"Hoy, babae! Saan ka nanggaling ha?" Bungad sa akin ni Jo pagkapasok na pagkapasok ko sa hapag. Hindi ko ito sinagot at nagtungo nalang sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Sa kaniyang kaliwa ay sina Francine at Deza habang nasa kanilang harapan ang tatlong kalalakihan. Naririnig ko silang nag-aasaran kanina ngunit agad ding napalitan ng katahimikan dahil sa tanong ni Joanne.
"Hoy, tinatanong kita. Lumabas ka siguro no? Nanlalaki ka? Akala ko ba research ang ipinunta natin dito? Napakadaya mo naman!" Padabog na angal nito sa akin.
"I told you, I just jogged." Nakangiting sagot ko bago tumusok ng isang hotdog at inilagay 'yon sa pinggan ko. Kumuha rin ako ng kaunting kanin.
"Hala. Nalintikan na. Panay english na siya. Naengkanto ka, girl?" Pabirong tanong ni Francis na nabilaukan pa sa malaat na itlog. Naghagalpakan naman kami ng tawa dahil sa sinapit ng kaibigan. Ambabaw ng kaligayahan oh.
"Hala. Panay ang puna sa akin. Impakyu ka, girl!?" Balik ko rito na mas lalong ikinatawa ng iba. I also acted like I'm rolling a music box hanggang sa umangat ang gitnang daliri ko.
"Apply ointment to the burnt area," Andrew said like he was making a voice-over for an advertisement. Wow. May talent.
Nakisali na ang iba sa biruan hanggang sa pumasok si Imang Nena sa hapag-kainan. "Bilen, hinatiran niyo na ba ng pagkain ang Señorito?" Nginitian lang namin ang matanda at iniligpit namin ang aming pinagkainan. Mukhang andito na ang may-ari ng mango farm.
"Sa tingin niyo aabot tayo ng two weeks dito? Looks like the owner's already here. Baka agad tayong matapos." Bulong na tanong ni Deza para sa amin. "Let's see for ourselves." Maikling tugon ni Eron.
"What do you think? Señorito daw. Joanne, ilang taon na yung tinutukoy ni Imang?" Inosenteng tanong ni Francine na nakakuha ng atensiyon ko. Memories of the guy in the pottery came crashing in my mind. Hindi naman siguro si Dymaun ang tinutukoy na Señorito ni Imang diba? Girl, malay mo naman diba? Eh mukhang kastila yun eh. Saad ng isang bahagi ng isipan ko.
"Hindi ko alam. Maraming Señorito dito eh." Kibit-balikat na sagot ni Jo at nagpatuloy kami sa pagliligpit.
"Haru Josko! Alas-otso na. Ang agahan ni Señorito ay inihahanda pa lang!?" Sigaw ni Imang Nena na nakapagpatigil sa mga iniisip ko at sa bulungan ng mga kasama ko.
"Ahhh, mang. Akyat na po kame. Salamat po sa agahan." Sambit ni Joanne at agad naman naming sinundan. Iniwanan na namin ang mga pinagkainan sa lababo dahil sila Aching Bilen na raw ang bahala. Natakot din kami sa sigaw ni Imang. Ayaw naming madamay no.
"Iba talaga magalit kapag matandang dalaga. Kaya ayokong naglalalapit kay Alec eh." Hagikgik ni Francis nang paakyat na kami sa aming silid.
"Alam mo, p*tangina mo rin." Nginitian ko ang mga ito bago ako dumiretso sa kwarto. Bago ko masara ang pintuan narinig kopa ang sinabi ni Francis.
"Si Alec panay ang mura. Baka bago tayo lumawas may mahal na yan." Siraulo talaga.
Agad akong kumuha ng pampalit at tuwalya bago ako pumasok sa banyo para makaligo na. They are all ready habang ako, pawisan pa dahil sa pagjajogging kanina.
I am now wearing a white v-neck tank top, tucked in a mid-waist denim shorts with a designer belt. I also put on my 3 inches high black ankle boots. I let my wavy hair down after blow drying it and put some lip and cheek tint.
We are already out of the mansion and it's burning hot in here. Ni hindi nakatulong ang dami ng puno I can feel my top soaking with sweat. I was just looking at my classmates from a distance. Bahagya kong pinapaypayan ang sarili ko gamit ang mga survey questionnaires nang may batang lalaking lumapit sa akin at inabutan ako ng folding umbrella. Taka ko siyang tinignan at ngumiti naman ito sa akin bago nagsalita.
"Huwag daw po kayong magbilad sabi ni Sen—sabi ni kuya." Inabutan din ako nito ng tubig at maliit na tuwalya. "Magtubig din daw po ikaw tapos po magpunas ng pawis baka daw po bumaho ikaw." Tinanggap ko ang inalok nito bago siya naglahad ng kamay.
"Tara po sa may lilim? Inaanap po kayo ng mga kasama niyo." Binuksan ko ang payong na bigay nito at hawak kamay kaming nagtungo sa mga kasamahan ko.
Hindi ko alam kung bakit kalmado ako. May nagpabigay lang ng ilang bagay na kailangan ko. What the hell? Do I have a stalker here? But I am not freaking out. I am really calm. Maybe because a part of me thinks that it's Dymaun. Si Dymaun ang nagpabigay nito! Isipin niyo ng assumera ako, totoo naman!
Nang magdapit hapon na ay napagpasyahan na naming bumalik sa mansiyon. Halos nalibot na namin ang sang-kapat na parte ng mango farm. Humigit kumulang dalawang daang hektarya daw ang lawak ng lupain. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ito. Abot daw sa kabilang barrio ang dulo nito. Shet. Gaano kayaman ang pamilyang ito? To think na hindi nila gaanong binibigyang pansin ang mango farm na ganoon kalaki, gaano sila kayaman? We have land properties pero hindi ganito na puro puno ang nakatayo. This land is a good asset.
Pagkatapos naming maghapunan ay pumasok na kami sa kani-kaniyang silid dahil sa pagod sa biyahe at sa pag-iinterview na rin ng iilang trabahador ng farm.
"Tomorrow morning, kailangan nating mag-interview ng mga trabahante sa bandang silangan ng farm. Wear slippers and comfortable clothes. Sa lunch naman, maghahanda raw sina Imang Nena ng pagkain sa tree house nasa pusod ng farm kasama raw ang mga trabahante roon." Basa ni Jo sa mensaheng ipinadala ni Eron sa kaniya.
"Sa hapon, what will we do?" Nakangusong tanong ni Francine. Ni hindi kami nito nilingon at patuloy lang sa pagkakabit ng kung anong cream sa mukha ni Deza.
"Eto nga diba. Binabasa ko oh. Sa hapon daw... gagawi tayo sa may lawa. May maliit na falls doon at nakakonekta raw 'yon sa Pampanga river which is true. Pero hindi ko pa nakikita iyon ng personal."
"Ano namang gagawin natin sa lawa?" Mataray kong tanong dito.
"Aba, sis. Lulunurin kita! On second thought, plastic ka pala, masama sa nature at baka lumutang ka lang." Bumungisngis pa ang tatlo. Ako naman ay nakitawa bago ko hinablot ang throw pillow at hinampas si Jo sa mukha.
"Kakatawa yon? HA-HA. Ang funny, girl." Muling irap ko rito.
It's quarter past midnight, though my body's a little tired, I still can't sleep. My mind is still wandering back to the pottery. Damn Dymaun!
Since I can't sleep, I decided to go downstairs to have some warm milk. Wearing my nightshirt, I walked slowly through the dim-litten corridor of the mansion while slightly massaging my nape. Akmang papasok na ako ng kusina nang mapansin ko ang isang bulto na nakaharang sa ref at may hinahalungkat dito. I was a bit stunned by him. My thoughts just personified in front of me.
I swallowed the small lump in my throat bago ako lumapit sa may countertop para kumuha ng tasa. He is now wearing a white tank top and black sweatpants. "You stay here, Dyme!?" I cheerfully asked but he just ignored me. Pinagpatuloy niya lang ang pagkuha ng... asparagus at... isda, I think, sa ref.
I cleared my throat for the nth time to get his attention pero wala pa rin. Pagkatapos nitong isarado ang ref ay humakbang ito pakaliwa at doon palang niya ako napansin. Great! Medyo gulat pa ang ekspresyon na ipinakita sa akin nito. Aww. How adorable.
"Hi. You'll cook?" I asked him bago ako nagtungo sa ref at kumuha ng gatas. Ipinasok ko na rin ito sa microwave para initin ngunit hindi pa rin sinagot ni Dymaun ang tanong ko. Nasa harapan siya ngayon ng lutuan. Obviously!
Lumapit ako rito at kinalabit siya. "Hey. Sorry for making you uncomfortable this morning." He seasoned his salmon and put it in the pan with the asparagus before he looked at me. "What?" is all he'd say while frowning at me.
"I said, I'm sorry for making you uncomfortable this morning. And... ahh. I want to paint the vases with you maybe tomorrow afternoon." I looked down a bit before biting my lips. "Pwede ba?" I added as I scratch my nose. Inangat ko ang tingin ko rito and all I saw is him, staring at my lips while his adam's apple is moving. Binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi and my f*cking heart started to hammer out of my ribcage. Ahh. I badly wanted those lips. Bahagya akong nag-iwas ng tingin at kinuha nalang ang tasa ng gatas sa microwave.
