TAMAD TAMAD na niyukyok ni Shalee ang ulo niya sa lamesang nasa harapan niya. Kanina pa siya nadoon sa kwartong parang clinic. Walang ibang nasa loob noon kung ‘di lamesa at upuan kaya pakiramdam niya mababaliw siya doon. Hindi niya maintindihan bakit siya dinala doon samantalang si Baste lang naman ang pakay niya kaya siya nagpunta sa law firm na pinagta-trabaho-an nito. Her mom were adamant on dragging her ass off back to Spain. Kaya tumakas siya doon na nagpunta para magpatulong na pigilan ang mama niya.
Nabangon siya ng bumukas ang pintuan at niluwa noon si Baste. Agad siyang tumayo at mabilis na lumapit dito saka yumakap. The security details were alerted when she did that but Baste just raised his one hand. Nadinig pa niyang inutusan ang mga na lumabas muna at iwan sila doon.
“So, what are you doing here?” He’s cold tone gives an unexplained chills down to her spine. Inalis nito ang pagkakayakap niya sa leeg nito at pinabalik siya sa upuan niya. Napalabi siya at sumunod na lang dahil mukhang mainit ang ulo nito.
“I came here to see you. My mom tried to drag my ass off back to Spain and I escape,” aniya dito.
“You what?” Marahas itong napabuntong hininga bago muling nagsalita. “Alam mo, hindi ko pa din ma-process yung mga sinasabi mo. My mom told me that its just an agreement by words of mouth meaning walang kasulatan na napirmahan both parties kaya hindi valid.” Napangiti siya bigla habang pinagmamasdan itong magsalita. Naimagine niya dito yung napapanood niyang mga abogado sa mga TV series. “Do you understand me, miss?”
“Shalee. Always remember my name,” aniya dito.
“Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?”
“Hindi. Ano nga sinabi mo? Ang gwapo mo kasi masyado nadidistract ako,”
Baste heaved a deep sigh. He stood up and turned his back off at her. Nakita niyang tumingala ito saka muling huminga ng malalim. She pursed her lips and watched him. He’s really good looking and smell nice. Hindi masakit sa ilong ang amoy nito at bagay dito yung pabangong nabili niya nung isang araw.
“Look, I’m a busy person,”
“I know. You have a lot of readings everyday tapos iba iba pa kausap mo and I’m also a busy person pero hindi pa ngayon kasi next week pa ako magsisimulang magtrabaho,”
“Lord, she’s very talkative!” Naiiritang sambit ni Baste.
“I’m really talkative kaya madami akong client sa Spain pero ang hirap kausap ng mga espanyol. Akala nila lagi magician ako,”
“Matutuyuan ako ng dugo sa ‘yo, miss -“
“Shalee na nga lang kasi. Spell ko pa? Ang dali kaya ‘non bigkasin.”
“Umuwi ka na lang. Madami pa ako trabaho nag-iintay sa akin,”
“Ayokong umuwi. Dito na lang muna ako, promise I’ll behave,”
She raised her hand and make a cross on her chest. Naiiling lang na tinalikuran siya ni Baste at lumabas na ito. Dali dali naman siyang sumunod dito pero hindi siya pinalampas ng mga security nito dahil upang nanlulumo siyang napatalungko na parang batang inagawan ng candy. Napalabi siyang tumingin sa security ni Baste saka tumayo.
“Hindi naman ako masamang tao. Licensed Architect ako, hello.” Niinis niyang sabi saka muling pumasok sa loob at kinuha ang bag niya. Sa paglabas niya panay irap lang binigay niya sa mga lalaking nakaitim na akala mo laging may pupuntahang lamay. Tumingin siya left and right. Hindi niya malaman kung saan siya lalabas at mabuti na lang may isa sa mga ito ang nagturo sa kanya na pumunta sa kanan. Muli siyang umirap at mabibigat ang mga paang nagmartsa palabas doon.