Chapter 2

2615 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. I unpacked my books from my bag yesterday and put them on a shelf since I will not use them today. I transferred my ipad and other essential things in a tote bag before I took a bath. I am now wearing a high-waisted white shorts, a pair of white shoes and a white long sleeves na dalawang butones lang ang nakasara sa may bandang dibdib. I also tied my hair in a ponytail na abot ang paalon-along dulo sa bewang ko and put on some light make up. I texted Joanne that we'll pick her up, tulad ng napagkasunduan, before I went in the dining room. Nadatnan ko na si Kuya Jay doon. He's wearing a long-sleeved white polo, na malinis na nakatupi hanggang siko, tucked in black pants, and a pair of black shoes. Syempre, hindi mawawala ang black belt. He also has a silver-plated wristwatch. Nakaupo siya ngayon sa dining table habang sumisimsim sa kaniyang kape at may katawagang kung sino. Hindi ko pa gaanong nagagalaw ang pagkain ko nang mag-aya na siyang umalis. "Hey, wait for me. I'm not finished, yet!" Sigaw ko rito ngunit pinagsawalang bahala niya at tumuloy na sa sasakyan niya. When I got to the garage, nakabukas na ang makina ng mustang at handa ng umalis. Mabilis akong sumakay sa shotgun at sinuot ang aking seatbelt bago ito mabilis na pinaandar ng mokong. "Hey, slow down. Ayoko pa mamatay," Sabi ko rito. "Why don't you just drive your own car, anyway?" I smirked before I answered his question. "Why would I choose to drive when I have a HANDSOME BROTHER as my personal chauffeur?" He just glared at me and took the way heading to our... condo. Oh, God. I forgot about Joanne. Dapat pala sa backseat ako. Geez. I rolled down my window and gave her an apologetic smile. She kissed my cheeks before she entered the backseat. I need to treat her later. Why did I forget about that!? Mas natahimik tuloy ang manok ko. Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi na ito tumilaok. I gave my kuya a kiss and waved him goodbye before entering the campus. "Girl, I'm sorry. Nag-aasaran kasi kami ni kuya. Nakalimutan ko yung about sa shotgun. Coffee tayo later ha?" I smiled at her and she just laughed. "Ano kaba. Ayos lang yun. Mas malaya ko naman siyang napagmasdan mula sa backseat. Tignan mo, may picture pa." She showed me her phone at may picture nga ang gaga. "Gwapo ng kuya ko diyan ah." Kumunot naman ang noo nito. "Kalahati nga lang ang kita eh." "Oo nga. Ang ganda ng mata oh, ng ilong, ng kilay, at labi pero kapag pinagsama-sama na, nagmumukha ng disaster." I laughed hard as I imagine what would be my brother's reaction upon hearing that but my thoughts were disturbed nang hinila ni Joanne and dulo ng buhok ko. "Aray ko! Totoo naman eh!" "Ulol ka! Kapatid mo yun! Crush ko yun, kaya gwapo! Ang hot niya kaya. Tapos ang bango pa—" Marami pa siyang sinasabing kung ano tungkol sa kuya ko pero iniwan ko na siya at nauna ng pumasok sa klase. Kakaumay pinagsasabi niya eh. Puro papuri sa kuya kong mukhang nahulog sa duyan noong sanggol pa lang. Hahaha! Tahimik lang akong nagsagot ng mga tanong sa test papers. Nagkaroon kami ng three-hour break noong lunchtime. Ginugol ko 'yon para ilibre si Jo kahit hindi naman na kailangan kasi nga, nagbenefit naman siya sa pag-upo sa backseat. "Pwede kokayang ipost 'to kahit sa IG sory lang?" "Ay ewan ka sa'yo." Bumalik na rin kami sa klase pagkatapos ng paghingi niya ng opinyon. Kahit sinabi kong huwag na siya magpost ay ginawa niya pa rin. Walang kwenta humingi ng opinyon. "You still have five minutes before you submit your papers. Ang late, automatic zero." Hindi naman ako kinabahan sa sinabi ng professor dahil kanina pa ako tapos. Nang may nagpasa na ng papel ay