Binalingan din niya ang kaniyang niluluto at narinig ko siyang mahinang napamura. Mukhang bahagyang nasunog ang isda. Hahahaha
Inilapag nito ang kaniyang pinggan sa countertop, adjacent ng kinauupuan ko. Bahagya akong sumisimsim sa gatas mula sa tasang nakakulong sa dalawang palad ko. Pinagmamasdan ko itong marangyang kumain sa aking gilid. Tinignan ko ang malaking wooden wallclock na nakasabit sa dingding ng kusina. What the f**k did he do? It's almost 1 am! Bakit ngayon lang siya kumakain? Well, none of my biz, anyway.
I can't stop staring at him. He's just so hot while eating. I want to eat hi—I mean, I want to eat, too.
"Huwag mo akong titigan, miss." Mahinang sabi nito at ibinalik ang titig sa akin.
"Paano? Eh hindi mo man lang ako niyayang kumain." I pouted.
Bahagya siyang natigalan at kumunot ang noo sa akin. 'I didn't?' He mouthed.
Umiling nalang ako dito bilang tugon. Nanatili kaming tahimik. Pawang ingay lang ng mga kuliglig at pagtama ng mga kubyertos sa plato ang tanging maririnig but I am comfortable with this. I feel warm inside. Maybe because of the milk... Or not. I don't know basta magaan ang pakiramdam ko. I never felt this way before. I'm happy with my family but this gives me another feeling of comfort. Hindi ako mahilig sa tahimik. Knowing my family, we always talk. We always shout at each other. We always make silly things together. But, this peacefulness makes me feel something foreign. Something that I want to feel everyday and am scared to lose. Ahhh. I like this serenity.
Ngunit kahit kaano ko man kagusto ang katahimikan sa pagitan namin, kailangan ko paring basagin ito. Girl, hindi kami uusad kung patuloy akong mananahimik.
I cleared my throat and put down the mug. "So, why are you here again?"
"And... Why do you always look at my lips? Gusto mo halikan?" I puckered my lips to suppress a smile at para na rin tudyuin siya.
Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Daan-daang boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa kalob-looban ko habang papalapit siya sa akin. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Mabuti nalang ay nakaupo ako at suportado ng aking mga siko ang upper body ko. Bumibigat na aking paghinga. I unconsciously closed my eyes, anticipating the kiss. Gosh, first kiss ko'to... with him.
Maya-maya ay naramdaman kong hinawi niya ang takas na buhok sa aking leeg at inilagay ang iba sa likod ng tenga ko. I gulped dahilan ang pagpaparte ng mga labi ko. He's holding my nape at kalaunan ay may naramdaman na akong malamig na bagay na tumama sa nguso ko. Nangunot ang noo ko at napahawak dito nang may matigas na bagay ang tumama rito.
"Aray! Yung brain cells kooo!" I glared at Dymaun na halos mamatay-matay na kakatawa. He is holding the damn spoon. Pero... Bat ang gwapo pa rin? Matuluyan ka na sana.
"Kulay hinog na kamatis ka, miss." Natatawa nitong wika.
Inabot ko ang place mat malapit sa akin at ibinato sa kaniya. Umilag lang ito patuloy pa rin ang tawa. Nakaramdam ako ng munting hiya sa ginawa ko at ramdam ko pa rin ang init sa aking mukha.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha? Nakakadistract ka!" Muling sigaw ko rito.
"Chill, miss. I'm here for work."
Oo nga naman. Siya lang ang nakita ko sa pasohan with his dog. Maybe he works as a potter for the family ahhh... I forgot.
"You're a potter?" Ako habang nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.
He stood straight bago ito tumango. "Yes. But not Harry, James, nor Lily."
"Hahahahaha! What the f—" bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay mabilis na nitong tinampal ang bunganga ko.
"Don't cuss, miss."
"Hindi ba pwedeng pagsabihan na lang? Kailangan talaga manaket? Nakakailan ka na ha!? Kapag ako bumawi, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabawi! Tandaan mo yan! Hindi kita titigilan hanggang sa hindi ka na makalakad..." Mariin ngunit mahina kong banta rito dahil baka magising ang mga kasama namin.
"Or, pwede namang ako yung hindi makakalakad." Pilya kong dugtong sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. His hands are now inside his sweat pants. He's towering over me without emotion on his face pero hindi ako nagpatinag.
"Tae ka. Kanina pa ako nabubwisit sa'yo pero ikaw puro labi ko ang tinitignan mo! Konting-konti nalang iisipin ko ng may gusto ka sa'ken." I smirked. Luh, gustong-gusto mo naman self.
"Hinay-hinay sa pagsasalita. Hindi ko masundan." Sagot nito bago ako tinalikuran.
...
¯_(ツ)_/¯