Chapter 5

2158 Words
"Alec, gising na! Nasa farm na sina Francis!" Narinig kong sinisigaw ni Jo sabay yugyog at hampas sa balikat ko. "Oh. Saglit. Five minutes." Inaanotk na sambit ko at kinuha at niyakap ang unan sa ulohan ko. Ang akala ko tinantanan na ako ni Joanne nang maramdaman kong umalis siya sa pagkakaupo sa kama. Pero ilang sandali lang ay may humila na sa paa ko dahilan ng pagkakahulog ko sa sahig na kahoy ng silid. "Aray! Tangina, Joanne Keithel Santos!" Sigaw ko rito habang hinihilot ang aking siko. Mabuti nalang ay yakap-yakap ko ang unan. Kung hindi ay baka mukha ko ang napuruhan. "Puyat na puyat ka ha. Sinong kausap mo sa kusina kanina ha? Malandi ka. Nakita ka raw nina Andrew, nakanguso ka pa. Sino yon ha?" Si Jo at pinipisil ang mukha ko sa gigil. So, hindi panaginip iyon? Andito talaga si Dymaun kagabi? Shet. Kahihiyan na naman ang ginawa ko. Napakamot nalang ako sa aking ilong at nagpunta na sa banyo. Itinaboy ko na rin si Jo at nang makapaghanda na ako. Suot ko na ang isang maroon midriff top at white high waist shorts at ang aking flip-flops kumuha rin ako ng maikling scarf at iyon ang ginawa kong belt. Hindi na rin ako nag-aksaya ng panahon na i-blowdry ang buhok ko dahil mainit dito. Matutuyo ito paglabas ko. "Ano na. Sino yon?" Aba at talaga nga namang hindi pa lumalabas ang isang 'to para lang makakalap lang ng chismis. Inismiran ko nalang ito bago lumabas at dumiretsiyo saglit sa hapag-kainan. Kumuha ako ng isang slice ng loaf bread at isang apple juice na nakakahon. Mula roon ay lumabas na ako ng mansion at tinungo ang mga kagrupo ko. Dinig ko pa rin ang sigaw ni Jo mula sa likuran ko. "Akin na ang ibang questionnaires. Ako na ang bahalang mag-interview kina tatang banda roon." Lahad ko ng kamay kay Eron nang makalapit ako sa kanila. Bahagya pa ako nitong pinagtaasan ng kilay at nanunuri akong tinignan. Problema nito? "What!?" Asik ko saka namewang. Ngumiwi ito at umiling bago ako tinalikuran. Inaabot nito ang ilang questionnaires kay Francine at may sinabi rito. Bahagya akong sinulyapan ng huli bago tumango kay Eron at pinuntahan ako. Nang makalapit ito ay pabiro nitong hinampas sa akin ang mga coupon bond na hawak. "What did you do kay Eron? Kanina pa siya nagsusuplado and we are not used to that attitude." Kinuha ko ang mga papel sa kaniya and shrugged. "Siguro dahil late ako nagising?" Actually, papasikat na ang araw nang makatulog ako. Pilit kong iniintindi ang ibig sabihin ni Dymaun sa akin kaninang hatinggabi. Anong hindi niya masundan? Ang pagsasalita ko? Maybe mababa ang IQ niya? Hindi naman siguro. Mahina ba ang boses ko o baka masyado lang ako mabilis magsalita. Or... hindi siya gaanong nakakaintindi ng Filipino. Ganoon nga siguro. Nagpatango-tango pa ako habang aking kaliwang kamay ay nakapatong sa kabila. Ang mga daliri ay nakakuyom at nakatunghay sa aking baba. "Hoy, babae! Puntahan mo na sina tatang doon oh, habang nagpapahinga sila. Maya-maya lang ay babalik na ang mga iyan sa paglilinis ng farm." I rolled my eyes with what she's said. Sinalubong ako ng isang dalagita na nagpakilalang Joy at sabay kaming nagtungo sa matatanda at mga binatilyong nagpapahinga sa may silong na pinapaypayan ang mga sarili gamit ang malalaking sumbrerong hinabi. "Magandang umaga po." "Magandang umaga rin naman, ma'am." Nakangiting bati sa akin ng mga nakakatandang trabahante ng farm. "Mas maganda ka po sa umaga, ma'am." sambit ng isang batang lalaki na kinahagikgik ng ilang binatilyo. Agad naman silang sinaway ni Mang Berto. Magalang akong nagpakilala sa mga ito at sinimulan na silang interviewhin. Inalok pa ako ng mga ito ng bagong pitas na manggang hinog na hindi ko naman tinanggihan. "Alam mo, ma'am, malaki yung tree house dati sa pusod nitong farm pero dahil siguro sa tanda nito, nasira nalang. Si sir po, pinaayos na lang yung natitira na isang palapag at nilipat rin ng pwesto. Alam ko yun, ma'am kasi kinukwento ng lolo ko. Nung binatilyo pa raw sila doon madalas mag-inuman kasama sina Don Antonio at kapatid nito." Kwento ni Momoy, isang binatilyong mas nakakabata sa akin ng ilang taon. "Sino naman po si Don Antonio?" kuryosong tanong ko at tuluyan ng inilapag ang hawak na cellphone sa gitna ng