tumayo na rin ako para ipasa ang sa akin. Ayoko masabihang mayabang kaya kahit tapos na ako, makikisabay pa rin ako sa iba. Iba utak nila, girl. Well, depende nalang kung nagmamadali talaga ako. Hinintay ko muna sa may pintuan si Jo bago kami dumiretso sa football field dahil doon kami magmi-meet ng mga kagrupo namin. Nakaupo kami sa may bench sa ilalim ng lilim ng puno ng acacia. Ilang minuto lang ay dumating na sina Francis at Andrew. "Ang dali naman ng exam kanina sa economics. No sweat, pare," mayabang na sabi Francis. I smirked with his comment. "Oo nga. Lalu na yung problem solving sa likod. 10 points din yun." Gusto kong matawa sa ekspresiyong pinakita niya. Go'chu. "T-tangina!? May solving sa likod!?" Nanginginig na tanong nito at sabay-sabay kaming nagtawanan dahil mukhang hindi niya nasagutan 'yon "It's a prank, pre." Sabi ni Andrew. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Anong prank? May solving talaga sa likod. Diba, Jo?" Binalingan ko ang katabi ko at nakatulala rin ito. "Hala. Hindi niyo sinagutan?" "Tangina. Meron talaga?" Tanong ni Francis at humagalpak na ako ng tawa. Sinapok naman ako ni Jo dahil don. Kabado ka, girl? "s**t, Joanne. Mababawasan brain cells ko niyan! Takte asan na ba kasi yung tatlo at nang makapag-impake na'ko!" Hindi rin nagtagal ay dumating na rin yung tatlo na may dala-dalang folders. "Sorry, natagalan. Dumaan pa kami kay Mr. Chua para kunin yung papasagutan sa mga trabahante." Tumayo ako sa kinauupuan ko para makaupo sina Francine at Deza sa bleacher. Medyo may kalayuan kasi ang susunod na bleacher. Yung may mga lamesa naman ay nabilad sa araw kaya mas pinili na namin dito. "Let's start." Inilatag na ni Eron at Joanne ang mga dapat naming gawin pagdating namin sa mango farm ng tita niya. We just need to interview the workers and do some things to help the farm. I already have something in mind but I still need to see the area before I suggest it to them. After that, napagkasunduan naming lahat na sa condo nalang namin ang meeting place mamayang gabi dahil yon ang pinakamalapit sa University. Twelve midnight ang alis namin para around 3 am ang dating namin. May time pa para makapagpahinga. Kuya didn't fetch me today. May meeting daw siya with an investor. So, nagcommute lang kami Jo. Though same building lang kami, magkaiba pa rin kami ng unit. Sa top floor ang sa'kin habang ang sa kaniya naman ay sa baba lang ng akin. Mas madalas rin siyang nasa unit ko so, parang housemate—roommate din kami. Housemate? Bahay ni kuya, girl? "Anong itsura ng mango farm na yon, Jo?" Kuryosong tanong ko ngunit hindi niya sineryoso. "Maraming mangga don, sis." "Talaga!? Maraming mangga sa mango farm? Lintek, ngayon ko lang nalaman yon," sarkastiko kong sambit sabay irap sakaniya. Minsan, hindi rin siya nag-iisip. "Sira, nag-iisip kaya ako. Iniisip ko nga kuya mo ngayon eh. Hahahaha!" Dinampot ko ang pinakamalapit na unan sa akin at ibinato sa kaniya. Walang hiya narinig niya yun!? "s**t ka. Maligo ka na. Tama na pagpapantasiya mo sa kuya ko. Ayaw pala kita maging kapatid!" Tumawa lang ito bago ibinato sa akin pabalik ang unan at lumabas na sa unit ko. Tumuloy na rin ako sa banyo pagkatapos mag-empake ng ilang pares ng damit sa duffel bag at backpack ko. Nilagay ko naman ang bathroom essentials ko sa isang purse at isinali sa mga gadgets kong nasa tote bag. Mag-aalas dose na nang muling kumatok si Jo sa unit ko. This time, kasama na niya sina Francine at bumaba na kami. Nadatnan na namin ang iba pa sa baba. Nagbatian saglit at inilagay ang lahat ng bag sa likod ng van. Katabi ko sina Jo at Francis sa gitna, sina Francine at Deza sa likod namin, si Andrew sa front seat at si Eron naman ang driver namin. "Research ang