Chapter 03

1483 Words
NILIBOT ni Shalee ang tingin niya sa paligid ng family house ni Baste. Iniwan siya nito sa living room at nagpunta saglit sa clinic ng mommy nito para kumuha ng first aid kit. Makirot pa din ang tuhod niya at tingin niya, bukod sa peklat magkakaroon din iyon ng pasa. Bakit kasi ang tanga tanga niya maglakad? Oo, hinabol niya si Baste pero hindi excuse iyon sa katangahan niya. Nasapo niya ang kanyang noo ng maalala kung gaano kalala ang pag-iyak niya kanina. Dinaig pa niya ang two years old na bata sa pag-iyak at sa pampublikong lugar pa. Napalabi siya nang maalala din yung ginawang pagtawid ni Baste kanina kahit naka-go ang mga sasakyan. She felt his care for her that very moment. Lalo na nung nilagyan nito ng panyong takip ang sugat niya saka pinasan siya. Pakiramdam niya nasa cloud nine siya kanina. Malaya niya naamoy at napagmasdan ng malapitan. Wala itong miski isang pore, perfect shaped ang matangos nitong ilong at ang ganda din sa malapitan ng almond shape eyes nito. Hindi niya maiwasang mapangiti ngayon. “Naalog ba ng pagkakadapa mo yung utak mo?” tanong na siyang pumukaw sa kanya. She pursed her lips upon seeing Baste holding a first aid kit box. Naupo ito sa wooden center table sa harap niya saka binukas na kit. Una nitong nilabas ang alcohol dahilan para lumayo siya dito.”What are you doing?” Another question that she couldn’t answer. Kapag nalaman nitong takot sita sa alcohol pagtatawanan siya nito and worst ay ipang-asar pa nito iyon sa kanya. “O-okay na. H’wag mo na gamutin,” aniya dito. Akma siyang tatayo ngunit napigil siya nito. She felt an electrifying current when Baste held her hand. Pinalis niya ang kamay nito dahilan upang lalong kumunot ang noo nito. “May kuryente kasi,” mahina niyang sambit. “Saan mo ba nakuha yang ka-weirdo-han mo?”  “To my mom? Ah hindi baka sa tatay ko kaso hindi ko naman siya kilala,” “Patience, Seb. Patience.” Natawa siya bigla dahil ginawa nitong pagkausap sa sarili nito. Binitiwan nito ang alcohol saka muli siyang iniwan doon. Ill tempered attorney, tsss. Pero gwapo niya talaga… aniya sa isipan. “Sino ka?” tanong na nagmula sa tinig na halos kapareho ng kay Baste. Hinayon niya ang tingin dito at muntik nang malaglag panga niya nang makita ang dalawang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay kambal. May hawig ang mga ito kay Baste. Sa scrapbook niya, mga bata pa ito pero ngayon, binata na sila. “Mom, we have visitor,” anang nung isa sa kambal. “I think Kuya Seb brought her here I saw his car in the garage,” Halos pabulong na sabi ulit nung isa. Nalilito na siya, para siyang nakatingin sa salamin. Hindi niya malaman kung sino doon si Wren Jacob at Santiago Miguel. Sa puntong iyon, pumasok na doon ang tatlo pang tao. Yung dalawa namumukhaan niya at hindi siya pwedeng magkamali, parents iyon ni Baste pero yung kasamang babae nito hindi niya kilala. Hindi din naman kahawig nina Baste at sa tantya niya nasa edad niya lang ito. “Hey, weirdo –“ Nahinto sa pagsasalita si Baste nang makita ang parents nito. Nilapag nito ang betadine sa center table saka lumapit sa mga magulang nito. She couldn’t hear what or who their talking about. She just grab the hydrogen peroxide to clean her wound. Iyon lang ang natitiis niya bukod sa sabon at tubig. Masyado lang brutal si Baste at alcohol talaga ang ibubuhos sa sugat niya. “Shalee…” Nag-angat siya nang tingin at sumalubong sa kanya ang naka-ngiting si Mrs. Dominguez. “Let me do that for you.” Kinuha nito sa kanya ang hawak niyang panlinis ng sugat. She heard Baste laugh and that made her sad. Bakit sa iba nakakatawa ito? Bakit sa kanya hindi? Sinundan niya ng tingin ito at babaeng kasama nito hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto sa second floor ng bahay. “Mom, she’s crying.” Agad niya pinalis ang mga luhang naglandas sa pisngi niya nang mapuna iyon ng isa sa mga kambal. Ito ang palasalita mula pa kanina ng dumating ang mga 'to. “What’s wrong hija?” tanong sa kanya ni Mrs. Dominguez. “Wala po, ma’am.” Pilit siya ngumiti dito. “Buti po kilala niyo ako. I was only a baby the last time we met,” “You look like your mom and I wouldn’t forget your mom’s face, Shalee.” Hindi yata natanda ang mama ni Baste, maganda pa din ito at palangiti. Gano’n din ang papa nitong nakaupo sa pang-isahan sofa. Nasa tabi niya yung kambal na abala na ngayon sa pagce-cellphone. “How