nagkukumpulang mga trabahante upang maayos ang pagrerecord ko. "Ahh. Si Don Antonio Jose Arceo III po. Ang kapatid nito ang kanilang ama ang nagsumikap na mag-alaga ng lupain na ito. Sa panahon daw po nila ay kung sino ang naglilinis at nangangalaga ng lupain ay ibinibigay na lang ng totoong may-ari ang lupa. Noon po ay ang mansion at ilang ektarya lamang ang kanilang pagmamay-ari bukod sa kanilang iba't-ibang maliliit na negosyo." Sagot ni Momoy na nagpatanga sa akin. I was unaware that I'm picturing Dymaun in my mind as Don Antonio habang naglalahad ng mga impormasyon ang mga tao ng farm. Napakurapkurap ako nang mapagtantong nasa ibayong dagat na ang isip ko. "At noon, si Don Antonio at Don Mercado ay parehong nagtatrabaho sa palaisdaan, palengke, at construction site na pinagtatrabahuan ng kanilang ama habang parehong nag-aaral sa kolehiyo." Dagdag ni Mang Danilo pagkatapos bumuga ng usok na dulot ng tobacco. "Nasaan na po ngayon ang Don? Nagkapamilya po ba siya?" Tanong ko sa mga ito na agad namang tinugon ng matanda. "Ang alam ko ay nasa Espanya ang Don Antonio kasama ang kaniyang mga anak at apo. Hindi na siya muling bumisita rito nang mamatay ang bunso niyang anak at asawa. Naroon din ang pamilya ng Don Mercado at kung may umuwi man sa mag-anak ay ang mga apo at anak nila ito upang mangalaga sa mga negosyong iniwan nila." Matamang sambit ni Mang Danilo bago tumayo at nagpaalam kasama ang ibang kalalakihan upang tanggalin ang mga damong gumapang sa tuktok ng ibang puno. I was amazed with the antecedent of this family. Napakasipag at ambabait nila sa kwento ng mga tao. The way their people talk about them with a genuine smile on their faces, malalaman mo talaga kung paano nila tratuhin ang kanilang kapwa. Nang makaalis ang mga kalalakihan ay nilapitan ako ni Joy at iginiya sa mga kababaihang naghahabi ng mga basket, bag, at mga pitaka. Some are coloring the weaven  baskets while others are putting plastic flowers and leaves to the baskets, bags, and purses. Napakaraming matitingkad na kulay ang makikita sa loob. "Magandang umaga po sa inyo." I smiled sweetly at the women. "Ako po si Alec. Kaklase at kaibigan po ako ni Joan." They all smiled back at me. Ang iba ay nagpakilala rin habang ang iba ay nagpatuloy sa kanilang gawain. "Si Senyorito po ang nagturo sa aming maghabi. Kasama po niya ang Senyorita noon. Binigyan kami ng puhunan para makapag-umpisa sa ganitong negosyo. Ang mga kinikita po namin ay iniipon namin at hinahati pagdating ng araw ng Linggo." Tumango-tango ako rito at akmang magtatanong nang mapansing naiwan ko pala ang cellphone na pinangrerecord sa pwesto namin kanina. Nagpaalam muna akong aalis saglit at babalikan ang cellphone at dali-daling lumabas ng kubo upang pumunta sa may silong kanina. Bumagal ang lakad ko nang mapansing naroon ang batang nagbigay ng payong at tubig sa akin kahapon. Kausap nito ang isang makisig at matipunong binata na kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko. "Dymaun." Mahinang usal ko at mas lumapit pa sa dalawa. The kid was comically telling him stories. Inaakto pa nito ang mga pangyayari na animo'y isang bata rin ang kausap. They were both laughing when I approached them. The kid mouthed something to him before he pointed at me. I saw how Dymaun's waves of laughter faded in the air but a small smile stretched on his lips upon seeing me. "Hi, Senyorita. Ang ganda mo po lage." Bati at hagikgik ng bata. "Bagay po kayo ni Senyo—kuya." Dugtong nito. "What's your name?" Pasimple nitong siniko si Dymaun at kunot-noo itong bumubulong. They look cute. "Ngayon mo ipakita mga natutunan mo." Bulong ng lalaki, sapat para marinig ko. I chuckled a bit. "Ahh! My name! Yes. Ahh! Wait. Taympers." Sabay bukas ng mga palad at pinorma ito sa letrang "T" bago nag-isip ng malalim. This time, I laughed. Hard. He's so adorable! His chubby cheeks are wobbling habang mahina niya itong tinatampal. Napansin ko ang seryosong paninitig ng lalaki sa akin. Don't laugh at him. He mouthed. So I did. Mahina akong tumikhim at pinglapat ang aking mga labi upang maitago ang ngisi. "My name is Miguel. But, ah, you can ano... call me Mig. No "s". I'm single. Seven years old. I live here. That's all. Thank you." Pakilala nitong parang may kaaway habang nangungusap. "Hi, Migs. I'm Alec. Nice to meet you." Bahagya pa akong kumaway dito. "No, Senyorita. It is Mig, only. M-I-G, Mig. No 's'. I'm one only." He proudly said. That's why he said he's single! Mangha kong binalingan si Dymaun. "Ikaw nagturo non?" Bahagya siyang umiling at nag-iwas ng tingin. "Okay, Mig. I'm no Senyorita. Just call me ate Alec." "No Senyorita po?" Binalingan nito si Dymaun at itinuro. "Pero sabi niya Senyorita ka niya." Namimilog ang matang nagtinginan kami ng lalaki. "S-secret pu ba natin 'yon? Ahh. Hehe. Baka hinahanap na po ako nina lolo! Mauna na po ako! Ba-bye!" At kumaripas ito ng takbo. Pinagmasdan ko itong tumalbog-talbog papalayo sa amin bago ko hinarap si Dymaun. I caught his eyes staring back at me. Mas napagmasdan ko ang mga ito. Akala noong una ay abo lang ang kulay ng mga ito ngunit nagkamali ako. His eyes also hold life of water na habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa mga ito ay nalulunod ako. His bluish-gray eyes triggered the turmoil inside me. My heart is rapidly pounding like it wanted to escape from my rib cage and be with his. I had the same reaction and feeling the first time I saw him in the pottery. Hindi ko na napansin kung gaano katagal akong tumitig sa kaniyang mga mata. Nagising na lang ako sa mababaw na panaginip nang bahagya nitong tapikin ang aking braso. "Miss. Do you need something?" Seryoso ng muli ang kaniyang mukha. Gone the jolly and light aura around him. Ang mga titig niya ay nanunusok. Parang gustong pasukin ang isipan ko at kunin kung ano man ang nasa loob nito. Pero ikaw lang ang laman ng isip ko. Bahagya itong napasinghap sa hindi ko mawaring kadahilanan. He leaned a bit backwards. Shit. Did I say those things out loud? I blinked continuously after he nodded his head. What the hell am I doing!? Tumikhim ito at iminuwestra ang aking likuran. "Miss. You might want to go back to them." Sinundan ko ang nakalahad niyang kamay at nakita ang mga matang nakatingin sa amin. I felt my face heated seeing Joy, playing with her fingers. "Ma'am, sabi po kasi hu-huwag ko raw po kayong iwan." ika nito at nag-iiwas ng tingin. Ang mga kababaihang nakadungaw sa pinto at binta ng may kalakihang kubo ay isa-isang nagbalik sa tinatrabaho. Brace yourself, Alec. "Ayos lang, Joy. Balik na tayo sa loob." Hahakbang na sana ako pabalik sa kubo ngunit marahan akong hinigit ni Dymaun sa aking bewang. Napatili ako sa kaniyang ginawa at muli kong nakita ang iilang matang nakatingin sa amin, ang ilang sa kanila ay may sinusupil pang ngiti. Mas lalong nag-init ang aking mukha ng maramdaman ang marahang pag-ihip ng kaniyang hininga sa aking tenga. Nagtaasan ang balahibo ko sa likod at braso at parang kinikiliti ang aking puson sa ginawa niya. Nang bitawan niya ako'y pinakawalan ko rin ang hangin na bumara sa aking lalamunan. My knees wobbled. Mabuti nalang ay nakahawak ako sa mababang sanga ng puno. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Even with his simple touch, naghuhurumentado na ang puso ko. I admit that I felt different the moment my eyes laid on him. Very different from what I felt from the boys I dated before. I swallowed the small lump in my throat before turning my gaze towards him. "I'm going." Tinig ko sa maliit na boses. Hindi na ito nagsalita at basta nalang inilahad ang cellphone na siyang pakay ko sa pagpunta rito. I totally forgot about it! "Thank you." Sagot ko rito at muli ng humakbang. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ulit ang kaniyang tinig. "Maghihintay ako mamaya." Natigilan ako sa kaniyang pahayag. Ang aking pusong walang humpay sa pag-alpas kanina ay humina ang pagtibok and is now leaping from a heartbeat to another. There's nothing special with his invitation. I said to myself but deep down I know that this might awaken the passion I deeply buried in the past. For the nth time, muli ko siyang binalikdan. Tinawag ni Dymaun si Taco mula sa pagkakapahinga sa isang malaking ugat ng puno at tanging likod na lang ng mga ito ang pinanood ko hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. ... short update.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD