“SIYA ba yung future wife mo na tinutukoy sa news? Maganda naman pala eh pero mukhang bata pa,” untag sa kanya ni Stephen, kapwa niya junior lawyer sa Dominguez-Lim-Licauco Law Firm.
Nakasilip ito sa bintana at kahit hindi niya tingnan alam niya si Shalee ang tinutukoy nito. Nasabi sa kanya ng security niya ang bawat galaw nito kaya alam niyang naroon pa din ito sa vicinity ng law firm. Nahilot niya kanyang sentido nang kumirot iyon bigla. Wala siyang maayos na tulog dahil dito at sa mga sinabi nito. Maaga pa siyang binulabog ng mga reporters at higit sa lahat, naiirita pa siya sa kasong hawak niya. Hindi kasi nagsasabi ng totoo ang plaintiff kaya palagi silang natatalo ng kampo ng defendant.
“Wala ka namang girlfriend so bakit hindi mo pa i-entertain?”
“Seriously, iyan talaga ang itatanong mo imbis na tulungan ako?” Iritado niyang tanong.
“Chill, kausapin mo na lang ulit yung plaintiff na kung maari magsabi na siya ng totoo para matapos na yung kaso. Good conversation over a cup of coffee can help. Sama mo yung little girlfriend mo tingin ko makakatulong siya. Only woman can understand a woman.”
Umalis na ito sa may bintana at tuluyan na siyang iniwan. Walang gana naman niyang nilipon ang mga gamit saka dinampot ang cellphone at wallet at lumabas na sa opisina niya. Dire-direcho siyang bumababa hanggang sa makarating siya sa main lobby kung nasaan si Shalee. May kalaro itong bata at nagtutupi tupi ito ng mga papel. Napatayo naman ito nang makita siya saka kumaway at ngumiti. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas. Alam niyang susunod ito kaya sinabihan niya ang mga guard na huwag ito pigilin.
“Uhm, saan tayo pupunta?” tanong agad nito pagkapasok sa sasakyan.
“Atty, doon po ba tayo sa Velaris?” tanong sa kanya ng driver s***h security niya.
“Yes,” maikli niyang sagot saka tinuon na ang atensyon sa binabasang case file.
Nang huminto ang sasakyan sa dahil nag red ang traffic light, napatingin siya sa gawi ni Shalee. Abala ito sa kung anong ginagawa nito sa hawak na tablet. Maya maya pa’y nadinig niyang tumatawa ito dahilan upang kumunot ang noo niya. Nasipat niya ang driver niya na napangiti dahil nainakto ni Shalee. She’s really weird. Saktong napatingin ito sa kanya marahil napansin nitong nakatingin siya.
“Oopss, sorry. Nakakatuwa kasi yung mga bida.” Naiiling niyang binalik sa binabasa ang atensyon.
Tumigil na sa panonood si Shalee at kumuha ito ng sketch pad at nagdrawing na lang doon. Nasilip ang ilang pahina ng hawak nitong sketch pad at nakita niyang magaling ito sa pagdidisenyo. Nanatili silang walang imikan hanggang sa marating nila ang Velaris. Sa isang corner sa second floor sila tumungo pagka-order at hindi na niya hinintay pa si Shalee. Nakasunod naman ito agad at may dalang tray na may lamang iba’t ibang klase ng cheesecake. Mayroon din doong smoothies, juice at milktea. May balak ba itong mag-mukbang sa harap niya?
“Gutom ako so don’t judge. Hilig ko talaga ang matatamis,”
“Kaya ka high maintenance,” mahina niyang sabi dito.
“Bakit tayo nandito? Date ba –“
“No. May i-me-meet akong client,”
“Okay…” Nag-umpisa na itong kumain habang nagda-drawing sa sketchpad nito.
Sa puntong iyon, dumating na si Ms. Ledesma ang kliyente niyang nagsampa ng r**e sa dati nitong boss na may-ari ng malaking manufaturing company sa bansa. Nag-alangan itong maupo nang makita si Shalee sa tabi niya.
“Just don’t mind her. Wala lang ibang mag-aalaga kaya sinama ko,”
“Hoy, hindi naman ako special child.” Sabat ni Shalee. “I’m Shalee his future –“
“My cousin,” sabat niya. “Now, let’s talk about the next arraignment, Ms. Ledesma. Kapag naunahan tayo ng kabilang kampo, matatalo na tayo. So, please be honest to me.” Napabaling ang atensyon niya sa gawi ni Shalee ng mag-tsked ito. Iignorahin na sana niya iyon ngunit bigla itong nagsalita.
