Miguel POV Habang unti-unting humihiga ang kanyang katawan sa buhangin ay nakatitig lang ako sa kamay kong puro dugo. May tama siya. Sinalo niya ang bala na dapat ay sa akin. Hindi maalis sa aking isip ang pagharang niya sa kanyang sarili para mailigtas ako sa kamatayan. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala naming dalawa na pilit kong kinalimutan dahil sa sakit na aking naramdaman sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nasa harapan ko siya nakahiga sa basang buhangin duguan at walang malay. “L-lhira,” Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang ikulong sa aking mga braso at yakapin ng mahigpit. Halo-halong sakit at pagdurusa ang aking nararamdaman. Hindi na ako makahinga. Hinayaan kong maglandas ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit na lumalarawan