was your mom?” tanong ni Mrs. Dominguez sa kanya. “She’s fine, ma’am,” Bitchesa pa din kagaya ko… Gusto niyang idugtong iyon pero hindi niya ginawa dahil ginagalang pa din naman niya ang mama niya kahit parang aso’t pusa sila. “Call me Tita, hija.” Marahan siyang tumango dito. “Santi, Wren, can one of you bring her home. Mang Benny is too tired now to drive,” “Hey, Santi, she’s the crazy future wife of kuya Seb,” anang nung madaldal sa sigurado siyang Wren ang pangalan. “Future wife lang walang crazy,” aniya sa dito. Tumawa lang yung tumawag sa kanya na crazy dahil sa sinabi niya. Napapaisip siya bigla kung kapatid ba talaga ni Baste ito, masyado kasing madaldal at tingin niya magkakasundo sila. Tumayo at nilahad ang kamay sa kanya. “I’ll take her home, mom. Si Santi na po susundo kay Marie sa review center,” ani nung tumawag sa kanya na crazy. “Let’s go, busy si Kuya sa crush niya kaya hindi na iyon lalabas pa,” “Wren Jacob, stop it!” Siraulo ‘to ah, wasak na nga puso ko, dinurog durog pa, aniya sa isipan. Pinagalitan ito ni Mr. Dominguez at inutusan na ihatid siya pauwi. Inalalayan siya nito makatayo hanggang sa makarating sila sa garage. Gentleman naman kahit mapang-asar. Tapos yung isa, nagmana kay Baste sa pagiging masungit at tahimik. From there, she saw Baste hugging the girl awhile ago. Buset, triple kill na ako. Ayoko na gusto ko na mag-walling, mami! Malungkot siyang pumasok sa sasakyan ni Wren. Pinaandar nito iyon paalis doon. Buong byahe wala silang imikan kaya  naisipan nitong i-connect ang cellphone sa radyo pagkahinto nila dahil sa traffic light. Saktong tumugtog doon ang kanyang Maybe dahilan para matalim niya ito tingnan. Nahagulgol siya bigla at tinawan lang siya ni Wren bago inabutan ng isang box na tissue. “Mapang-asar ka din, no?” singhal niya dito saka pinupunasan ang luha niya. “I didn’t know na iyon yung kanta na nasa playlist. Cry baby, tss!” Muli silang natahimik na dalawa hanggang sa makarating sila sa condominium unit niya. “Woah, kapitbahay mo pala si Kuya Seb. Baka pasukin mo siya bigla, ha,” “Grabe, hindi ako gano’n, no!” singhal niya dito. He chuckles, “tips lang miss crazy future wife, mas trip ni kuya yung mahinhin, tahimik at alam ang interest niya. And because I like you, bibigyan kita ng listahan ng mga interest ni kuya Seb,” “Hindi ako napatol sa bata,” aniya dito. “Hindi din naman ako napatol sa matanda.” Aba’t! Ugh! Nakakainis naman itong kapatid ni Baste! Hiyaw niya sa isipan. “Anyways, kuya Seb loves extreme sports, triathlon, mountain hiking, dragon boat racing, F1 racing mga ganyan. That girl awhile ago is an athlete s***h attorney so may common denominator sila ni kuya Seb,” “Walang preno ‘yang bibig mo? Kailangan talaga ipamukha mo sa akin na magkaiba kami ng kapatid mo?” “Well, ayos lang naman na magkaiba. Ang boring kaya kapag hindi nakaka-challenge ang babae. Anyway, keep all the details I said in your mind and heart, future sister-in-law,” he winked and waved his hand at her. Patakbo nitong hinabol ang elevator na pasara. Nang makasakay ito, muli itong kumaway sa kanya bago iyon tuluyang sumara. Bagsak balikat siyang pumasok sa loob ng unit niya at doon naabutan niyang may kausap sa telepono ang mama niya. A stern look that almost burned her soul.  “She’s already here, Shien. Thank you at pasensya na sa abala. We will go back in Spain maybe next month. Pasensya na talaga kung nagugulo ni Shalee si Julio.” Napalabi siya saka pagbasak na naupo sa couch. Naigik siya nang maramdamang kumirot ang tuhod niya. Her mom glanced at her. “Sige, ipapatingin ko na lang din sa doctor ang tuhod niya.” Her mom were talking to Mrs. Dominguez. Nang matapos iyon ay hinarap siya nito. Pumaywang pa ito sa harap niya saka huminga ng malalim. “Sorry, ‘ma…” aniya dito. “Pagbibigyan kita sa gusto mong gawin ngayon. One month Shalee. One month lang at kapag hindi pa din pinansin ni Julio, babalik tayo sa Spain sa ayaw mo’t sa gusto. I know that you can’t make someone love you easily pero kailangan mo magising sa katotohanan para matauhan ka,” she pursed her lips. Paiyak na siya pero pinigil niya dahil kapag nag-breakdown siya sa harap nito malamang hilahin na siya nito pauwi. One month. One month to make Julio Sebastian fall for her. Kaya niya iyon dahil siya si Shalee Elisabeth Cuesta, ang palaban na Arkitekto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD