Lhira POV
Bago matapos ang program ay nag-alay ng kanta ang mga bata sa harapan namin. Nakangiti akong pagmasdan sila habang umaawit ng kanta na may pamagat na ‘thanks to you’. Pagkatapos ay excited na ang mga bata sa pagkain na inihanda ng mga sponsor ng bahay ampunan. Tumayo ako at tinulungan ang mga batang kumuha ng pagkain karamihan kasi sa kanila ay mga maliliit pa at hindi kayang dalhin ang mga plato nila at inumin ng sabay. Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng pagkain ko at umupo kasama sa table ng mga bata.
Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin ngunit inisip ko na lamang baka yung mga press kaliwa’t-kanan din kasi ang kislapan ng camera. Masaya lang akong kumakain kasama nila.
Matapos kong kumain ay naglakad lakad muna ako sa malawak na harapan ng bahay ampunan para magpapababa ng kinain. Sa kakalakad ko ay hindi ko na namalayan nakarating na ako sa ginagawang bagong building ng ampunan. Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang batang may hawak na teddy bear.
Pamilyar sa akin ang batang yun dahil siya ang kasama ni Miguel. Hindi ko alam kung kaano-ano siya ni Miguel. Kaagad ko siyang nilapitan dahil umiiyak ito at walang kasama. "Baby, anong pangalan mo nasaan ang kasama mo?" Tanong ko.
"Mia po. Nawawala po kasi si yaya at si Tito Miguel.” Na-iiyak na wika niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kasi imbis na siya ang nawawala yung yaya pa niya at si Miguel ang nawawala. Tumapat ako sa kanya. At hinawakan ko ang pisngi niya.
"Ah ganun ba? Wag ka ng umiyak hahanapin natin ang nawawala mong yaya at Tito.”
Kinuha ko ang maliit niyang kamay at inakay siya pero biglang humangin ng malakas napatingin ako sa itaas dahil narinig ko ang pagkalas ng tubo malapit sa amin.
Natumba ang isang bahagi ng scaffolding. Huli na para umiwas kaya niyakap ko na lang ang bata. Mariin akong napapikit ng tumama ang mga tubo sa amin.
"Thea! Mia!" Narinig kong tawag ni Miguel. Pero hindi ko siya nilingon bagkus tinignan ko ang bata. “Are you okay baby?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango siya pero halatang natakot siya sa nangyari. Nakaluhod parin ako at nakaharap kay Mia nang makalapit na si Miguel.
"Are you both okay?" Nag-aalalang tanong niya.
"I’m okay," Pero napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng braso ko paikot sa likod ko. Kung nagkataon na lahat ng tubo ang bumagsak sa amin baka mas lalong malala ang naging tama ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na nasaktan ako.
"Mia, nasaktan ka ba?" Tanong niya. Umiling ang bata. At narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"What happen?" Tanong ni Miss Matilda.
"Miss Matilda, kailangan niyo pong gawing mas safe ang pagpapagawa ng building na to lalo na maraming bata dito." Ani Miguel habang inaalalayan niya akong tumayo.
"Naku pasensiya na Mr. Martinez and Miss. Morales nasaktan ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Ms. Matilda.
"Were okay Ms. Matilda" Nakangiwing sagot ko. Hinaplos ko ang braso kong tinamaan ng tubo. Dahil ramdam ko ang pagiinit ng bahaging yun. Maaring magkapasa ako kung hindi ito malulunasan.
"You’re not okay, let’s go. We have to go to the hospital." Yaya ni Miguel. Sakto namang dating ng tagapag-alaga ni Mia.
"Were have you been yaya. Alam mo bang muntik ng mapahamak ang pamangkin ko?" Inis sa wika ni Miguel.
"Sorry po sir Miguel, kanina ko panga din po siya hinahanap eh bigla kasi siyang nawala sa pinag-iwanan ko sandali sa kanya.” Naiiyak na wika niya. Natakot ata sa galit na expression ni Miguel.
Ayaw ko man na dalhin niya ako sa ospital. Hindi ko na maitago ang namumula at malapit ng maging pasa sa braso kumikirot na din ito. Kaya lalo pa niya akong pinilit na dalhin sa ospital. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya nang alalayan na niya akong sumakay sa kotse niya. Abot-abot rin ang paghinge ng paumanhin ni Ms. Matilda bago kami umalis. Naiwan ko sa kotse ang aking cellphone kaya hindi ko matawagan si Mama.
Tahimik ang naging byahe namin. Pero kahit hindi ako nakatingin ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin dahil nasa tabi lang niya ako.
Hinatid muna niya ang kanyang pamangkin at ang yaya nito sa bahay nila. Bago kami tumuloy sa hospital wala pang twenty minutes nang makarating kami. Kaagad akong dinala ni Miguel sa information office.
"Miguel, wala akong dalang wallet paano ako magbabayad dito saka ipapasundo ako ni Mama sa ampunan."
"It’s okay, ako na ang bahala, binilin ko na din kay Ms. Matilda kung sakaling may maghanap sa’yo. Ako na rin ang maghahatid sa bahay mo."
Napabuntong hininga na lang ako dahil ang totoo ayaw ko talagang pumasok sa ospital. Bago kami pumunta sa doctor ay nagpa-chest xray muna ako pati narin sa shoulder. Matiyaga namang nag-antay si Miguel sa waiting area.
“Kailangan daw nating bumalik after fifteen minutes bago lumabas ang result." Wika ko kay Miguel ng matapos na ako umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya isang upuan lang ang pagitan namin.