ipupunta natin doon ha? Hindi mga babae," saad ni Jo sa amin o sa mga lalaki lang. "Aww. Sayang naman. Balita ko maraming magaganda sa Pampanga eh. Pero baka naman pwedeng isingit 'yon. Baka lang naman," tugon ni Francis. "Tanga. Hindi ba obvious? Ako lang naman ang living proof. Tss," inirapan naman ni Jo si Francis. "Kapampangan ka? Tangina. Fake news pala. Hahahahaha!" Ni hindi natapos ang iringan at patutyadahan ng dalawa hanggang sa makarating na kami sa mango farm. Minsan lang sumisingit sa usapan ang iba. Kumuha rin ako ng ilang clips at inilagay sa ig story ko with a caption... "manyaman". Wala eh, yun lang alam ko. Hahaha! Huminto ang sinasakyan namin sa isang malawak na gate. Gawa ito sa bakal at may malaking letter 'A' sa gitna. May korona sa taas nito at mga nakaukit na bulaklak at dahon sa bawat linya ng letra. Kulay ginto ang letra na nahahati kapag nakabukas ang gate. Ang pader naman ay gawa sa mga bricks na hindi ko mawari kung bakit kulay puti. Matatayog rin ang mga halaman na nasa loob. Alam na alam na marangyang namumuhay ang sinumang may-ari ng tahanan. Madilim pa at napakaganda na ng nakikita kong bahagi ng tarangkahan dahil sa mga ilaw na nasa poste, paano pa kaya mamayang umaga at sa loob naman ang aming mapagmasdan? Namangha ako sa istilo ng bahay sa aming harapan. Pawang mga bricks ang aming dinaanan papasok sa bahay na ito. May mga spotlight sa damuhan na nakatutok sa bahay. Puti at ginto ang kulay ng bahay na animo'y andito na mula ng panahon ng mga kastila. Detalyado ang bawat ukit na makikita sa ikalawang palapag. May hagdan rin sa gilid ng main door na nakakonekta sa veranda ng ikalawang palapag. Para talaga itong tahanan ng isang maharlika. Sinalubong kami ng isang matandang babae na siyang nangangasiwa ng "mansiyon" na aming tutuluyan. Nagmano rito si Joanne at sinenyasan niya kaming sundan ang ginawa niya. "Magandang umaga mga anak. Tuloy kayo sa loob at nakahanda na ang inyong tutulugan. At kung may kailangan kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa akin." Tumango kami rito bago niya kami igiya sa ikalawang palapag. Napakaraming pinto rito ngunit pinapasok niya kami sa kwarto sa tabi lang ng veranda. Nagpasalamat muna kami sa matanda at tuluyan na kaming pumasok sa silid. Hindi ko na muna pinansin ang disenyo ng kwarto at basta nalang nahiga sa kalakihang kama katabi si Jo. Sa kabilang kama naman sina Francine at Deza habang ang mga boys ay sa kabilang kwarto. Nakatitig lang ako sa maliit na chandelier sa kisame hanggang sa lamunin na ako ng dilim. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang dingding at kulay ginto naman ang ibang kasangkapan. Ang kisame ay ganoon rin. Bumaba ako mula sa kama at pawang kahoy ang sahig. I think it's kamagong timber. Tinignan ko ang orasan at ala-singko palang pala ng umaga ngunit bahagyang sumisilip na ang araw. Iba talaga ang probinsya. I decided to jog around the area 'cause why not? I shouldn't waste my time. I need to roam around the area, too para malaman ko kung gaano kalawak ang mango farm na nasa likod lang ng mansion. Parang heritage site nga ito eh. I washed my face in the bathroom and changed into black leggings, a black sports bra, and a pink cropped hoodie. I also put on my black and pink rubber shoes. I don't want to risk my white shoes. Baka maputik ang trail. I smirked and went out of the room. I didn't expect Imang Nena, the old woman who took us in, to be up this early. "Nasanay na akong gumising ng maaga. Kumain ka muna bago ka lumabas," magiliw na sabi nito habang itinataas ang pandesal at tasa ng kape na hawak niya. "Ahh, magandang umaga po. Lalabas muna po ako. Salamat po. Mamaya na po ako kakain," bati ko rito bago ako lumapit sa kaniya