“You’re scaring her which is not right because in this fight ikaw ang kakampi niya.” Tuloy tuloy nitong sabi at hindi na niya nagawa maka-entra pa. “Ano nga pangalan mo? Don’t worry mapagkakatiwalaan naman ako. I’m a licensed Architect residing in Spain pero pinag-iisipan ko na lumipat dito kasi ang mamanyak ng mga espanyol. Saka nandito yung mapapangasawa ko.”
“Shalee…” mariin niyang tawag niya sa pangalan nito. “Anong ginagawa mo?”
“Kinakausap siya,” simple nitong sagot. “So, your name?”
“Erin… Erin Ledesma,” sambit ni Ms. Ledesma. “Uhm, biktima ka din ng office harrasment?”
“Hmm, oo pero lumaban kasi ako kaya natanggal ako doon sa firm. Pero napakulong ko naman yung hayup na manyak na ‘yon. Hindi lahat kagaya ko dahil alam ko tinakot kaya ayaw mo magsalita, maaring pinagbantaan ka na papatayin ang malapit sayo. I’m sure may ganitong nangyari pero may abogado ka na magtatanggol sa ‘yo at kapag nakulong na siya panatag ka na,”
“Tinakot ka ba ng mga Moldez?” tanong niya Ms. Ledesma na sinagot nito nang magkakasunod na tango.
“Hindi ko sinabi kasi natatakot ako na baka patayin niya ang nanay ko. Nakakatanggap ako ng ganito at kanina ang pinaka-matindi,” wika nito saka nilabas ang bugkos ng death threats.
Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Mga mapang-aping mayayaman na madumi pa sa basura. Hindi na siya makapaghintay na makita ito sa likod ng rehas. Patuloy niyang kinausap si Ms. Ledesma at pinangako ditong maglalagay siya ng sapat na bantay sa bahay nila. Hihingi din siya ng restraining order sa korte pagsubmit niya ng mga panibagong ebidensya. Tinawagan niya ang investigator/liason niya upang ipa-check ang cctv footages malapit sa apartment ng mga Ledesma kasama iyon sa ipapasa niya arraignment sa susunod na araw.
Tuloy tuloy siyang lumabas ng Velaris pagka-alis ni Ms. Ledesma. Alam niyang nakasumod sa kanya si Shalee kaya hindi na siya nag-abala pa na lingunin ito. Napahinto lang siya ng may madinig na malakas na busina at sigawan. Paglingon niya, nakita niya si Shalee na inaalalayang tumayo ng mga tao at tinabi sa gilid. Napatakbo siya papunta dito at hindi inalintana ang naka-go ang mga sasakyan. Ano bang ginagagawa niya?
“Ano bang ginagawa mo? The f**k I’m lawyer but you made me jaywalked, for Pete’s sake!” sigaw niya dito.
“Bakit ka nasigaw? Sinusudan kita kaso nadapa ako dahil ang bilis mo maglakad,” singhal nito sa kanya. Napatingin siya sa tuhod nito. “Huwag mo isisi kay San Pedro at sa akin ang pagje-jaywalking mo.” Umiiyak nitong wika saka pinagmasdan ang nabasag nitong tablet. Marahas siyang napabuntong hinga saka lumihod sa harapan nito. Kinuha niya ang panyo sa inner pocket at tinakip iyon sa sugat ni Shalee sa tuhod.
“Ang tanda tanda mo na lampa ka pa rin tapos iyakin pa,” aniya dito.
“Ikaw kaya madapa hindi ka iiyak? Saka yung tablet ko, nandito lang designs ko.”
“You know that there’s an icloud, right? Auto sync naman siguro lahat ng apps mo dyan kaya wag ka mag-alala sa files mo.” Napalabi ito at humihikbi pa ding pinanunasan ang luha. Para itong bata talaga at bakit ba imbis na mainis siya naawa siya dito. Naiiling siyang tumalikod dito saka tinapik ang balikat niya “Tara na dadalhin kita sa clinic ni mommy.” Dahan itong pumasan sa kanya at marahan din siyang tumayo nang maka-ayos na ito.
“Ipapakilala mo na ako sa parents mo?” Natatawa nitong sabi sa kanya.
“Gusto mo bitiwan kita?” Naasar niyang sambit dito.
“Behave na ako saka masakit yung tuhod ko,” anito saka mas humigpit ang pagkakapalupot ng braso nito sa leeg niya dahilan para i-tap niya iyon. Talagang matutuyuan siya ng dugo dahil kay Shalee.