Lhira POV
Yung totoo? Sa dinami-dami ng lugar sa pilipinas bakit nagkita pa kami ulit? Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko lamang siya ngayon. At mataman na nakatingin sa akin. Kung sino pa talaga ang gusto mong iwasan siya pa ang makikita mo.
“Bakit ka nandito?” Kunot noo na tanong niya sa akin.
Dinuro ko ang sarili ko. “Ako? Ikaw ang dapat tanungin ko. Bakit ka nandito?”
“Dad ko ang isa sa founder ng Angel’s home orphanage kaya ako nandito eh ikaw? Wag mong sabihin na ini-istalk mo ako?”
"What? Ako pa talaga ang mang-iistalk sayo? Kapal mo naman! Kanina pa ako dito. At ikaw mukhang kakarating mo lang so sino ang nang-iistalk ngayon?” Inis na inirapan ko siya at bumalik ang atensyon ko sa mga bata.
"Ate ganda, kuyang pogi, bagay kayo." Sabat ng bata.
"Ano? Kami? Hindi no!" Kaagad kong sagot. Batang-bata pa dami ng mga alam. Saka yung Miguel na yun? Hell no!
Yumuko ako at nilapitan batang nagsalita.
"Hindi ko siya type." Pabulong na wika ko pero siguradong narinig niya yun. Sinadya ko din naman talagang ipadinig sa kanya para matauhan siya.
"Bakit? Akala mo ba type kita?"
Napabalik ang tingin ko sa kanya. Pero kaagad siya tumalikod sa amin.
"Hoy! Anong sabi mo?!" Tawag ko sa kanya pero hindi na ako nilingon ng antipatikong lalaking yun. As if naman na type ko siya! Eh bukod sa babaero na ay masungit pa!
Loko yun ah! Kala mo kung sinong magandang lalaki. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya habang nagtawanan naman ang mga bata sa harapan ko. Bahagya tuloy nawala ang inis ko. Ang ganda pagmasdan ng mga ngiti nila dahil kahit wala silang mga magulang ay masaya sila.
"Pero ate, gwapo naman talaga siya diba?" Hirit pa ng bata na sa tingin ko ay anim na taong gulang na.
"Oo nga, pero hindi ko siya type. Kung si Sunjae pa yun baka pwede pa." Malakas na tawa ko.
"Sino po si Sunjae? Gwapo din po ba yun?" Pahabol na tanong ng bata.
"Naku! Yung secret boyfriend ko wag niyo ng itanong kasi mga bata pa kayo ha?" Nakangiting wika ko sa kanila. Itutuloy na sana namin ang paglalaro nang makita ko ang paglapit ni Miss Matilda.
"Bakit po Miss Matilda?"
"Ms. Lhira. Nag-paalam na kasi ang mama niyo may emergency daw sa planta hindi na siya nakapag-paalam pa sa iyo kasi hindi daw po kayo nasagot sa tawag niya. Pero ipapasundo niya daw po kayo after ng program." Paliwanag niya sa akin.
"Ah ganun po ba? Sige po salamat. So you mean, need ko pong mag-stay hanggang matapos ang program?"
"Opo Miss Morales, dapat ang mama niyo po ang may part sa program kung hindi siya umalis madali lang naman po ang gagawin." Nakangiting wika ni Miss Matilda.
"Naku Miss, don't tell me pakakantahin niyo ko sa program wala po akong talent sa ganun."
"Hindi po Miss Lhira, kailangan niyo lang po silang basahan ng short story mamaya kasi ilalagay daw po nila yun sa news paper." Paliwanag ni Miss Matilda.
"Miss Matilda kaya ko pong basahan sila ng stories pero hindi po sa harap ng camera nahihiya po kasi ako sa ganung exposure." Pagdadahilan ko. Hindi naman kasi talaga ako sanay sa maraming tao lalo na kung hindi ko kilala. Hindi lang yun nandito pa si Miguel.
"Sige na Miss Ganda." Sabat naman ng mga bata na kanina pa ako dinadaldal yun din ang sinabi ng ilang bata.
"Hay....sige na nga! Ano pa nga bang laban ko sa inyong mga cute na bata."
Napangiti si Miss Matilda sa pagpayag ko at tumalon naman sa tuwa ang mga bata.
Sa malawak na likuran ng bahay ampunan gaganapin ang program. Naglagay ng maliit na stage at sa harapan naman nito ang maliliit na upuan para sa mga bata. May sound system din at sa bandang likuran. May mga lamesa at upuan para sa mga special guests. Sa bandang gilid naman ang mahabang upuan at lamesa para sa mga batang kakain katabi ito ng mahaba at malaking mesa na nilagyan pa ng catering table design at mga masasarap na pagkain na hinahanda sa pagdiriwang.
Nag-umpisa ang programa sa panalangin ng isang batang babae na nakatira din sa bahay ampunan. Naka-upo narin kami sa mga upuan para sa mga guest. Nakita ko naman si Miguel sa tapat ko at may katabi itong bata at tagapag-alaga. Halos apat na tao ang nag co-cover ng event isang videographer isang camera man at dalawang galing sa press. Hindi ko din maiwasan na masulyapan si Miguel dahil napapansin kong nakatingin din siya sa akin.
Nagpasalamat si Miss Matilda sa lahat ng sponsor ng angels home at kabilang na doon ang pamilya namin at pamilya ni Miguel.
Ano kayang problema ng lalaking yun? Akala niya siguro hindi ko siya napapansin na sumusulyap sa gawi ko. Nakakunot pa ang noo nito hindi kaya hulas na yung make up ko? Pero manipis na foundation at manipis na kulay pink lipstick lang naman ang inilagay ko. Hindi ko na naman kailangan magkilay dahil makapal naman at itim ang kilay ko. May fifteen minutes pa bago ako tawagin kaya pupunta muna ako sa restroom. Kaagad akong tumayo nginingitian ko ang lahat ng tao sa paligid na madadaanan ko except kay Miguel inirapan ko siya dahil sa sinabi niya kanina sa akin lalo pang kumunot ang noo niya sa akin. Ganon din ang ginawa ko pagbalik.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang tawagin na ako ni Miss Matilda para maghanda sa gagawing pagbasa ng maikling kwento para sa mga bata binigay din ni Miss Matilda ang libro na may katamtamang laki at may colorful cover.
"Para sa susunod na bahagi ng aming programa ay magkakaroon kami ng story telling na pangungunahan ni Miss. Morales."
Nagpalakpakan ang mga guests at kinakabahan akong umakyat sa stage.
Gosh! Ito pala ang feeling na nasa center ka ng mga audiences na hindi mo kakilala. Napilitan akong ngumiti kahit kinakabahan bago umupo sa upuan sa gitna ng stage. Huminga muna ako ng malalim bago umpisahan ang pagbasa.
"Mga bata Makinig kayong mabuti." Nakangiting wika ko sa kanila.
"Opo!!!" Sabay-sabay nilang sagot.
"Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa isang batang na ang pangalan ay Lito. Noong unang panahon may isang bata na masama ang pag-uugali lahat ng mga gustong makipaglaro sa kanya ay nilalayuan niya lahat ng gustong makipagkaibigan sa kanya ay tinataboy niya masama ang loob niya dahil iniwanan siya ng kanyang mga magulang at tanging ang lolo at lola lang niya ang nag-aalaga sa kanya. Higit sa lahat umasa din siya sa pangakong babalikan siya ng kanyang ina ngunit isang taon ang lumipas ay hindi na ito bumalik, at kinalimutan ang kanyang pangako kay Lito. Kaya lalong pinilit ni Lito ang mag-isa dahil alam niyang walang makakaunawa sa kanya. Hanggang isang araw kinausap siya ng kanyang Lola,"
"Apo bakit ka malungkot?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Lola.
"Iwan mo na lang ako lola hindi niyo rin ako maiintindihan." Umiiyak na sagot nito.
"Ano bang nararamdaman mo?" Sunod na tanong ng kanyang Lola.
"Galit ako kay mama at papa dahil iniwan nila ako, walang nagmamahal sa 'kin na mga magulang hindi kagaya ng ibang bata." Patuloy na hikbi ni Lito.
"Hindi totoo yan apo, masyado ka kasing nasaktan sa pag kakahiwalay ng mga magulang mo, pero mahal na mahal ka namin ng Lolo mo alam ng diyos yan." Naiiyak na wika ng kanyang Lola. Niyakap niya si Lito ng mahigpit at hinalikan sa noo.
Hanggang sa isang araw nagkasakit ang lolo ni Lito at tuluyang nang namaalam. Labis ang sakit na naramdaman ng Lola ni Lito at nakita niya iyon lumapit siya dito at hinawakan ang kanyang kamay.
"Lola wag ka nang malungkot simula ngayon ako na po ang mag-aalaga sa inyo, hinding-hindi po kita iiwan." Nakangiting wika ni Lito. Napaiyak naman ang kanyang Lola dahil sa sinabi ni Lito at niyakap niya ito ng mahigpit.
sa murang edad at natuto si Lito na pahalagahan ang mga taong nakakaintindi at nagmamahal sa atin. At wag nating kalimutan na nandyan parin si Papa Jesus upang gabayan tayo sa lahat ng pagsubok sa ating buhay.
wakas.....
Hindi ko maiwasan ang mangilid ang luha hindi dahil sa kwentong binasa ko. Kundi dahil may talent pala akong magbasa ng kwento sa harapan ng maraming tao. Talent naba yun? Bakit kasi ganito ang storyang pinabasa sa akin pwede namang fairytale na lang diba? Pagkababa ko ng stage ay naglapitan ang mga bata sa akin at niyakap nila ako.