at nagmano. "Napakabait na bata pero hindi mo na kailangang magmano pa kung hindi ka naman lalabas ng tarangkahan," she smiled sweetly at me kahit na kulang ang kaniyang mga ngipin. Marami siyang suot na pulseras na may iba't-ibang kulay at may krus ang bawat isa. "Gusto mo ba nito? Ayne, sa'yo na ang isa." Hinubad niya ang kulay pink na pulseras at iniabot sa akin. "Huwag na po, Imang. Nakakahiya naman po." "Hinde, sige na. Tanggapin mo na. Mukhang bagay sa iyo itong kulay rosas at mukhang mahilig ka rin sa kulay na ito. Galing yan sa Manaoag, bigay ni Señorito." "Imang, bigay po ito sainyo mas lalo ko pong hi—" she held my hand and slid the bracelet on it. "Sumisikat na ang araw, humayo ka na para makabalik ka agad at makakain kasama ng iyong mga kaklase." Muli ako nitong binigyan ng matamis na ngiti. "Mag-iingat ka. Sa may gasgas ka lang ahh?" Paalala nito. Ngumiti lang ako rito bilang tugon kahit hindi ko naintindihan ang gasgas na sinasabi niya. What the f*ck is a gasgas? Is it like the wound? Pinagsawalang bahala ko na lang ang naisip at lumabas na ng bahay. Isinuot ko ang airpods ko at nagplay ng upbeat music para ganahan ako. Naglakad-lakad muna ako habang nag-i-stretch ng muscles. Pinagmamasdan ko rin ang mga puno na hitik sa bunga. Siguro, ilang araw na lang ang bibilangin ay maghaharvest na sila. Ilang minuto pa akong nagstretch bago tumakbo. Sa kakatingala ko sa mga puno ay hindi ko na napansin na nawala na pala ako sa trail na sinusundan ko kanina. Aii antanga, girl. Nagpunas ako ng pawis at nakaramdam ng uhaw. Napatingala ako at mariing ipinikit ang aking mga mata. s**t! Nakalimutan kong magdala ng tubig! Akmang babalik na ako sa pinanggalingan ko kanina nang may narinig akong kung anong nabasag sa likod ng isang puno sa kaliwang bahagi ko. At dahil chismosa ako girl, nilapitan ko iyon at bahagyang sumilip. Doon ay nakita ko ang isang kubo. Lumapit ako rito para sana magpahinga muna o makahingi man lang ng maiinom kahit papaano ngunit wala akong nakita roon kung hindi mga banga na may iba't-ibang laki. May mga nakatambak rin na clay at mga kahoy sa isang tabi. Mukhang hindi ito pahingahan tulad ng inaakala ko. This might be a pottery inside a mango farm. Wow. What an atmosphere! Unti-unti akong pumasok sa loob ng pasuhan. Medyo marumi dito at may mga bubog sa sahig. Yumuko ako para pulutin ang mga nabasag na piraso nang may tumahol sa likuran ko. "AY KABAYO!" Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang ibang piraso dahilan ng pagkakasugat ko. "Ahhh s**t naman. Nasugatan pa tuloy ako. Tsss." Nasa harapan ko na ngayon ang isang puti na may halong golden brown na husky. Taray. Pati aso pasok sa tema ng mansion. Unti-unti akong tumayo habang pinipisil ang kamay kong nasugatan para lumabas ang dugo o kung may bubog pa rito nang biglang may magsalita sa likuran ko. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" F*ck that deep and baritone voice! Kinilabutan ako sa narinig pero para akong inihehele at anytime ay makakarating ako sa langit. Siya na kaya yung matagal ko ng hinihintay? Teka, paano kung matanda na pala itong nasa likod ko? Paano kung magnanakaw pala? Paano kung r****t!? Haluh, potaena! Napamulagat ako sa naiisip at biglang nanigas sa kinatatayuan ko nang makaramdam ako ng magaspang na kamay na humawak sa aking braso. "Miss, I'm talking to you. Who are you? Bakit ka pumasok dito?" Gamit ang kamay na nakahawak sa akin ay iniharap ako nito sa kaniya. "Hey. Breathe," mahinang sambit nito at noon ko lang napansin na ilang segundo pa la akong hindi humihinga. I tried to open my mouth to utter my amazement but all I said is... "I... I t-think. I'm in love." ... ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD