Kinabukasan, tanghali na nang magising siya at una niya pang ginawa pagka-alis niya ng muta ay tiningnan ang social media profile ni Baste. There was a new post on his timeline. It’s a photo taken on the competition last Sunday. Sa ilalim noon ang mga comments na binabati ito ng happy birthday dahilan upang mapabangon siya. Its his birthday today and she almost forget it. Nasapo niya ang noo niya saka nag-comment din doon greeting him and asking what’s his favorite cake flavor. She waited for a minute until her phone vibrated.
_captainwrenjacob replied to your comment
Nangunot ang noo niya bigla. It was Wren who answered her question. Blueberry cheesecake daw ang paborito nito. Napatalon siya sa saya dahil doon. She knows how to make that and her blueberry cheesecake was the best.
“Saya mo dyan?” Napanguso siya bigla nang madinig ang boses na iyon ng mama niya. "Bumangon ka na dyan at samahan mo ako mag-grocery.” Nagliwanag ang mukha niya ulit na kinakunot ng noo nito.
“Its Baste’s birthday,” mahina niyang sabi.
“Oh tapos?”
“Gagawa ako ng cheesecake at bibigay sa kanya mamaya. Konting suporta naman po,”
“Hay, Shalee Elisabeth, bahala ka nga. Kumilos ka na baka magbago pa isip ko at hilahin kita pabalik sa Spain.”
Dali dali siyang tumayo, inayos ang kamang hinigaan. Tumungo na siya agad sa banyo at naligo. After thirty minutes, lumabas siyang naka-bathrobe at matamang tinutuyo ang buhok. Direcho siyang tumungo sa walk in closet niya at kinuha doon ang isang ripped jeans, red knitted long sleeves blouse and pares ng puting sapatos. Hinayaan niya lang nakalugay ang kulot niyang buhok matapos naglagay ng konting blush on sa pisngi pagka-apply ng fade powder. Red lip tint lang ang ginamit upang magkakulay ang labi niya. Napangiti siya nang makita ang sariling repleksyon.
“Soon, Julio Sebastian will fall for you, Shalee Elisabeth. Just patiently wait, hmm?” Pangungumbinsi niya sa sarili.