Miguel POV Wala na siya? Mga salitang namutawi sa bibig ni Anton ang nagpanginig sa aking katawan. Pilit kong nilalabanan ang paghapdi ng aking mga mata sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha. “A-anong pinagsasabi mo Anton? A-alam kong galit ka sa akin pero wag mo naman akong biruin ng ganito.” Saad ko sa mahina at nanginginig na tinig pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko. “At sa tingin mo kaya kong magbiro sa mga oras na ito? Hindi Miguel. Nagpadala agad ako ng tauhan kung saang ospital nila dinala si Lhira. At napag-alaman kong wala na siyang buhay nang dinala doon.” Nanlambot ang aking katawan sa narinig mula sa kanya dahan-dahan akong humakbang palayo sa kanilang dalawa. Patungo sa pinto. Palabas ng bahay upang puntahan si Lhira. “Miguel, san ka pupunta?”