KABANATA 18: B*tches

1111 Words
PRINSESA ARUNIKA’S POINT OF VIEW “Halika ka nga dito,” hinawakan ni Cheese ang kaliwang braso ko at marahan na idinala sa tabi ng pinto ng aming silid matapos na mag-ring ang bell para sa aming lunch. Dahil sa pagsama-sama ko kina Maggie at Cheese, unti-unti kong natututunan ang mga salitang gamit ng mga tao. “Bakit, Cheese?” kunot-noo kong tanong sa kaniya. “Bakit tumabi ka kay Vax? Didn’t I tell you not to? At nakipag-usap ka pa sa kaniya.” Nagkrus ang kaniyang mga braso saka napabuntong ng hininga sa inis. Saan ko ba ilulugar ang aking sarili? Kahit labas sa kagutstuhan kong lapitan at kausapin si Vax, wala akong magagawa dahil iyon ang utos sa akin ni Tyler. Paano ko ba ito maipapaliwanag kay Cheese? Hindi maaari. Hindi maaaring malaman niya ang tungkol dito. “Hayaan mo na,” pumakawala ako ng matamis na ngiti, “hindi naman uubra sa akin ang mga fans niya.” “What?!” napataas siya ng kilay dahil sa aking sinabi, “Are you out of your mind? You will get in trouble!” Napakamot na lang ako sa aking batok dahil wala naman akong naintindihan sa akaniyang sinabi. “H-Hayaan mo na, Cheese. Pakiusap, ‘wag na natin pag-usapan ang bagay na ito.” Sabi ko na siyang nagpaikot sa kaniyang mga mata. Magsasalita pa sana siya subalit lumitaw si Maggie sa aming gilid, “Shall we have our lunch?” tanong niya saka binigyan kami ng paisa-isang tingin. “Fine!” iritadong sabi ni Cheese, “Vax is not that scary naman, dahil hindi nman talaga siya ang nakakatakot... unlike to Tyler,” wika niya sa nandidiring tono saka binigyan ng sulyap ang silya ni Tyler, subalit wala na siya roon. Siguro ay kumakain na siya sa kung saan. Ano naman ang mayroon kay Tyler? Napasinghap si Maggie, dahilan upang takpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang sariling kamay, “Oh em gi! Agree ako d’yan.” Aniya. “Si Vax kasi, masyadong mabait, that’s why a lot of girls are going crazy over him plus gwapo pa siya,” muli na namang inikot ni CXheese ang kaniyang mga mata, “Those girls are b***h who can ruin your life if you talk to Vax.” “Hindi ko nga alam kung bakit gano’n ang mindset ng mga babae, they all looked like nagayuma,” nagiba ang mukha ni Maggie nang sinasabi niya ito. At ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi nila. Gusto ko ang pag-uusapp na ito. “but somehow, in some brighter point, pwede namang iwaasan ang mga bitches na ‘yon,” pinitik ni Cheese ang kaniyang buhok, “Mas maganda pa ako sa mga fans ni Vax noh!” Bumuntong ng hininga si Maggie at malungkot na tumingin sa akin, “Kung ako sa ‘yo, Nika, hinbdi ko lalapitan at kakausapin si Vax, I don’t want to put myself into a trouble.” Napabuntong na naman siya ng hininga, “And also Tyler, siya ang dapat mong tandaan,” tiningnan niya ang paligid bago binigay sa akin ang kaniyang bulong, “Mapanganib siya...” Kilala rin pala si Tyler dito bilang isang mapanganib. Hindi na ako magtataka. Talagang mapanganib siya at nakakainis, napakademonyo ng kaniyang ugali. Hindi lang pala ako ang nakaakapansin no’n. hays, kung alam lang nila na may koneksyon ako kay Tyler. “Kung si Vax hindi kayang manakit ng kapwa dahil sa taglay niyang kabaitan, si Tyler naman ang kabaligtaran,” pabulong na sabi ni Cheese, “Demonyo siya, gangster, basagulero, at higit sa lahat, I think kaya niyang pumatay ng tao.” Agad na namilog ang aking mga mata sa aking narinig, “Pumatay kamo?” hindi ako makapaniwala. Alam kong masama si Tyler, at minsan parang gusto niya ako lamunin nang buhay subalit hindi ko naman naisip na magagawa niyang pumatay ng kapwa niya tao. Masyadong ,asama iyon at malaki ang kaparussahan no’n. Tumango lang si Maggie, “Oo, kaya wala siyang kaibigan,” pagfsang-ayon niya sa sinabi ni Cheese. “May mga kaibigan siya,” natingin si Cheese kay Maggie, “’Yong mga ka-gang niyang adik,” inikutan na naman niya ng mata ang kaniyang sinai. “Ay oo pala,” napangisi si Maggie, “Kaya ikaw, Nika, bilang isang baguhang estudyante, mag-iingat ka. You never know, baka sa unibersidad na ito mo mahahanap ang pinakamatinding estudyante.” “Basta kung ako papipiliin, mas okay nang mapalapit ako kay Vax kaysa kay Tyler,” sabi ni Cheese habang ngumunguya. Hindi pa rin nila makalimutan ang aming napang-usapan kanina na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila ang pag-uusap na ito, maging sa aming pagkain. “Ako rin naman, noh.” Sabi ni Maggie, “Eh, ikaw ba, NIka?” sa akin naman nabaling angb kaniyang tingin. “H-HA?” umiling ako kaagad, “Hayaan niyo na, mangyari na ang mangyari.” Ngumiti ako saka sumubo, “Kung mapapahamak ako, edi mapahamak.” Sabi ko. Bigla na ;lang sumagi sa akin ‘yong sinabi ni Cheese kanina. Si Tyler daw ay isang gangster. Iyon din ang sabi ni Manong noong isang araw, subalit hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin no’n o kung anong klaseng tao ang mga gangster. Ano nga ba ang mga gangsster? “’Wag mong sabihin ‘yan,” nakunot ang noo ni Cheese, “we won’t let our guard down on you,” aniya saka ako ngumiti dahil hindi ko naman naintindihan ang pangalawa niyang sinabi. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami muli sa aming silid-aralan para sa panibagong subject. Subalit habang naglalakad kami ay may biglang humarang sa aming dinadaanan, tatlong babae rin ammng humarang sa amin. Ang kani-kanilang kilay ay nakataas, tinatarayan nila kami. Halatang-halata ang galit nila. Ano ba ang kailangan ng mga babaeng ito? “Ikaw ba ‘yong bagong transferee?” tanong no’ng babaeng nasa gitna. ‘opo, bakit” matapat ko siyang sinagot. Natawa sila nang mapakla sa aking naging sagot, “At bang lakas naman ng loob mo para landiin si Vax. Bakit, sino ka ba? Sino ba ang mga magulang mo?” tanong no’ng babaeng nasa gitna. “Gaano ka ba kayaman?” tanong no’ng babaeng nasa kanan. “You think you are better than Bleathe?” ‘yong babaeng nasa kaliwa naman ang nagsaliat. Ha? Bakit ba nila tinatanong sa akin ang mga katanungang iyan? Iniimbestigahan ba nila ako? Umiling ako sa kanila, “Hindi ako mayaman, hindi ko rin kilala ang mga magulang ko.” Sagot ko saka binigyan sila ng purong ngiti. Nakunot lamang ang noo nila sa aking saagot, “Are you insane?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD