Lhira POV
Pagkatapos namin magkape nag-pahatid na rin ako sa kanya hindi ko na lang sinabi ang nangyari sa ampunan dahil ayokong makadagdag pa sa mga iisipin niya. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang laki ng epekto sa akin ng mga nalaman ko. Gayung kakikilala pa lamang namin ni Miguel.
"Sigurado ka bang ayaw mong tumuloy sa bahay Thea?" Tanong ko sa kanya, pagkababa ko ng kotse.
"Hindi na Lhira, kailangan ko na rin umuwi may lakad ulit ako bukas eh!" Kinindatan niya ako.
"Haist, puro na lang gala ina-atupag mo ah!" Napatawa lang siya sa sinabi ko. Kumaway nalang ako sa kanya habang tinatanaw siya palayo.
"Lhira!" bungad sa akin ng akin ng Mama nang makita ako sa gate.
"How are you? Nasaktan ka ba?" Sinuri niya ako at nakita niya ang pasa ko sa braso.
"Mama I’m okay, don't worry pasa lang ‘to”
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat.” Nag-alalang wika niya sa akin.
“Ma, aksidente ang nangyari. Nagpasalamat na nga lang ako at ito lang natamo ko. Nailigtas ko pa yung bata. Bukas makalawa wala na ito.”
“Hay naku! Mabuti na lamang talaga at yan lang ang inabot mo. Nag-alala ako sayo nang sinabi ni Ms. Matilda na nabagsakan ka ng tubo. By the way pinadala ko na sa kwarto mo ang mga gamit mo. Pasensya ka na anak nagka-minor accident kasi sa planta kaya no choice ako kundi iwan ka doon. But I heared also from Ms. Matilda na ginawa mo yung part ko sa program. Thank you anak." Niyakap ako ni Mama.
Kung alam lang niya kung paano ako kinabahan noong time na yun. Kahit nga sa klase, yun ang pinaka hate ko sa lahat ang mag-report or ang tumayo sa harapan ng maraming tao. Kaya lang naman ako pumayag dahil sa mga bata.
"Wala yun Ma, para naman sa mga bata yun ambabait din kasi nila."
"Oo anak, nakakaawa ang mga batang yun mabuti nalang at napunta sila sa bahay ampunan atleast kahit paano ay may disente silang nakakain at natitirhan.”
Mabait talaga ang aking Mama, nagiging mahigpit lang siya dahil kay papa. Sa bahay kasi namin si Papa ang palaging nasusunod. Hindi ko pa nga si Mama naririnig na sumalungat kay Papa. Masyado lang bang mataas ang respeto niya or talagang natatakot siyang mag-away sila? Kahit kasi ayaw ni Mama sa mga desisyon niya hindi naman siya kumokontra o nagbibigay man lang ng suggestion palagi si Papa ang nasusunod.
"Ma, akyat na po muna ako sa kwarto." Paalam ko sa kanya. At iniwanan ko na siya sa garden sigurado akong mag-aalaga na naman yun ng mga halaman kahit gabi na yun kasi ang hilig niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay umupo ako sa malambot kong upuan. Ngayong lang ako nakaramdam ng pagod. Para kasing napakahaba ng araw na to sa akin ang daming nangyari mula kay Dad, sa ampunan, sa nangyari sakin at kina Thea at sa nalaman ko. Paano ko sasabihin kay Miguel na hindi talaga ako si Thea Morales? Paano ko sasabihin kay Thea na nagkikita parin kami ni Miguel? Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa problema ko.
Maya-maya pa ay kinatok na ako ni Mama sa kwarto para mag-hapunan. May mahalaga daw si Papa na sasabihin. Kaya no choice ako kundi ang bumaba. Sabay-sabay kaming nagtungo sa kitchen at umupo sa dining table. Nakakunot ang noo ni papa mukhang may problema ito.
"Mga anak nasa edad na kayo para magtrabaho” Wika ni papa na nakatingin sa aming dalawa ni Loyd. Ang sumunod sa akin.
"Bakit po papa?" Agad na tanong ni Loyd. Nauna akong nakagraduate sa kanya ng dalawang taon at parehong business ad ang kinuha naming kurso.
"Ipapasok ko kayo sa Morales Corporation, siguro naman sapat na ang ilang taon na wala kayong pinagkaka-abalahan. Kailangan niyo ng pagtuunan ang future niyo. Isasama ko kayo sa factory natin tomorrow pati narin sa iba ko pang lakad nang sa ganun ma familiarize kayo sa nagaganap sa production ng kompanya." dagdag pa ni Papa. Sa totoo lang ayoko naman talaga mag-business ad pero yun ang gusto ni papa na aralin namin kaya no choice kami kundi sundin siya pati na rin ng kapatid ko.
