Chapter 1

2389 Words
"This will be your final output for this semester. Make sure to submit it on time or else, goodbye diploma. Class dismissed." Agad kong tinignan ang papel sa aking lamesa bago inikot ang tingin sa klase para hanapin ang mga kagrupo ko. Halos lahat sa kanila ay nakatayo at naghahanap na rin ng sa kanila. Hassle to, girl. Hirap nila hanapin. "Sis, anong group number mo?" Nakangiting tanong sakin ng kaibigan kong si Joanne. Nag peace sign ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiting abot sa aking tainga. "Two! Ikaw din?" "Yes, sis! Buti naman. Sigurado na ang diploma! Oh group 2, dito. Sure ball 'to!" Tatawa-tawang sabi nito bago pa man lumapit ang iba pa naming kaklase sa amin. Bale pito kaming lahat sa grupo. Great. Maraming kikilos. "Hey, Al." Bati sa'kin ni Eron, group leader namin for our research. "Wow. Al nalang. Paiksi nang paiksi pangalan ko baka sa susunod babe na itawag mo." He just chuckled at what I've said. Asshole! "We should plan already. May alam ba kayong farm na pwede nating bisitahin?" Tanong ko sa mga ito. Mabilis naman na nagtaas ng kamay si Joanne na animo'y magrerecite. "Yes, Jo?" Turo ni Eron sa kaniya. Mahilig talagang magpaikli ng pangalan 'to. Maikli lang din siguro yung ano. Basta yung ano. "Pwede tayo sa Bale Pinpin. Yung pinsan ko, may mango farm sila. Malawak. Tapos season pa ng mangga. Siguradong mabunga ang mga puno. Nagmamanufacture din sila ng iba't-ibang products from mangoes." Tinaasan ko ito ng kilay. "May mango farm pala kayo, Joanne? Ba't hindi ko alam yan ha?" Bahagya ko pang sinabunutan ang dulo ng buhok nito. "Gaga ka ba? Pinsan ko nga. Sa pamilya niya. Yung mama niya, kapatid ng tatay ko. Explain ko pa?" Ngumisi ako at nang-aasar na tumango. "Tanginang 'to. Kung hindi kita kilala at kaibigan pinagsasampal na kita." Inis ka na, girl? Pasimpleng tumikhim si Eron na parang nagsasabing... Hello, andito kami. Kasali kami sa grupo. Hello? Napailing nalang ako sa iniisip ko at ngumiti sa kaniya. "Yes? How may I help you?" Narinig kong mahinang natawa ang iba naming kagrupo pero pinagsawalang-bahala ko nalang. Sanay na'ko. "Since mangga ang product nila. Pwede sigurong magfocus tayo kung paano mas maeexpand ang business nila at-" "Ahh yeah. Alam ko kasi hindi doon nakafocus ang pamilya nila since marami silang businessesssss." Putol ni Joanne sa sinasabi ni Eron. Daming 's'... Daming businesesss. "That's good, then. We can do something to help their farm. Maybe we can produce electricity out of it. Just kidding!" "Science freak!" bulong naman ni Joanne. "Narinig ko 'yon, gaga." "Can we talk about the other details now? May make up class pa kami sa history in 15 minutes," sabat ni Francine at tumango naman si Eron bilang tugon. "Yung van nalang namin ang gagamitin since malapit lang naman. May allotted time lang na 2 weeks bago natin ipasa ang output natin. So, after ng exams tomorrow, we will meet again para pag-usapan kung ano-ano ang mga task natin at kung saan tayo mag-i-stay. Okay?" Sabi ng leader namin. "I can find a hotel near the mango farm," Deza said out of the blue. "Ahh, we might have a hotel nearby that area," she added. "I don't want to be rude but haven't you realized that it's in a barrio? There's no way a mango farm is located in the city of Pampanga," tugon naman ni Francine dito pagkatapos ay tumayo at hinatak ang kaibigang si Deza bago umalis. "Pwede namang sa amin nalang tayo mag stay. May available rooms naman