Miguel POV Halos magagabi na nang makabalik ako sa isla. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang panahon bukas ng umaga. Walang ulap at makulimlim ang paligid. Kailangan kong paghandaan ang pagdating ni Lucio. Kapag hindi niya sinunod ang plano ko ay hindi ko ibibigay sa kanya si Lhira. Yun ang dahilan kaya nagpahanda ako ng speed boat kay Anton. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya kanina. Hayop ka talaga Lucio! Sa kahuli-hulihang pagkakataon gusto mo paring bilugin ang ulo ko! Kahit kailan hindi ako maniniwala sa kriminal na gaya mo! Sigurado akong sinasani lang niya yun para pakawalan ko si Lhira. Pagkarating ko sa isla ay hindi ako nag-abalang silipin si Lhira sa loob ng kubo. Dahil sa nalalapit naming pagkikita ni Lucio ay mas lalong natutuon ang isip ko para sa gagawin