"Okay po papa.” Sagot ni Loyd, kaya tumango na rin ako kahit napipilitan.
Miguel POV
Matutulog na sana ako nang bigla akong ipatawag ni dad sa office na nasa bahay lang namin. Alam kong mahalaga iyon dahil hindi naman siya basta-basta nagpapatawag ng ganitong oras na para magpahinga.
"Pasok ka anak, umupo ka sa harapan ko." Wika ni Dad may kutob na ako sa sasabihin niya.
"Papa, tungkol na naman ba ito sa mga Morales?"
"Anak sasabihin ko sayo ang totoong dahilan. Kung bakit ako pumayag na makasal ka sa anak ni Raymond." Panimula niya.
"Ano po yun Dad?"
"Naging magkaibigan kami ni Raymond noong college palang kami anak. Kahit hindi kami laging nagkikita naging sandalan namin ang isa’t-isa. Hangang ngayon na may sari-sarili na kaming pinagkaka-abalahan ay nanatili pa din kaming magkaibigan. Isang araw nagkita kami ulit dahil sinadya niya ako sa opisina. Humihingi siya ng tulong para sa kanyang pamilya. Kaya siya umaalis ng bansa ay para mag pa chemo theraphy para madagdagan ang buhay niya nilihim niya ito sa kanyang mga anak. Pero lalong lumala ang lagay niya at ngayon hindi alam ni Raymond kung hanggang kailan pa siya mabubuhay. Kaya naki-usap siya sa akin na ipakasal kayo ni Thea tapos ililipat niya lahat ng shares at pati na rin ang pagiging Ceo niya sa kompanya sayo dahil walang alam si Thea sa pagpapatakbo ng kompanya. At isa pa nalaman ni Raymond na nagkakaroon financial problem ang kompaniya at napatunayan niyang si Lucio ang may kagagawan sa nangyayaring loss sa company."
"Sino po si Lucio?" Tanong ko.
"Siya ang half brother ni Raymond, napag-alaman ni Raymond ang lahat ng ilegal transaction at ang pagbili ng paunti-unting shares sa mga shareholders. Dahil noon pa man may alitan na sila ni Lucio. Ang dahilan daw noo ay imbis na siya ang gawing CEO ng kompanya dahil ito ang panganay sa kanilang dalawa. Ay kay Raymond pinamana ng papa nito ang kompanya kaya naging anino lang si Lucio ni Raymond"
"So it means Dad, gustong maagaw ni Lucio Morales ang Morales corporation sa pamamahala ng kapatid niya na ama naman ni Thea?"
"Oo anak, pero hindi pa niya alam na may sakit si Raymond kaya sa lalong madaling panahon kaylangan niyo ng magpakasal ni Thea. Habang buhay pa ang ama nila dahil kung hindi. Hindi lang mawawalan ng karapatan ang kanyang mga anak sa kompanya baka kuhanin din ang ibang ari-arian nila ni Lucio."
"Dad naintindihan kita. Alam kong gusto mo lang tulungan ang kaibigan mo, pwede ko po bang pagisipan muna ang lahat bago ako mag-disesyon?"
"Anak, alam kong hindi lang ito malaking responsibilidad para sa’yo kundi involved din dito ang personal mong buhay ayaw kitang pilitin dahil alam kung may sarili ka nang disesyon sa buhay. Kaya pag nakapag-desisyon ka na kausapin mo agad ako ha." Mahinahon na wika ng Papa. Tumango na lang ako bago ko siya iwanan sa opisina.
Umakyat na rin ako sa kwarto. Inilapat ko ang aking likod sa higaan. Noon, ayoko talagang pakasalan si Thea. Pero dahil sa mga nangyari at sa sinabi ni dad parang may nagsasabi sa utak ko na pumayag. Para sa akin isang malaking kalokohan ang fixed marriage. At wala akong idea kung alam ba ni Thea ang mga nangyayaring ito. Kahit paano nakukuha na din ni Thea ang atensyon ko. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko pa siyang makilala pa ng mabuti. Kahit ako naguguluhan na rin. Kanina sa ampunan hindi ko maiwasan ang titigan siya. Hindi ko rin alam kung anong klase ba siyang babae. Pero noong niligtas niya si Mia at inalala pa niya ito kahit alam kong nasaktan siya. May kakaiba ulit akong naramdaman. Ang hirap ipaliwanag. Maganda naman talaga siya, alam kong mabait din siya, bukod don marami na ring pagkatao ang nakita ko sa kanya noong una akala ko normal lang lahat at kagayan din siya ng ibang babae. Pero may something sa kanya. Natagpuan ko na lang aking sarili na hindi na inaalis ang aking paningin sa kanya.