"Thank you nga pala sa pag-save mo sa pamangkin ko Thea." Wika niya habang nakatingin sa akin. Narinig ko na naman mula sa kanya ang pagtawag niya sa akin ng Thea. Kung pwede ko sabihin na hindi ako si Thea at ako si Lhira ginawa ko na.
"Wala yun Miguel, kahit naman siguro sino ang nasa sitwasyon ng pamangkin mo gagawin ko yun." Nakangiting sagot ko sa kanya. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. Pero malaking problema sa akin kung ihahatid niya ako sa bahay namin.
“Mas maganda ka kung nakangiti kaysa nagtataray.”
Napatingin ulit ako sa kanya. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sasabihin niya yun dahil ang alam ko talaga may pagkamayabang siya.
Nginitian niya ako, nag-umpisang tumibok ang puso ko. Nasabihan lang akong maganda ganito na ang epekto sa akin? Matagal na naman akong maganda pero bakit pag sa kanya nangaling ay iba ang hatid noon?
Hindi pwede ito!
Nag-iwas ako ng tingin. Maya-maya pa ay dumating na ang result ng x-ray ko. Agad kaming dumiretso sa orthopedic doctor na ni refer sa amin. Inabot ko sa kanya ang record ko sa doctor matapos niyang tanungin kung napaano ako.
“Ms. Morales, based on your x-ray, okay naman ang results walang fractured bones siguro swollen muscles meron reresitahan nalang kita ng medicine. Iwasan mo muna ang mga physical activies para mapahinga mo yung affected area.
"Okay po doc, thank you po." Paalam ko sa doctor. Pagkatapos na magbayad ni Miguel sa consultation fee ay sumakay na ulit kami sa kotse.
"Pwede ba tayong magkape?” Alok niya sa akin.
"Ha? Ah eh, wag na lang siguro kailangan ko ng maka-uwi. Baka hanapin ako ng Papa." Palusot ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Address ni Thea ang binigay ko sa kanya dahil baka malaman niya kung saan ako nakatira.
Mag alas-kwatro na nang makarating kami sa bahay ni Thea. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. At nagdoorbell ako sa malaking gate nila ni Thea. Agad naman akong pinagbuksan ng guard.
"Pasensya na hindi na kita mapapasok.”
Tumango si Miguel at sumenyas na aalis na. Kaagad naman akong pumasok sa gate at dumiretso sa loob para hanapin si Thea. Agad akong dumirecho sa kwarto niya nang may marinig akong nagtatalo mula sa loob ng kwarto ni Thea. Inilapit ko ang aking tenga para pakingan ito.
"What dad! Seryoso po ba kayo? I’m only 25 years old! I’m not ready to get married marami pa akong gustong mapuntahang lugar at marating dad. Besides hindi ko kilala ang Miguel na yun!" Malakas na boses na wika ni Thea.
Ikakasal si Thea at si Miguel? Kaya ba sila pinilit na pinag-date ni Tito Raymond? Paano na yun? Ako ang nakadate niya at hindi si Thea? Alam kaya ni Miguel na ito ang plano ng kanilang mga magulang?
"Thea please makinig ka, kilala mo naman ako hinding hindi ipipilit sa yo ang isang bagay kung hindi ito mahalaga may malalim akong dahilan kaya please pumayag kana." Paki-usap ni Tito Raymond kay Thea.
"Please anak, ito na lang ang last favor na hinihingi ko sayo. It’s for your own good anak.” Pamimilit pa ni Tito.
"No!"
Lumabas na siya ng kwarto nakita niya akong nakatayo sa labas at hinila niya ako.
“Saan tayo pupunta Thea?" Maang na tanong ko sa kanya.
“Let’s go sa coffee restaurant, I want to eat cake." Wika niya. Alam kong pag na-sstress ito ay sweets agad ang gustong kainin dahil parehong-pareho kaming dalawa. Kaagad kaming sumakay sa kotse niya at siya na ang nagmaneho. Wala pang sampung minuto ay nasa harapan na kami ng Coffee shop.
Pumasok kami sa loob at kumuha ng table for two. Umupo na ako at hinayaan ko na lang si Thea ang mag-order. Alam na rin naman niya ang taste ko sa coffee pati narin sa cakes.
"Inorder ko na yung paboritong mong caffee latte at double chocolate cake." wika ni Thea umupo din ito sa tapat ko.
"Lhira what happen you? Bakit may pasa ka sa braso? Sinaktan ka ba ni tito?" Sunod-sunod na tanong niya. Kitang-kita naman kasi talaga ang pagkukulay violet ng braso ko dahil maputi ako.
"Hindi no! Nag karoon lang ng kaunting aksidente sa ampunan sinamahan ko si mama doon. Wag mo na ‘tong isipin. How about you Thea? Hindi ko sinasadya na marinig ang usapan niyo ni Tito." Usisa ko.
"Wala yun, another sakit sa ulo ko na utos ni dad pero kahit kaladkarin pa niya ako sa simbahan para ipakasal kay Miguel Martinez ay hindi ako papayag." Mariing tangi niya. Maya-maya pa ay dumating na rin ang order namin.
Hindi ko alam kong ano ba itong gumugulo sa akin. Bakit ganon? May bahagi sa isip at puso ko na hindi nagtutugma. Dapat ko na bang sabihin kay Miguel na hindi ako si Thea? O dapat ko na bang sabihin kay Thea na nagkita ulit kami ni Miguel ng hindi sinasadya?