Chapter 00
“SHALEE, hindi ka na tumawag sa akin? Nakarating ka na ba ng Pilipinas? Call me asap, please?” It was her mom’s voice but she just ignored it. Another beep sound filled the entire room and she heard again her mom. “Shalee, hindi ko alam bakit hindi mo ako tinatawagan na bata ka. Humanda ka sa akin pagdating ko dyan!”
Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Shalee matapos niya mapagmasdan ang sarili niyang repleksyon. Handang handa na siya makilala ang kanyang future husband na siyang dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas. Ang sabi niya sa mama niya, bakasyon lang ang pakay niya doon ngunit ang pasaway niyang best friend binuko siya dito at sinabi ang plano niya.
One way ticket lang binili niya at wala naman kaso iyon dahil may dugong pilipino naman siya. Sa Spain nga lang siya lumaki dahil may pinagtataguan silang mag-ina. Hindi pala sila kung ‘di ang mama niya lang. Ayaw naman sabihin sa kanya kung sino at ni-humingi ng tulong sa mga pulis ay ayaw nito. Kiniling niya ang kanyang ulo upang iwaksi ang mga bagay na iyon sa isipan niya. Hindi siya dapat ma-distract o ma-stress dahil ngayon niya nakatakdang kitain ang lalaking naipangakong ipakakasal sa kanya.
Si Julio Sebastian Dominguez – panganay na anak nina Dra. Shieralyn Dela Cruz-Dominguez at Jose Ignacio Dominguez. Pinsan ng modelong si Savannah Domiguez at philantrophist na si John Elijah De Luna. Inayos niya ang buhok niya saka tumayo na at tuluyang lumabas sa condominium unit na tinitirhan niya. Hinayaan niya lang na dumaldal ng dumaldal ang nanay niya sunod sunod ang naging voice message sa kanya. She walked gracefully until reaching the parking lot.
Sa Manila Bay ang punta niya kung saan ginaganap ang dragon boat competition. Kasali doon ang team ni Baste na mga kaklase nito sa law school at ang ilan ay kapwa nito junior lawyer ng Dominguez-Lim-Licauco Law Firm. Hindi niya sigurado kung mamumukhaan siya nito dahil isang taong gulang palang sila pareho nung huli sila magkita. It was Baste’s first birthday.
Since her mother start telling her that she got arranged to be married to Baste, palagi na siyang nakatambay sa social media profile nito. Kung ito hindi siya makikilala, siya naman kilalang kilala ito. From his birthday down to his siblings’ birthday, alam niya kahit yung wedding anniversary ng mga magulang nito. Mayroon din siyang scrapbook na naglalaman ng mga litrato ni Baste mula nung baby ito hanggang ngayon na isa na itong well known lawyer.
A smile formed on her lips after glancing at the scrapbook placed on the passenger seat. Ipapakita niya iyon as proof na siya yung ipinagkasundo dito nung two months old pa lamang siya habang si Baste nama’y six months old. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan at nagawa niyang mag-overtake sa mga nasa unahan niya.
Matagal na niyang gustong bumalik doon kaso ang pag-aasam na maging karapat dapat kay Baste ang nanaig. She study well, enter senior high school level with medals and a lot of recognitions, graduated college with flying color and passed the Achitectural Licesensure Examination. Noong nag-aaral palang siyang natetempt na siya lapitan ito at magpakilala dito kaso mas nanaig pa din ang goal niya. To introduce herself to Baste once she’s already an Architect.
Pagka-graduate niya, bumalik siya ng Spain at pumasok sa iba’t ibang construction firm, tumanggap ng mga projects, maliit ‘man o malaki at last month nagresign siya at bumalik nga sa bansa para doon naman i-spread ang kanyang pakpak. May application na siya sa Ortega Constructions Group at naghihintay na lamang ng tawag mula sa mga ito.
Her thoughts were halted when her phone rung. Agad niya pinindot ang ang answer button noon. It was a call from Kianna – her best friend who betrayed her.
“Shalee is dead, she can’t talk to the phone right now,” aniya sa kaibigan.
“Bakla ka ng taon! Galit na galit ang mama mo sa ‘yo.” She just rolled her eyes. “Sigurado ko ba dito sa gagawin mo, Shalee Elisabeth? Paano kung i-reject ka niya? Nakakahiya kaya iyon tapos dyan pa talaga sa competition mo gagawin. Hibang ka na talaga,”
“Call me what you want, Kianna but it won’t change my mind. Hindi naman manggagalaiti si mama kung hindi mo sinabi. Saka isa pa, I’m twenty four years old now, alam ko na ginagawa ko at hindi ito kahibangan, okay?”
She hates when Kianna or even her mom treat her like a baby who has a fragile feelings. Kung alam lang nila ang lahat nang pinagdaanan niyang struggles, racist comments and bullying noon, baka sabihin pa ng mga ito na sobrang tapang niya. She choose not to tell it to everyone because she doesn’t want to be a burden. Buong buhay nila ng mama niya, tumatakbo sila at sa Spain lang nakatagal. Those life events made her realize that running away are for weak people. Bakit siya tatakbo kung kaya niya harapin ang lahat? Kaya hindi niya magawang maintindihan ang mama niya.
“Girl, isang paalala lang ha, hindi basta basta ang pamilya niyang sinasabi mong future husband mo. They’re protected by a lot of security personnels. Kung nasaan sila, mahigpit ang pag-che-check sa lahat.”
“Duh, I know that already. Dating senador ang lolo niya tapos may pinsan siyang pamangkin ng Presidente ng Pilipinas. May ex-military men siyang uncles, lahat ‘yan alam ko. Lawyer ang isa niya pang uncle, doctor yung isa, dating artista naman yung isa,”
“Whatever, Shalee. Basta mag-iingat ka dyan at humanda ka sa mama mo.” Natawa siya bigla dahil sa sinabi nito sa kanya. Suko ito sa pagiging keen niya sa mga detalyeng may kinalalaman kay Baste. Sana nga daw naging pulis na lang siya o di kaya detective pero sabi naman niya, mahilig lang siyang manood pero hindi niya trip magsolve ng mga kaso in real life.”If he reject you, come home, okay?”
“He won’t reject me.” Sigurado siya doon. Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo hanggang sa makarating na siya doon. Madaming tao at lahat may kanya kanyang chine-cheer. Matama siyang sinuot ang black shades saka bumaba na sa kanyang sasakyan. Mainit sa Pilipinas kumpara sa Spain pero ayos lang iyon basta para sa taong mahal niya, walang mainit na panahon. A smile formed again on her and start walking towards sa competition area.
Julio Sebastian, here I come…
BASTE congratulated each members of his dragon boat team for winning the competion. Gano’n din ang ginawa ng mga ito sa kanya. Tradisyon na para sa kanya ang sumali sa gano’ng patimpalak na palaging ginaganap sa linggo ng kaarawan niya. Kahit pinipigilan siya ng mommy niya, tuloy pa din siya sa pagsali doon. Kasama niya ngayon sa team nila ang mga kapwa niya junior lawyers ng Dominguez-Lim-Licauco Law Firm.
Dragon boat racing was one of the sporting events that he tried. Next goal niya ang triathlon nagaganapin din sa bansa ngayong taon. He already conditioning his self for an intensive training that he’ll go through. Sa kanilang apat na magkakapatid siya ang pinaka-active sa mga gano’ng klase ng event. His siblings were contented already working out on a gym. Boring iyon sa kanya, mas gusto niya maging adventurous dahil iisa lang buhay ng tao. Stress reliever na din niya lalo’t bumibigat na ang mga kasong hinahawakan niya ngayon. Lalo tuloy dumami ang security detail niya ngayon na utos ng mommy niya.
“Bro, nice game. Sa susunod ulit magkalaban na naman tayo,” anang sa kanya ni Mavi – team captain sa kalaban nilang team. “Parang dumami yata itong bantay mo,” puna nito habang isa isang pinagmamasdan ang mga bantay niyang nakakalat sa paligid.
“Utos ng mga magulang ko at bawal tumanggi,” tugon niya na kinatawa nito.
“Well, let’s hang out sometimes. May bagong bukas na bar sa BGC, try natin at isama mo din yung mga kapwa mo abogado,”
“Sige, I’ll tell them.” Maikli niyang sabi dito. Someone grab his shoulder but all of the guards covered him immediately. Gano’n din si Mavi na nakita na lang niyang may nakarang na miyembro ng security detail niya. Hindi kung sino lang ang humawak sa balikat niya, maliit ang kamay noon at malambot pa.