kami... Sa kabilang bayan nga lang," Joanne said habang nagsusulat ng kung ano sa kaniyang notebook. "Or, pwede namang sa mansion nalang sa farm. Tatanungin ko na muna ang pinsan ko," she added and dialed on her phone. Lumayo siya ng kaunti sa amin at may kinausap sa telepono. "Siguro bukas na nga lang. Kailangan ko na ring umalis, pare. Practice ng basketball," Andrew said. "Ay gago, oo nga pala," dagdag naman ni Francis at mabilis na bumalik sa kanilang inuupuan kanina para kunin ang kanilang gamit. "Sige, bukas nalang ng hapon. Kayong dalawa umayos kayo ha? Tapos na lahat-lahat nagpapractice pa rin kayo ng basketball. Para kayong mga siraulo. Kami sa football team, namaalam na." "Namaalam, boss? Patay na pala football team? Condolence." Nakangising sabi ni Francis. Pinukulan lang ito ng masasamang tingin ni Eron bago sila nagsilayas sa classrom. Parang mga siraulo naman. Nakaalis na silang tatlo sa classroom nang natapos makipag-usap si Joanne sa kaniyang pinsan. Mataman ko itong pinagmasdan at tinaasan ko lang ito ng isang kilay nang magtama ang tingin naming dalawa. "Okay naman daw na sa mansion nila tayo mag stay. Nasa Manila rin daw sila eh. Yung pinsan niya raw ang namamalakad ng farm pero wala siya ngayon. Baka daw yung mga trabahante ang madatnan natin." "Hindi ba mas okay kapag andun yung may-ari mismo? Para masagot talaga tanong natin?" Binitbit ko na ang bag ko at naglakad palabas ng pinto, kasunod pa rin si Joanne. "Sis, syempre uuwi rin naman yung may-ari. Basta ang importante, may tutuluyan na tayo at-" "At bukas mo na ituloy ang sasabihin mo. Girl, nagugutom na ako. TMI ka masyado eh pag-uusapan din natin sa meeting bukas yan." "Sabi ko nga. So, saan ka uuwi today? Sa condo ba?" Tanong na sasagutin ko sana nang sakto namang magvibrate ang cellphone ko. Binasa ko ang isang text dito at luminga sa paligid ng parking lot. Nakita ko si Kuya Arjay sakay ng kaniyang itim na mustang. Nakababa ang salamin sa banda nito at nakangusong kumakaway sa amin. Itinuro pa nito ang mga babaeng nakatingin sa banda niya at nag-aalburoto sa kilig. Bulag kayo, girls? Ampangit niyan eh. I rolled my eyes at him. Papakyuhan ko sana pero baka mabatukan ako. 'Wag na lang HAHAHA. Pasakay na ako sa sasakyan niya nang nilingon ko si Joanne. "Wanna ride, sis?" Naghahamon kong tanong dito. "Ikaw na sa shotgun. Ano, tara?" Dugtong ko pa. Hindi naalis ang ngisi ko nang makitang kinakagat-kagat nito ang labi niya. "Hi, Jo. Long time no see. Tara hatid ka na namin bago kami umuwi. San ka ba?" Tanong ni kuya. Nagkatinginan kami ni Joanne at itinaas ko ang dalawa kong kilay at iminuwestra ang harapan. Pangarap mo 'to, girl. Malay mo may madevelop. Napakamot naman ito sa batok niya at mahinhing sumakay sa harapan. Hanggang sa naihatid na namin siya sa condo niya ay hindi siya umimik. Wala, mahina ang manok ko. Tumigil kakatilaok. Siguro dapat sa umaga naman. "Girl, sunduin ka namin bukas ng umaga. Alas-siyete." Binigyan ko lang ito ng makahulugang ngiti bago ako lumipat sa front seat at kinawayan na siya paalis. "Anong atin? Bat pinasundo ako?" Tanong ko sa kuya ko. Diretso lang ang tingin nito sa harapan habang hinihimas ang baba niya. Nagkibit-balikat lang ito at hindi sinagot ang tanong ko hanggang sa makauwi kami sa bahay namin. Sinalubong kami nina Manang Brenda at kinuha sa akin ang laptop bag ko. Binati ko lang ito ng "Magandang hapon po,"at tumuloy na ako sa loob. Nadatnan ko sila sa sala habang nanonood ng pelikula. Si FPJ na naman. Hanep. Walang katapusan. "Good afternoon, Ma. Hello, Pa." Bati ko sa mga ito at humalik sa kanilang pisngi. "Kuya Kiel." Yumakap naman ako dito sa panganay namin na nakaupo sa carpet at nakasandal ang ulo sa couch. Madalang na lang siya bumisita kasi may asawa't anak na. Nakita ko naman ang bunso naming kapatid na pababa sa hagdan. Nasa unang baitang palang siya... sa Elementary. Charot. College na rin yan. COE. Taray. Puro Architect at Engineer kasama ko. Ako lang ang naiba. Business Ad na may crash course sa Interior Design. Right. "Hoy, bansot na pangit. Balita ko may pinaiyak ka daw. Tatlong babaeng Archi? Akalain mo yun? Sa sobrang pangit mo napaiyak mo sila?" Tumawa naman ang mga kuya ko. Kasali kayo sa usapan? Hanggang dito lang oh. Gusto kong sabihin kaso baka ako naman i-bully nila. Hirap kapag ikaw lang mag-isa. Nagmake face lang ang loko. "Ma oh. Si ate nambubwisit na naman. Kapag yan pinatulan ko, iiyak yan." "Ay weh? Sige nga. Patulan mo nga." Gatong naman ni Kuya Jay. Pinukulan ko ito ng masamang tingin at tumawa lang sila. "Nang-aasar, pikon naman." "Ikaw, pikon." Balik ko dito. "Ikaw, pangit. Ikaw, walang boypren," he retaliated. "Mama ohhhh!" Napailing lang sina mama at papa sa amin. Nag-aasaran lang kami dito nang tawagin na kami ni Manang Brenda para sabihing handa na ang hapunan. Ni hindi na namin napansin ang oras. Balak ko na ring ipaalam sa kanila ang pagpunta namin sa Pampanga sa makalawa. Bakit pa kasi yung fruit farm ang nakuha ko... Eh estate ang business namin? Sabagay pwede naman. Tutal hindi naman binibigyang pansin ang mango farm na 'yon, bibilhin ko nalang tapos gagawing subdivision. Joke. I love nature. I giggled at my thought. Nang makaupo kami sa hapag ay nagdasal muna kami at nagpasalamat para sa pagkain. Handa ko ng hiwain ang steak sa aking plato nang hablutin ito ng bunso namin. Aangal na sana ako nang ilagay niya ang pinggan niya sa harap ko. Nakahiwa na ang karne. "Awww. Ang sweet naman ng bunso namin... Pangit nga lang." Ginulo ko pa ang buhok nito at agad itong umingos sa akin. "Pwede ba ate, kumain ka nalang. Baka ipatapon kita sa America makita mo."Naglalambing lang eh. "Oo na. I miss you, too." Ngumisi ako rito at akmang babatukan ako nang magsalita si Papa. "Tama na yan. Kumain na kayo." Pansamantalang natahimik ang hapag-kainan nang muling magsalita si Papa. "Alecxiandra, anong balak mo pagkatapos ng graduation mo?" Napatingin ako rito. Bahagyang lumunok at binitawan ang mga kubyertos. Marahan din akong nagpunas ng bibig bago sumagot. Napakaseryoso naman. Kinakabahan tuloy ako. "Ah, Pa... Magtatrabaho muna po ako sa Realty natin ng ilang buwan bago po ako tumuloy sa States at tapusin ang MBA. Kina Kuya Kiel din po ako tutuloy so don't worry." "Bakit sa amin? Manggugulo ka lang eh. Baka kung anong ituro mo sa pamangkin mo," angal ng kuya ko. "Hala. Bakit hindi? Papa oh." Natawa lang si mama sa amin at hindi kumibo. "Please, grow up! Para pa rin kayong mga teenager kung makaasta." "Pa, teenager pa ako. I'm just twenteen... and two." Pigil lahat ang aming mga tawa nang ibagsak ni papa ang kaniyang mga kubyertos. Ngunit natuloy rin ito nang magsalita si papa. "Me, too. I'm twenteen... times two and a half." See? May pinagmanahan kami. "Tama na ang asaran. Pare-pareho lang kayong mga isip-bata." Sabi ni mama habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mata. "Ang saya natin ma ha? May tears of joy kapa." Sabad naman ni kuya Jay. Kailan ba'to matatapos? Hindi pa ako nakakapagpaalam. Nagkamustahan at nag-asaran pa kami ng ilang minuto bago matapos kumain. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagreview para sa exam namin bukas. Nasa kalagitnaan ako ng pagsosolve ng isang math problem nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Ibinaba ko ang ballpen at salamin ko at tinungo ko na ang pintuan. Bago ko pa man mahawakan ang door knob ay bumukas na ang pintuan at inuluwa si mama. May dala itong wooden tray na may gatas at cinnamon roll. "Ma, ano pong atin?" She just smiled at me and put the tray on my bedside table. "Anak, gusto mo ba talagang sa States tapusin ang MBA mo?" "Yes, ma. I want the best for our company. Si Kuya Kiel ang nagmamanage ng company sa Florida. Si Kuya Arjay naman, ayaw din sa main. Ang gusto niya eh magpatayo ng sarili niyang construction firm diba? Si bunso naman nag-aaral pa rin. This is what I want, Ma." She held my hand and caressed it with hers. "I understand, anak. It's just that, ayokong mawalay ng matagal sa'yo. You're my only daughter." "Ma, please. May anak na si kuya. Siya nalang ang i-baby mo. And by the way, ma... I need to go to Pampanga para sa study namin. We'll stay there for two weeks siguro." Pagpapaalam ko rito. Tinanguan niya ako at hinalikan ang noo ko. "Okay, baby. Do you need anything?" Umiling naman ako rito at ngumiti. "Drink your milk and eat your bread while studying. After that, go to sleep. Okay? Goodnight." Tatlong oras na ang lumipas nang hatiran ako ni Mama ng pagkain. I am done reviewing and am now trying to sleep but I can't, so I tried to open my f*******:. I just logged in but the notifications won't stop popping up on my screen. So annoying! There were some messages from my brothers' friends, who also became my friends, inviting me to parties and such after the exams but I tried to politely refuse. Alec Denisse Salvatore: Hey, Lev. Pasensiya na. May major project pa kami after exams. Can't come to your party this time. Tell the gang I won't go. Babawi ako next time. Enjoy! I thought of replying to all of them but since they have the same content, mas pinili ko nalang na sabihan ang isa. Madali naman silang kausap. Levant Iacchus Morales: Seyeng nemen. Kasama ko pa naman si Miss Australia. You won't meet again. She's so excited to see you in person but destiny's not on your side. :( Oh my- Mabilis akong nagtipa ng sagot sa kaniya and seconds later, a photo of him and a beautiful lady, both smiling at the camera, emerged on my screen. Alec Denisse Salvatore: Is she really your girl!? She's too beautiful! Buti nagustuhan ka niyan? He did reply and soon ended the conversation saying he would spend and enjoy the rest of the night with his Miss. I also checked my other social media accounts but found nothing interesting including Jo's dm on i********:. jokeithel: 3owhezZ powHez. kHumuZtahez nAah ppfueuUwh? jejeJE ,.an3u pfOW gW4 n30? 6hUdnh4y+ powHez! (Hello po. Kumusta na po? Hahaha. Ano po gawa niyo? Goodnight po!) Fucking jologs. Alam na alam kung paano ako buwisitin. If she's not just a good friend to me, I'll block her immediately. Kaasar! I sent her a grinning emoticon and a knife before putting my phone at the bedside table. Pinalubog ko ang sarili sa kama and tried to sleep. Ayokong mawala sa utak ko mga pinag-aralan ko kanina. And while thinking of our graduation and last project, I dozed off to sleep. ... ")
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD