking nalalaman tungkol sa mundo ng mga tao upang makayanan ko nang mag-isa. Aminin ko man sa dili, kailangan ko ng tao upang matagumpay kong magawa ang aking misyong paghahanap sa nawawalang kaluluwa ng aking Amang Hari. Ngayon ay pang-apat na araw ko na sa paaralan, at alam niyo ba? Sabi ni Tyler ay susbaybayan niya na raw ang aking galaw magmula ngayon. Ibig sabihin ay simula sa araw na ito ay dapat ko nang akitin si Vax, naku po! Wala pa naman akong talento sa pag-aakit at hindi ko alam kung paano ginagawa iyon. Umayos ka Nika... Hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi ni Tyler bago kami pumasok sa loob ng silid aralan. Tiningnan niya ako nang masama na para bang lalamunin niya ako nang buhay kapag may nagawa akong mali. Hay naku, bakit ba sa lahat ng tao, sa kaniya pa ako napunta? Nang makapasok na ako sa loob, ang unang tiningan ko ay si Vax na tahimik lang na nakaupo habang nagbabasa ng aklat. Hinawakan ko nang mahigpit ang bag na bigay sa akin ni Tyler, huminga ako nang malalim at sinabi sa sarili ko, “Kaya ko to.” At pagkatapos ay lakas loob akong umupo sa tabi ni Vax. Kitang-kita ko ang pagdapo ng tingin sa akin ni Tyler, para bang binabalaan niya akong muli. Hays. “Magandang umaga,” bati ko kay Vax. Tumingin siya sa akin nang ilapag niya sa kaniyang lamesita ang librong kaniyang hawak, “Magandang umaga rin,” pabalik njyang bati saka ngumiti. Para sa akin, mabait naman si Vax. Hindi ko nakikita sa kaniyang pagkatao ‘yong tipong kayang manakit ng kapwa. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging ugali ng kaniyang mga fans gayong hindi naman masama si Vax... o baka nagsisinungaling lang si Cheese sa akin... paano kung wala talagang fans? Napatingin ako kay Cheese at Maggie, nakatingin silang pareho sa akin, kanina pa ba? Ngumit ako sa kanila subalit si Maggie lang ang naghiganti ng ngiti. Ang tingin ni Cheese sa akin ay nanliit. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako umupo sa tabi ni Vax gayoong binalaan na niya ako sa kung anong posibleng mangyari. Nais kong humingi ng tawad sa kaniya, labis akong nalulungkot, subalit kailangan kong sundin ang nais ni Tyler. Para sa kapakanan ni Ningning at para sa pagtanaw ng utang na loob. “Gumawa ka ba ng takdang aralin?” tanong ni Vax sa akin. “H-Ha?” nahihiya akong humarap sa kaniya, “May takdang aralin ba?” tanong ko. Bahagya siyang tumango, “oo, naku lagot, kailangan mong gumawa.” Aniya saka dali-daling kinuha ang kaniyang kuwaderno, “Heto, kopyahin mo na lang ang mga sagot ko.” “Ha?” umiling ako, “Naku hindi na Vax, nakakahiya naman.” Sabi ko sa nahihiyang tono. Eh, talaga namang nakakahiya kasi eh. “It is nothing, kumopya ka na,” pinaakawaln niya ang kaniyang matamis na ngiti, “Strict ang professor natin, kailangan mong gumawa ng assignment kung hindi, babagsak ka,” wika niya subalit hindi ko naintindihan ang ilanniyang salita. Gayon pa man, naintimndihan ko pa rin ang nais niyang ipahiwati. Tatanggi pa sana ako suba;lit aksidente ko na namang nailagay ang tingin ko kay Tyler. Ganoon pa rin ang kaniyang tingin sa akin, nakakatakot at parang lalamunin ako nang buhay, kaya napalunok na laamang ako at nagkunwaring ngumiti. “S-Salamat, Vax ha?” wika ko saka kinuha ang kaniyang kuwaderno. Aat saktong may kung anong pumasok sa aking isipan. Paano kaya kung kunin ko ang tyansa na ito bilang panimula sa misyong binigay sa akin ni Tyler? Tama, magandang pagkakataon ito. “A-Ah Vax?” “Yes?” sabay na tumaas ang kaniyang makakapal na kilay. “Maari bang turuan mo ako habang isa-isa kong sinasagutan ang ating asignatura?” paghingi ko ng pabor sa kaniya at ngumiti. Sinubukan kong gawing nakakaakit ang aking ngit. Ewan ko lang kung gumana ba sa kaniya, eh wala namin kasi akong alam tungkol sa pang-aakit eh. Isa itong kabalastugan na kailangan kong gawin. “What do you mean?” tanong niya na hindi ko naintindihan. “Ha?” “Ha?” “A-Ano kasi, hindi ako bihasa mag-english.” Sabi ko sa kaniya. “Oh? Eh mukha ka namang foreigner eh.” “Foreigner?” “Uhm, tao sa ibang bansa.” “Ahh,” napatango ako, “Magaganda ba ang lahi nila?” mausisa kong tanong. Napataas siya ng kilay, “Hindi ka pa ba nakakita ng foreigner?” tanong niya sa mistula hindi makapaniwalang tono. Umiling ako, “Hindi pa,” sabi ko. Biglang namilog ang kaniyang mga mata at napabulong, “May tao bang ganito?” “May sinasabi ka ba?” tanong ko dahil hindi ko medyo nadinig ang kaniyang binulong. “Ha, wala,” muli siyang humarap sa akin, “dipende sa tao kung nagagandahan sila sa mga foreigner. In my case, oo, nagagandahan ako sa kanila.” Nakaramdam ako ng kilig sa kaniyang sinabi kaya kusa na lamang napangiti ang aking labi, “Ibig sabihin nagagandahan ka sa akin?” “Ha?” umiwas siya kaagad ng tingin, “Hindi ka naman kasi pangit, atsaka, wala namang masama kung sabihin kong maganda ka. It is a compliment anyway.” Aniya saka humugot ng hingi, “So, shall we start?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD