ISANG box ng cake at maliit na paper bag na may naka-drawing na caricature ng mukha niyang nakasibangot ang nilapag ni Wren sa working table niya. Hinayon niya agad ang tingin sa kapatid at sa mga pinatong nito sa lamesa niya. Alam na niya kung kanino galing iyon kaya hindi na siya nagtanong pa. Yesterday, he celebrated his twenty fifth birthday. Buong maghapon siyang nasa family house niya at nung gumabi, sumama naman siya sa kapwa niya abogado sa isang bar sa BGC. Literal na bumaha ng alak doon at iyon ang dahilan kung bakit siya may hang-over ngayon. Binigyan na siya ng gamot ng sekretarya niya at nainom na din naman niya iyon. "Buong magdamag ka hinihintay ng crazy future sister-in-law ko. Grabe talagang hindi siya natulog at nakatayo lang sa harap ng unit mo," anito sa kanya. Hindi n