“Aray naman! Kuya, nabali mo yata yung kamay ko. Alam mo bang bread n butter ko ‘to? Paano kung hindi na ako makapag-design?” Dinig niya singhal ng isang babaeng naka-salampak sa konkretong kalsada at napapalibutan ng mga security niya. “Bakit niyo ba ako hinila? I’m his future wife, grabe kayo!”
Nangunot ang noo bigla dahil sa narinig. Nakita niyang tumayo ito at pinagpag ang suot na damit halatang binili sa isang sikat na clothing company. She has an expressive pair of eyes, fuller lips, round face and high cheek bones. Kulot sa dulo ang dark brown nitong buhok at sa tantiya niya nasa five feet and eight to nine inches ang height nito. Inayos nito ang suot na shades habang patuloy na nakikipagdiskusyon sa mga security niya. Paulit ulit nitong sinasabi na ito ang kanyang future wife. Kailan pa? Wala siyang maalala na nabanggit ng mga magulang niya tungkol sa arranged marriage.
Mataman niyang hinawi ang security detail niya at hinarap iyong babae. Her eyes widened upon seeing him. Daig pa nito ang nakakakita ng multo sa sobrang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito.
“Who are you?” tanong niya nang makalapit na siya.
She gulped first before speaking. “Grabe ang gwapo mo pala talaga sa malapitan. Akala ko sa picture lang,”
“What?” Tumaas ang isang kilay niya saka matalim itong tiningnan.
“Uhmm, sorry, I’m Shalee Elisabeth Cuesta, you’re future wife.” Nilahad nito ang kamay nito sa harap niya.
“Are you crazy?” tanong niya dito pero tumawa lang ito.
Bago pa ito makasagot ulit sa tanong niya may isang babae na humila sa buhok nito paalis doon. Lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari dahilan para umalis siya doon at nagtungo sa family house nila. Only his mom can explain what just happened.
Pagkaparada niya ng sasakyan sa malawak nilang parking lot, dali dali siyang bumaba at direchong tumungo sa kusina kung saan palaging naroon ang mommy niya. His mom loves to cook and even his younger sister Mariestelle inherit it. Doon naabutan niyang nagba-bonding ang dalawa kasama pa ang daddy niya.
“Kuya! Napanood namin yung race and you won, congratulations!” Masayang sabi sa kanya ni Mariestelle na tinugon niya lang ng ngiti. Nilapitan niya ang mama niya saka hinalikan ito sa pisngi at naupo sa katabing upuan ng daddy niya. “Bakit parang mas nalugi itsura mo kaysa nanalo, kuya?”
“Did you arranged me to be married to someone I don’t know?” Direchong tanong niya na dahilan upang mabagsak ni Mariestelle ang hawak nitong spatula. “Did you do it? Mom? Dad?”
Isang tikhim galing sa daddy niya ang bumasag saa katahimikan ng mommy niya. “Seb, its just an agreement by words of mouth.”
“Then, who is this Shalee Elisabeth Cuesta? She said that I’m his future husband and everyone heard it,” tanong pa niya uli.
“Nandito na si Shalee?” Marahas siyang napabuntong hininga. His mom knows that crazy girl awhile ago. “Look, Seb, hindi seryoso yung usapan na iyon. Wala akong balak mangialam sa personal mong buhay kahit sa mga kapatid mo. If Shalee’s here, baka may ibang rason. She and her mom suddenly disappear twenty four years ago.”
Marahan siyang tumayo at umalis na doon. Wala siyang panahon na pakinggan kung sino ang Shalee na iyon at bakit ito bigla na lang naglaho noon. Direcho siyang pumasok sa kwarto niya at sa banyo nagkulong. Naglunoy siya sa ilalim ng shower at pilit na winawaksi sa isipan ang mga nangyari kanina.
Madami media sa competition area at malamang ang iba doon nakuha ang maliit na eksena niya at ni Shalee. Hindi na siya magtataka kung bukas o baka mamaya nga lang ay laman na siya ng balita. Where did that girl got her nerve to tell it in the world? Sobrang confident nito at parang seryosong seryoso ito na siya ang future husband nito. Shalee’s face keeps on flashing in his mind. What should he gonna do?